Chapter 13

27 0 0
                                    

Leona


Hindi ako dalawin ng antok kahit pa ala una ng madaling araw na. Hindi maalis sa isipan ko ang mukha ni Cyrill at ang sinabi nito kahapon. Marahas na ginulo ko ang sariling buhok na bumangon at napagpasyahang pumunta ng terrace. Magaan ang mga paa na tinungo ko ang lugar at doon ay malalim na humugot ng preskong hangin habang nakatingala sa mabituing kalangitan.

"Lord, bakit ngayon pa? Noon hiniling ko sa inyo na bumalik sakin si Cyrill at sabihin na "I still love you" at "Let's start over again" dahil umasa ako na ako parin." Sabi ko sa kalangitan dahil alam ko nakikinig s'ya, ang unang sandalan ko sa problema. "Mahal ko pa po si Cyrill pero ayoko pong masaktan si Rod dahil marami po s'yang sinakripisyo para sakin. S'ya po ang unang tao na alam kong maaapektuhan sa lahat. Please Lord, bigyan n'yo po ako ng lakas para iwasan ang tukso na si Cyrill."

Napaigtad ako ng may biglang humawak sa balikat ko. "Ate....!" Naiinis na sabi ko matapos malingunan kung sino iyon.

"Masyado kang matatakutin pero hindi ka naman marunong magbukas ng ilaw." Natatawang sabi nito saka iniabot sakin ang isang baso ng tinimplang gatas at ininom ang sa kanya.

"Mas nakakapag-isip ako ng klaro kapag madilim at payapa. Narerelax ang isip ko."

"Wow. Para ka palang night owl. Aktibo at klaro ang radiation sa gabi." Pang-aasar nito saka ginaya pa ang huni at paglipad ng manananggal. Hindi ko maiwasang mapailing dahil hindi ko mahanap ang koneksyon.

"Ate seryoso, may tanong ako sa'yo?"

"Ano iyon?"

"May bumalik na ba na ex mo at nakiusap ng isa pang chance?"

Napaisip ito. "Mayroon pero depende sa naging issue ng hiwalayan namin para bigyan ko pa ng chance. Madami naman kasi na p'wede maging rason sa break-up at depende iyon sa bigat ng kaso."

"How about he cheated on you 'cause he found something on his girl that you won't provide?"

"Like intimate?" Napatango ako. "Well, masakit iyon at sampal iyon sakin lalo na kung binigay ko na lahat pero hindi parin nakontento. However, kung sincere naman s'ya and maturity already hits him, why not? Hindi ko ipagdadamot ang chance kung deserve n'ya pero s'yempre dapat may evaluation din na mangyayari. If it seems that he deserve for another chance so be it but always stick to your mind that giving a chance unnecessarily mean that you will accept him into your life again. Huwag kakalimutan ang product ng rating sa evaluation mo kung deserve pa ba n'ya kung ano ka ngayon." Mahabang eksplinasyon nito.

Muli akong napabuntong hininga at napaisip.

"Sino ba ang gumugulo sa isip mo?"

"Ang ex ko, si Cyrill."

"Oh..... the modern machete. Kinukulit ka ba n'ya ngayon para maging leading lady n'ya?" Sarkistong tanong ni ate Jas. Hindi ko s'ya masisisi. Si ate lang naman kasi ang araw araw na bumubungad sa pagngawa ko sa paghihiwalay namin ng lalaking iyon.

"Nag-usap kami kahapon and he was asking for another chance."

"Mahal mo pa ba?"

"Hindi naman nawala, Ate."

Napabuntong hininga ito. "Then, make the best decision you can make. Hinay hinay lang Yona ha. Sinaktan ka n'ya minsan kaya maging wise ka sa evaluation mo sa kanya."

"Opo ate Jas. Just trust me."

Ginagap nito ang dalawa kong kamay. "We always trust you. Malaki ka na kaya alam ko na magiging mautak ka na sa ngayon. 'Wag puro puso, timbang timbang din pag may time."

Natawa ako sa sinabi ni ate at niyakap ito sa pasasalamat. Hindi naman siguro masama na bigyan ko pa ng chance si Cyrill pero alam ko may mga bagay parin na kailangan kong isaalang-alang lalo pa't may ibang puso na nakataya rito.

KADARATING lang ni kuya Leo galing orientation kaya naisipan kong maghanda ng mga paborito nito para sa almusal dahil alam ko missed nito ang home made. Inasar pa ako ni ate Jas sa kasipagan ko ngayon baka daw mayroon na akong bagong inspirasyon sa love na inirapan ko lang. Kahit kailan talaga number one bully ito at pangalawa naman si Rodrigo.

