Chapter 8

22 0 0
                                    

Rod



Nagpasalamat ako kay Shane matapos iabot sakin ang ice pack para sa pasa at sugat ko sa mukha. Napapikit na lang ako sa sobrang sakit. Nandito ako ngayon sa bahay nito since s'ya ang sumundo sakin matapos  tawagan ng bar Manager na pinanggalingan ko.

"Ano na naman 'to, Rod? Una, naging lasenggo ka tapos ngayon basagulero ka na. What's happening to you?" Sermon sakin ng dalaga.

"Pasensya na." Hinilot ko ang sariling sentido dahil sa sobrang kalasingan at antok. Inumaga ako ng pag-inom sa bar.

"Pasensya? Gano'n lang 'yon? You are the owner of Amante's Airlines, for Pete's sake! Paano kung na-headline ang ginawa mong pagwawala sa bar na iyon? Goodbye client ka na lang. Gano'n? Itawag ko na kaya kay Tita Raquel iyang mga pinanggagawa mo!?"

"No! Please. Aayusin ko ang gulong iyon. I can take down the scandal using my connections. Just don't let Mom knows." Pakiusap ko. Tila pinag-isipan pa nito ang mga sinabi ko bago tumango saka umupo sa tabi ko.

"Bakit kasi hindi mo na lang sabihin sa kanya ang totoo?" Tanong sakin ni Shane na ikinangiti ko ng mapait.

"I can't. Ayokong mahirapan s'ya kung aamin ako." Sagot ko.

Napabuntong hininga ito. "Are you not getting tired? Ilang taon mo na 'yang inililihim pero kahit ni minsan hindi ka man lang nag-attempt na sabihin sa kanya. Minsan na s'yang nasaktan dahil hinayaan mo s'yang mahulog sa iba tapos ngayon may pagkakataon na pero pilit mo paring pinapalagpas."

Malungkot akong napangiti. "Mahalin s'ya ng palihim at maprotektahan s'ya sa lahat ay sapat na sakin para mag-stay ako sa tabi nya. I deeply madly inlove over Yona but I am afraid that I might not be a man enough for her. Ayoko na maging panibagong pasakit sa puso n'ya. Hindi ko kakayanin 'yon." Madamdamin kong sabi na ikinailing ni Shane.

"Poor you man. Successful ka nga sa career pero takot ka naman sumugal para sa pag-ibig ng bestfriend natin. Basta payong kaibigan lang, make your move now bago ka pa maunahan uli. Nasa dalawa lang 'yan; liligawan s'ya ng workmate n'ya or babalikan s'ya ni ex." Sabi nito saka naglakad na papuntang kusina para maghanda ng almusal.

Nagkaroon ng impact sakin ang sinabi ni Shane. Sinong workmate ang didiskarte kay Yona? At si Cyrill, may posibilidad na balikan si Yona since nagsisimula na itong mangulit sa dalaga. I allow neither to happen. P-Protektahan ko si Yona pati ang puso nito.

I CANCEL my assembly today with my client to visit Yona personally here in ECO and I brought one bouquet of white roses for her. Gusto kong mag-sorry sa kanya dahil sa nangyari ng nakaraang gabi dahil hindi na ako nakapagtimpi nang makita ko ito na kinukulit ni Cyrill. That man, he's definitely on his guts to show up himself to Yona.

I freshly remember the day how Yona crumbled after he dumped her. And it was really hard for me seeing my love losing herself .

Sinugod nya ako ng yakap at tuluyang napahagulhol. She called me up and said that she's in my unit so I drove home to meet her without a second thought. Shit! Nag-away ba sila ni Cyrill kaya umiiyak sya ng ganito o hindi na naman sinipot kaya umiiyak sa sama ng loob?

"Ang sakit Rod....." Sabi n'ya sa nanginginig na boses at hinigpitan ko ang pagyakap sa kanya para ipadamang hindi ito nag-iisa.

Way Back Into Your ❤ Where stories live. Discover now