Chapter 14

25 0 0
                                    

Leona


Nakangiting mukha ni Cyrill Domingo ang lumapit sakin sa parking area ng ECO suot ang ball cap nito para hindi mapansin ang mukha. Mabilis naman nagrigodon ang puso ko at hindi maiwasan mamangha sa simpleng suot nito ngayon. He's wearing a blue shirt that is perfectly fitted to his body matched with a ragged jeans.

"Hi Leona." Sabi nito saka iniabot sakin ang bouquet ng bulakalak.

"Bakit ka nandito?"

"Sakit naman ng bungad. Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung gaano na ako katagal na naghintay dito?" Nakasimangot na sabi nito saka nagpaawa na nakatingin sakin.

"Bakit ka nga umaaligid dito? Wala ka bang trabaho ngayon?"

"Wala. Off ko today kaya dinalaw kita. Hindi mo pa ba tatanggapin ang bulaklak? Nangangalay na ako eh." Pacute na sabi nito saka pairap na tinanggap ito. Kahit kailan talaga reklamador ito.

"Salamat. Mauna na ako sa'yo, may trabaho pa ako." Sabi ko saka iniwan na ito.

Mabilis na mga hakbang ang ginawa ko hanggang sa makarating na ng opisina. Impit naman akong kinilig matapos makaupo sa cubicle ko. Agad naman nakiusyuso sina Jenny kung kanino galing ang bulaklak na matapat ko naman na sinagot.

Kinilig narin ito at ang mga boys naman ay nagstretching na para daw sa paghahanda ng mga killer questions sa 'pamamanhikan' daw ni Cyrill Domingo.

"Tumigil nga kayo! Papayagan ko lang s'yang manligaw pero hindi ibig sabihin no'n ay may possibility na maging kami ulit." Napamulagat naman si Jenny sa sinabi ko.

"Wait! Sinabi mo ba na 'maging kami ulit'? O advance lang akong mag-isip sa mangyayari? Are you saying na s'ya 'yong ex-man mo?"

Tumango ako na naging ugat ng pagtili nito sa sobrang kilig at niyugyog pa ako sa balikat.

"Grabe naman Yona, hindi ka man lang nagkuwento na s'ya pala ang nanakit sa'yo. Hindi ko na sana s'ya inidolo at pinatikim ko pa ng upper cut ko." Napapailing na sabi ni Gino na ikinatawa ko. Kahit kailan talaga loko 'to nagmana kay Kiko.

"Loko ka. Tumigil ka nga d'yan. Work work na tayo." Sabi ko saka hinarap na ang desktop para naman magsibalik na ang mga ito sa kanya kanyang cubicle.

Dinampot ko ang sariling mobile phone nang tumunog ito at napakunot noo sa unknown number na tumatawag sakin ngayon. Pero sinagot ko naman ito.

"Hello?"

"Can we talk?" Plain ang boses na sabi ng nasa kabilang linya.

"May I know who is it?"

"Jessie."

"Oh hi! Kumusta ka na?"

"Meet me. I will send you the address." Sabi nito saka mabilis na pinutol ang tawag na ipinagtaka ko.

Nagpaalam ako saglit sa Head namin na may urgent personal matter akong aasikasuhin kaya nakarating na ako sa ibinigay na address ni Jessie na isang cafeteria malapit sa opisina. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may hindi tama base narin sa boses at pananalita kanina ng babae.

Pinakadulo malapit sa counter ang mesa namin kaya agad ko s'yang nilapitan at masayang binati ito ngunit tanging ismid lamang ang kanyang iginanti.

Napansin ko ang mga pagbabago sa physical appearance n'ya. Medyo pumayat ito at tanned na ang balat nito. She also had her short hair with dye color. And she give me a discomfort look. Itinigil ko naman ang pag-eksamin sa itsura nito ngayon. Tinawag ko naman ang crew para umorder ng kape at muling hinarap ito.

Way Back Into Your ❤ Where stories live. Discover now