Chapter 3

19 0 0
                                    

Leona

Araw ng interview ngayon sa lalaking hindi ko na pinangarap makita. Bakit ba kasi sa lahat ng PBA player sa bansa ay s'ya pa ang kailangan maging "Face ng Magazine" ng ECO ngayong buwan? Too bad for me na in demand sya sa industriya. Kinakabahan man ay ibinuga ko na lamang sa hangin iyon at lumabas na ng elevator kasunod si Gino. Huminto kami sa unit 1704 at lakas loob na kumatok. Well, sinadya namin ang binata sa condo unit nito since kararating lang ng MVP mula Malaysia galing sa world cup kasi nga he is a big shot. Isang maputi at maliit na babae na sa mga 4'8 ang height ang s'yang bumungad samin, napakasimple nito sa suot na white long sleeve at gray slacks.

"Good morning, Ms. Cruz. I'm Leona Lopez from ECO and he is Gino Santillan our feature journalist for Sports magazine." Pagpapakilala ko at inilahad ang kamay na tinanggap naman nito. "We are hoping that this is the perfect timing to have an interview with Mr. Domingo." Nakangiting sabi ko. Agad naman kaming pinatuloy sa room at pinaupo sa couch. Studio type ang condo ng binata at may maliit na office katabi ng silid at sa loob nito ay nandoon ang mga medals at trophies ng binata.  

"I hope you don't mind to have a minute to wait for Mr. Domingo, he is on his way now. By the way, I'm Charm his PA." nakingiting sabi nya. She fits her name in a way she's really charming. Tumango lang ako. Si Gino naman ay nagset-up na ng video camera at iba pang mga devices na kailangan sa interview. Well, dalawang interview ang gagawin namin ngayon base sa magkaibang area namin ni Gino.

"It's okay, Ms. Charm. Sanay na akong maghintay." Sagot ko na ikinatawa nito at ikinailing ni Gino. Well, sanay na 'yan sa mga pabiri kong hugot.

"Which do you prefer, coffee or tea?" hospitable nitong alok at tea naman ang nirequest para kumalma naman ang puso kong kanina pa kinakabahan habang si Gino ay tubig lang ang request.

Tumungo ito sa kitchen at sa pagbalik ay dala na ang aming mga request. Agad naman akong uminom at sa hindi inaasahang pagkakataon ay nanginig ang kamay ko. Sheta ! Relax lang Yona!

"Don't worry Ms. Lopez, mabait naman si Mr. Domingo kaya 'wag kang kabahan." nakangiting sabi nito matapos mapansin ang panginginig ko. Gosh! Para naman akong newbie sa pag-interview kung kabahan ako. Relax Yona. Inhale. Exhale. Inhale. Exhale.

Napalingon ako kay Gino nang tapikin n'ya ako sa likod. "Relax lang, Yona. Malay mo s'ya na si Mr. Right na hihilom ng puso mo." Pabulong na kantiyaw nito na ikinairap ko. Alam kasi nito na broken ako pero hindi nito alam na ang binata ang rason.

Nahigit ko ang aking hininga nang makita ang lalaki na kanina pa namin hinihintay. Naging slow motion ang paglapit nito sa kinaroroonan namin at tila hinahalukay ang sikmura ko sa sobrang kaba. Oh my, Cyrill Domingo!
Parang uminit at sumikip bigla ang lugar dahil sa tensyon na nararamdaman ko ngayon sa sarili ko. Ano ka ba Yona? Relax okay? Alo ng mind ko sakin. God! He's really gorgeous. I can't slip away my eyes upon him. I sudden feel of missing him. Missing him!? Duh! wake up Yona, sinaktan ka at iniwan ng lalaking yan! sigaw ng utak ko.
Napasimangot naman ako.

"Oh why sudden change of face? Nag-eenjoy pa naman akong makita ang paglaglag ng panga mo sa kagwapuhan ko." Nakangising pang-aasar nito. Kinamayan naman ito ni Gino pagkatapos ay dumikwatro na sa kaharap kong single sofa. Psh! Feeler ng kumag na 'to porket ba mas naging lean ang katawan nya? Tss.

"Nashock lang ako sa realization na grabe na pala ang hangin mo sa katawan. Pati black aura mo sense ko na." I rolled my eyes and he laugh. Ano nakakatawa?

"You really changed huh. From boyish behavior turned into a woman I can't resist. But I love it." He wink at me and I just rolled my eyes to hide my thrill. Ano pinagsasabi nito? He look like he's flirting on me. Gosh! I wanted to kiss and hug him right now. I cleared my throat of the thought. Nadakip ko naman ang tingin ni Gino na waring nagtatanong kung magkakakilala na ba kami ni Mr. Domingo base narin sa pag-uusap namin. Umiwas lang ako ng tingin.

Way Back Into Your ❤ Where stories live. Discover now