Rod
Matapos ang ilang meeting na dinaluhan ay napagpasyahan kong magpalamig ng ulo kaya tinawagan ko si Shane na samahan akong uminom at dinala naman niya ako dito sa Hang Out. Free ang schedule nito ngayon buwan kaya mabilis itong pumayag since nasa work pa naman si James.
"Whisky please." Sabi ko sa bartender matapos makaupo sa counter kasunod ang kaibigan.
"Vokda." Segunda naman ni Shane saka sophistikada akong hinarap, hindi ko tuloy maiwasan matawa.
"Masaya ako at sinamahan mo ako ngayon."
"Of course. Sino pa ba ang makikinig sa magiging drama mo ngayon kung hindi ako lang." Sagot nito saka sumimsim ng vodka matapos maibigay sa kanya. Tumungga naman ako ng whisky.
Ngumiti ako ng mapait. "Ikaw lang naman kasi ang nasasabihan ko eh."
Nagkibit balikat ang kaibigan. "Yona is one of your bestfriend, you must open up yout heart to her. Siya naman talaga ang pinoproblema mo ngayon para matapos na."
Napapailing ako sa sinabi nito.
"Nope. Ayokong masira kung ano ang mayroon samin ngayon. Friendship lang ang pinanghahawakan ko sa kanya para hindi siya mawala sa akin kaya lahat gagawin ko kahit pa ang pagkukunwari."Napabuntong hininga ito saka umiiling na tinarayan ako. "Stupidity iyang rason mo, Rodrigo! Huwag ka nang maging duwag na aminin sa kanya ang totoo. Kahit ano namang pag-iwas mo ay siya naman nagpupumilit sumabog ang sarili mo kasi hindi na platonic love ang mayroon kayo."
Hindi ako nakasagot. Hindi ko maiwasang mapahilamos sa sariling mukha sa sobrang hirap ng nararamdaman ko. Sumubok naman na ako ng ilang ulit na ipagtapat na kay Yona ang nararamdaman ko kaso nga lang sa bawat panahon na humaharap siya at ngumingiti sa akin ay siya naman panghihina ng loob ko na animo'y nauupos na kandila. Napatalungko na ako sa counter at hindi maiwasan na bumuhos ang lahat ng emosyon ko ngayon. Naramdaman ko naman ang palad ni Shane na humaplos sa likod ko tanda ng pagdamay.
"I love her so much Shane. Lahat kaya kong gawin para sa kanya pero ang itulak niya ako para mahalin ang iba ay isang pasakit sakin. Kung p'wede ko nga lang sabihin sa kanya ng harapan na mahal ko siya, na siya lang naman ang gusto ko ay gagawin ko ng paulit ulit." Madamdamin kong sabi habang lumuluha.
Napaluha narin ang kaibigan dahil katulad ko ay nahihirapan narin ito lalo pa at ito ang napapagitna sa amin ni Yona. Ito ang mas nakakaalam sa mga bagay na lingid sa kaalaman namin ni Yona.
"Natatakot ako Shane. Natatakot ako na muling bumalik si Cyrill sa buhay niya at ganoon din ang mawala siya sa akin."
"Then tell her that you love her. Kilala natin si Yona, makikinig iyon at maiintindihan ka. Kung hindi niya tanggapin ang pag-ibig mo, accept it. Atleast, for once in your life ay naging totoo ka na sa sarili mo at napalaya ka na sa bigat na dinadala mo for years. Be a man she keeps on waiting in her whole life."
Pinunasan ko ang sariling mga luha at pinag-isipan ang mga sinabi nito. Tama ito, kailangan ko nang palayain ang bigat sa dibdib ko. Tanggapin man o hindi ni Yona ang totoong pag-ibig ko ay handa ako na harapin iyon. Ang mahalaga ay maging masaya ito at maging malaya na ako sa mga sariling katanungan.
Nag-iba ng topic si Shane para pagaanin ang pakiramdam ko kaya nagsimula na itong magkuwento ng mga kapalpakan at kabulastugan namin noon simula high school life namin. Sinariwa nito ang alaala ng pag-cut namin sa klase nina Yona para lang maglaro sa perya at magmovie marathon during class discussion. May pagkakataon din na itinakas namin ang Honda CR-V ng Daddy ni Shane na nabangga since nag-aaral pa lang magdrive noon ang dalaga kaya nauwi kami sa sermon ni Tito Manolo na tinawanan lang namin pagkatapos. Naalala ko din ang panahon na tumalon si Yona sa puno ng bayabas matapos makakita ng ahas kaya nakita ko ang kulay ng underwear nito, at pinagalitan pa ito ni kuya Leo nang umuwi na marumi ang uniporme. Mayroon din na tinatawanan muna ang isa matapos mahulog o madulas bago tulungan na makatayo.
YOU ARE READING
Way Back Into Your ❤
General FictionLeona Lopez - a career woman and a good catch for every man's dream. But she is broken and chasing still the love she had once. A man she gave up her world and offers her stars and moon to light up their Love. Still, he turned his back into her and...