Leona
Lakad takbo ang ginawa ko matapos mai-park ang motorbike ko at hinabol ang available na elevator papuntang 10th floor kung nasaan ang aming opisina. Hindi maihiwalay ang mga mata sa relos ko kasi naman thirty minutes na akong late. Agad akong sumibat kanina nang maunang umalis sina Rod mula sa condo unit nito. Umuwi pa ako at naligo kaya ganito na lang ang pagkahuli ko sa trabaho at ang masaklap pa ay ngayon ang deadline ko sa isang report. Nang makarating sa 10th floor ay para na akong sasali sa marathon sa bilis ng takbo ko at panay excuse sa bawat makakasalubong ko. Sobrang hingal ko nang makarating na ng opisina at nanghihinang lumakad papunta sa sariling cubicle.
"Anyare te?" Nagtatakang tanong ni Jenny na kasalukuyang nagkakape.
"I am forty minutes late!" Frustated na sabi ko at pabagsak na umupo at hinilot ang paa. Napangiwi ako sa sobrang sakit ng paa ko dahil sa takong ng sapatos ko.
"Hala! Lagot..... May I.R ka ngayon kay boss." Pabirong sabi ni Gino na ikinairap ko lang.
"Pustahan tayo, hung over na naman 'yan kaya late." Sabat naman ni Kiko. "Tama ako ano?"
"Heh! Traffic kaya. Nakakaasar lang." Pagdadahilan ko. Hindi pa naniwala ang mga loko dahil pinipilit nila na naglasing ako which is totoo naman. Para maiba ang topic ay hindi ko na sila pinansin at hinarap na ang desktop nang may mahagip ang mga mata ko.
For my dearest Leona....
C.D.
Napataas kilay naman ako sa pabulaklak ng mokong na iyon. Nalingunan ko naman sina Jenny na nakikiusyuso sa hawak ko.
"Wow! May pa-bouquet ulit si Mr. Domingo! Ivaahhh ang karizma ni atech." Tukso ni Jenny.
Napasipol naman si Gino. "May masugid ng manliligaw ang dalaga natin. Ano mamanhikan na ba samin?" Biro nito saka nagtatawanan na nag-appear sila ni Kiko.
"Sige Yona, ako nang bahala sa killer questions para magsukatan na kung kaya n'ya ang bangis namin bilang mga kuya mo." Gatong naman ni Kiko saka pinalabas pa ang biceps.
Napalingon naman kaming lahat nang sarkistong tumawa si Keila habang nakahalukipkip. "Iba talaga kapag sanay gamitin ang kamandag. Ingat lang si Mr. Cyrill baka sa bandang huli malason s'ya."
Inaasar n'ya talaga ako. Sinusubukan ko s'yang iwasan pero ito talaga ang gutom sa diskusyon. Kahit gusto ko na itong patulan pero pinili ko na lang ngitian ito.
"Don't worry, safe s'ya sa kamandag ko." Napahiyaw naman ang tatlo.
"Of course. Nakalimutan ko kasi na ini-enjoy mo pala ang nabibiktima mo kaya nasusulot mo."
Hinarap ko na ito saka nginitian ng ubod tamis. "Kahit na kailan wala akong naging intensyon na gawin 'yan. Bakit kasi hindi mo isipin ang mga bagay na posibleng dahilan kaya ka hiniwalayan ng bestfriend ko?"
Mabilis naman umawat ang tatlo para mawaglit ang tensyon na namumuo na ngayon ngunit si Keila talaga ang pilit na nakikipag-argumento.
"Malakas talaga ang loob mo Leona samantala ikaw itong naging third party sa relasyon namin ni Rod!"
"Excuse me?"
"You heard me right? O baka naman slow na yang mind mo dahil okupado na 'yan ng kalandian at kati!" Taas boses nitong sabi na parang pinaparinig hanggang sa kabilang building. Agad namang nag-init ang ulo ko pero inipon ko lahat ng pasensya na available sa kapaligiran para kumalma. Bastusan pala ha.
"Hey watch your mouth you!" Si Kiko.
"Don't worry, wala akong kati-kati sa katawan. Baka naman gusto mong i-describe ko ang word na kalandian at kati gamit pangalan mo?" Bruhang 'to!
YOU ARE READING
Way Back Into Your ❤
General FictionLeona Lopez - a career woman and a good catch for every man's dream. But she is broken and chasing still the love she had once. A man she gave up her world and offers her stars and moon to light up their Love. Still, he turned his back into her and...