"Sino na nga ang inspirasyon mo ngayon at nagsipag ka?"

"Ate Jas, bawal ang chismis sa hapag kainan." Pambabara ko at pinapabatid ko sa kanya sa tingin ko na hindi ako komportable sa ganyang topic.

"Ay sus, pa-showbiz na ang bunso natin kuya Leo oh. Nagdadalaga na ulit." Minsan naiisip ko na ang sarap nang busalan ng bibig ni ate para lang tumahimik.

Muli ko itong inirapan. "Hindi ba p'wede na gusto ko lang paglutuan si kuya? Showbiz agad."

Tumikhim si kuya Leo na nagbabasa ng diyaryo para ipabatid na nasa hapag-kainan kami. Tumahimik naman kami agad dahil baka maging dragon pa ito sa galit.

Matapos mag-almusal ay diretso na kami sa garden para magkuwentuhan gaya ng nakasanayan namin. Off namin ngayon kaya quality time namin ito ngayon nina Kuya Leo at Ate Jas. Panay kuwento ni ate sa mga nakakatawang karanasan nito sa Baguio.

"Nawala kasi ako sa grupo kaya iyon nagdecide akong magtanong sa isang Ale. Kaso nga lang paglapit ko sinabihan ba naman ako na 'Huwag kang magtatangka na mangholdap. Taga Maynila ako baka ipakain kita sa makina ng MRT'. At doon tumigil ang mundo ko nang mapagkamalan akong holdaper." Tawa kami ng tawa ni kuya dahil akalain mo sa ganda ni ate Jas, napagkamalan ng holdaper sa Baguio.

"Baka naman kasi nakatago na ang mukha mo sa scarf." Sabi ko matapos mabawi ang hangin sa baga.

"Sobrang lamig kaya so nagdecide ako na mata lang ang ipapakita ko."

"Mabuti na lang hindi kami ang kasama mo kundi iiwan ka talaga namin at i-d-deny." Sabi ni kuya Leo sabay tawa.

"Kuya naman eh...."

"Joke lang..... dahil kapatid kita, siyempre iiwan ka lang namin ni Yona with pamasahe." Muli kaming tumawa ni kuya habang si ate naman ay napairap na lang. Sorry s'ya dahil bully s'ya ngayon.

Matapos ang ilang minuto ay sakin naman natuon ni kuya Leo ang atensyon n'ya.

"Kumusta naman ang work mo, Yona?"

"Always great, kuya. Actually, I am planning to have a documentary videograph for Child's Care. It is going to be a big project so it takes time." Sabi ko at napatango naman si Kuya Leo.

"Sounds great but have you ever crossed your mind to take another opportunity for your career and personal growth?"

Here we go again, "Masaya po ako sa passion ko ngayon, Kuya. Isa pa, may nagawa narin ako sa industriya na tinulungan akong mag-grow personally sa career ko."

Napailing ito. "I am seeing you better than that. Bakit hindi mo i-grab ang work sa Canada na matagal ka ng hinihintay? Kaysa d'yan sa work mo ngayon na kahit buhay mo hindi na pribado."

"Kuya, I still have my privacy. Hindi naman kayo kinukulit ng mga reporter 'di ba?" Nakangiting tanong ko.

Napabuntong hininga ito tanda ng hindi sang-ayon sa sinabi ko. "Sa ngayon, hindi. Pero ayoko na hintayin pa natin na dumating ang araw na gano'n ang mangyari. Ayoko lang na maging mahina kayo sa mga sasabihin ng iba dahil hindi ko papayagan iyon."

Naiintindihan ko ang takot ni kuya dahil minsan kasi nakatanggap ako ng banta sa buhay galing sa isang basher / obsessed fan ng isang sikat na celebrity male dahil lang sa pagkumpirma ko na taken na ang lalaki.

"Hindi po iyan mangayayari, Kuya. Magtiwala lang kayo." Pagpapalubag loob ko.

Napatango naman ito saka hinawakan ang mga kamay namin ni Ate Jas.

"Kayo na lamang ang pamilya ko simula nang mawala ang mga magulang natin kaya hindi ako papayag na yuyurakan lang ang pagkatao ninyo ng ibang tao."

"At hindi rin kami papayag na mangyari iyon dahil ayaw namin makipag-away ang Teacher namin sa isa lang basura na basher." Sabi nito ate Jas na ikinatawa namin.

Sa sobrang saya ay niyakap kami ni Kuya Leo ng napakahigpit na ginantihan din namin. I am blessed to have a family like this.







- Rushiry -

Way Back Into Your ❤ Where stories live. Discover now