Leona
Nasa conference room kaming mga writers ng Perez Entertainment Company ngayon dahil sa urgent na mga reports namin na kailangan paghandaan at tutukan. Napabaling ako sa kanan ko nang magtama ang mata namin ni Keila, ang ex ni Rod. Agad itong umirap sakin na nagpataas naman ng kilay ko. Problema nito? Gusto 'atang mausog. Hmp! I know naman na bitter pa ito sa break up nila ng mokong na yun. Eh kasi naman nagselos sakin kaya ayun, nakipagbreak. Tsk. Tsk.
"Good morning writers." Bati ng Head Writer namin na si Mrs. Sylvia Ocampo, mabilis naman kaming umayos ng upo. "I called an urgent meeting to assigned you in different area and assignments. Since we are the most trusted Entertainment Company, I am pleased to inform you all that we will be covering the most awaited events of the year." Lahat kami ay nabuhayan ng dugo dahil travel na naman ito. Sa mga nagdaang araw kasi ay office based lang kami.
"This is gonna be exciting again!" Wika ni Jenny habang kinikilig. Ang researcher ng team.
"Of course! Makakatikim na naman ako ng body massage." Si Kiko, writer and researcher about food and travel.
"Me too! Matagal narin 'yong last time na nakapag-relax ako." Si Gino, ang partner ni Kiko sa mga reserach nito But at the same time ay sa Sports ang area nya.
Si Keila as fashion line of industry sya nakatutok habang ako ay nasa lifestyle ng celebrity, politicians and businessman.
"I know that you will be as excited like this so I will assign you now for your areas." Agad naman nagsitahimik. "Jenny, I'll assign you to cover the upcoming Auction of Baldomaros this coming Friday. And cover the Exhibit of Ms. Hanna Dizon by Saturday, Keila will be with you." Tumango naman ang dalawa at inilista ang mga appointment nito.
"Kiko, be there at the wedding of Mr. Estrada this Thursday at gaganapin 'yon sa Balesin." Aktibo naman na isinulat nito ang lakad. "And you Leona, appoint a schedule to have an interview with one of the MVP in basketball league - Mr. Cyrill Domingo." What!? Of all the people ba't sya pa? Naman eh!!!
"Pero Mrs. Ocampo, pwede po bang sa ibang assignment na lang ako? Since Sports naman ang area ni Gino s'ya na lang po sana ang makikipagmeet kay Mr. Domingo." Request ko dahil tense na ako. Napangiti naman si Mrs. Sylvia.
"You're right. Kaya partner kayo ni Gino sa assignment na ito since nasa spotlight na si Mr. Domingo, you can join and ask his secret in maintaining his abs. Or ask his hobby as an athlete." Halong biro nito na ikinatawa ng iba. "Okay, goodluck to your assignments. Dismissed." kanya-kanya ng exit pero ako hindi makatayo sa pag-aalala. Bakit sya pa? Naman eh.
"Be ready, Yona ha. Bye." Bilin ni Gino bago lumabas ng room.
****
"Hey cutie." Rod. He walked towards me and lend a one cup of ice cream and sit next to me. I smiled at him. Nandito kami ngayon sa isang park malapit sa kompanya nito. Matapos ang meeting kanina sa ECO ay agad ko s'yang tinawagan para samahan ako mag-emote dito.
Baki kasi sa dinami dami na ibibigay na trabaho ay 'yon pang kahaharapin si Cyrill Domingo? Yes, it is a big honor to meet and greet the one of the finest basketball player of the country but he is exempted. Hindi ako komportable na makita s'ya kahit pa na s'ya ang dahilan ng mga drama ko sa buhay. Yes, s'ya lang naman ang rason ng heartbreak ko. Ang taong nang-iwan sakin. Kaya isipin ko pa lang ngayon na magkakaharap kami ay hindi ko na alam kung makakaya ko pa bang maging normal sa harap n'ya. Napabuntong hininga na lamang ako sa naisip.
"Ang lalim no'n ah. Problem?" Untag sakin ni Rod habang nakatingin sakin.
"As usual s'ya na naman. " Napakunot noo ito at napatiim bagang.
"Why can't you just let him go? Paulit ulit ka na lang umiiyak." Seryoso ito kaya hindi ko maiwasang mapangiti. He is my boy bestfriend and he cares for me that much so I am thankful for that.
Inakbayan ko s'ya para ipabatid na kaya ko. "Don't worry, hindi ako umiyak kagabe. Problema nga lang sa work dahil sakin binigay ng Head namin ang interview with Cyrill."
"You are going to meet him!?" Eksaheradong tanong nito. Sinabi ko ba na makikipagmeet lang ako kay Ex?
"I'll have an interview for my article hindi lang sa makikipagmeet lang ako." Sagot ko pero tiim bagang parin ito kaya hindi ko maiwasang mapailing.
"I can go with you."
"OA mo. Trabaho ko 'yon at wala ka naman gagawin do'n kundi i-intimidate ang mga co-worker kong lalaki." 'Cause I remember last time a nag-cover kami ni Kiko sa isang big event sa Anilao ay para itong tigre na binabantayan lahat ng kilos ng lalaki maging ang pakikipag-usap sakin ni Kiko ay nagbabanta ito sa tingin.
"Makakaharap mo s'ya kaya kailangan nando'n ako para suportahan ka incase na umiyak ka na naman."
"Ano ako, bata? Iyakin lang ako Rodrigo pero hindi ako kinder na kailangan ang Tatay." Sabi ko na ikinainis nito dahil nasabi ko na naman ang curse word sa buhay nya.
"Don't say that again kundi pipingutin kita." Banta nito na ikinatawa ko. Sa sobrang inis nito ay mabilis na inubos ang ice cream.
"Pikon si Tatay." Kantiyaw ko habang tumatawa at s'ya nama'y nakaismid lang. Natigil lang ako nang mapansin s'ya na biglang sumeryoso at nahulog sa malalim na pag-iisip.
Seryoso itong tumingin sakin matapos kong tapikin. "Ligawan kaya kita?"
Natameme ako. Ano raw? Nagpapatawa ba ito?
Muli akong natawa. "As if naman type kita. Nagpapaligaw lang ako sa mga social ang pangalan."
"Well, just in case lang naman na kailangan mo nang maipang-display sa Ex mo to make him regret for leaving you. But don't worry too much my dear, I am not interested in you."
"Psh! Me either. You're not even my type. I like you as my boy bestfriend but not in other way around."
"Ha-ha-ha. Whatever you say Leona." Wika nito. "Oh it almost lunch hour. Ihatid na kita sa ECO since may meeting pa ako." Sabi nito matapos tumingin sa relos.
"No need. I can grab taxi since dadaanan ko pa si ate Jas, sabay kasi kaming maglalunch."
"Okay then. I'll go ahead. You take care." He kissed me on the forehead then waved a goodbye.
Nang malayo na ang sasakyan nito ay agad kong tinawagan si ate Jas at binigay ang address ng restaurant na kakainan namin. Mabilis akong pumara ng taxi papunta sa ruta. Kailangan kong masabi kay ate Jas ang problema ko ngayon. I need the sisterly advice.
- Rushiry -
YOU ARE READING
Way Back Into Your ❤
General FictionLeona Lopez - a career woman and a good catch for every man's dream. But she is broken and chasing still the love she had once. A man she gave up her world and offers her stars and moon to light up their Love. Still, he turned his back into her and...