Chapter 4

28 0 0
                                    

Leona



Kanina pa ako naghihintay dito sa tagpuan namin ng boyfriend ko na si Cyrill Domingo. Nakaupo lang ako sa buhangin sa tabing dagat habang nakatanaw sa lugar kung saan madalas pinapark ng binata ang sariling motorsiklo. Tumawag kasi ito at sinabi na magkita kami dahil sa mahalaga n'yang sasabihin. Naisip ko agad na baka magpropose na ito tutal nasa tatlong taon na kaming relasyon at sapat na panahon na 'yon para ibigay na ang aming sumpaan sa harap ng altar kaya inagahan ko ang pagpunta dito sa sobramg excitement.

Ngunit mag-iisang oras na akong naghihintay pero ni anino ng nobyo ay hindi ko pa nakikita at umaagaw narin ang dilim sa liwanag. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inis ngunit nababawi naman iyon sa isiping mag-aalok na ito ng kasal. Hanggang umabot ng dalawang oras ang paghihintay ko at tuluyan narin nagpahinga ang araw mula sa langit.

Tinawagan ko ang phone nito ngunit out of coverage area na ito kaya napamura na ako. Ano ba'ng kabaliwan ang gustong mangyari ng lalaking iyon at pinaghihintay ako dito ng dalawang oras!? Hindi na ako natutuwa! Sa tampo at inis ko ay napagdesisyunan ko nang bumangon mula sa pagkakaupo at pinagpag ang buhangin sa pants ko. Kung patangahan gusto n'ya pwes ibibigay ko!

Nagsimula na akong maglakad nang maulinigan ko ang pagdating n'ya sakay amg motorsiklo nito. Madilim na ang paligid pero dahil sa liwanag na dala ng parola ay naaaninag ko s'ya na napabuntong hininga bago bumaba ng sasakyan.

"Cyrill....." Tawag ko sa pangalan n'ya, indikasyon na masama ang loob ko sa kanya. Hindi ito sumagot bagkus naglakad lang ito papalapit sakin. "Bakit natagalan ka?"

"I'm sorry....." Sagot nito sa malungkot boses.

"Namuti na ang buhok ko at naging tan na lang ang kulay ko dahil dalawang oras lang naman akong naghintay sa pagdating mo tapos sorry!? Ano 'to!? Walang explanation!?" Hindi ko napigilang sumabog sa halo-halong emosyon.

Napahilamos ito sa sariling mukha tanda ng iritasyon nito. "Look, I'm trying my best----"

"Your best to what? Ilang beses na 'to, Cy! Paulit ulit na. Hindi ko alam kung ano'ng problema at bakit ganito na kinikilos mo! Una, lagi kang late at hindi mapakali kapag kasama mo ako. Pangalawa, pinaghihintay mo na ako sa mga lakad natin. At pangatlo, may mga panahon na hindi mo na ako sinisipot at iniiwan mo na lang bigla sa isang lugar dahil laging may emergency." I deserve a valid reason, for Pete's sake!

"Okay!" Singhal n'ya sakin na ikinabigla ko. He never shouted at me before. "I am tired, Yona."

Inarok ko ang sinabi n'ya at hinagilap ko lahat ng pasensya para intindihan s'ya since 'tired s'ya' dahil sa commitment n'ya para makapasok sa PBA league. "Fine. I'm sorry. Let's go home para makapagpahinga ka na." Malumanay na sabi ko at nagpatiuna nang lumakad ngunit pinigilan n'ya ako sa kamay.

"I can't do this anymore...."

"Ano ba'ng pinagsasabi mo, Cyrill?"

"I am sick and tired for this relationship, Yona! I fell out of love for you." Nasampal ko s'ya sa mga binitiwan n'yang salita at sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko.

"W-What did you s-say? H-How? Is there something wrong?"

Napatiim bagang ito. "Pagod na ako sa relasyon na 'to, Yona. Pakiramdam ko hindi na tayo ang para sa isa't isa. Hindi ko na makita ang dating tayo."

Nakuyom ko ang sariling kamao dahil sa anumang oras sasabog na ako sa sobrang emosyon. "Just tell me straight to my face kung bakit."

"I'm inlove with Sheena." Sheena? His teammate's younger sister. So nainlove s'ya sa anong dahilan at pa'no nangyari? "She slept with me and I realized that she is the one who made perfect for me." Lakas loob na pag-amin nito. So iyon pala ang dahilan, naikama n'ya ang babae kaya mahal na n'ya.

Sarkisto akong napatawa at marahas na pinunasan ang mga luha ko. "So pathetic, nakakababa ng self-esteem na ang lalaking minahal ko sa loob ng tatlong taon ay sa kama pala ang basehan ng pagmamahal." Pang-iinsulto ko atleast dito makabawi ako sa pagpunit n'ya sa puso ko ngayon. "Wala na akong magagawa kung gano'n, hindi ako maghahabol. Salamat na lang sa pananakit mo." Marahas kong hinablot ang kwintas sa leeg ko at itinapon sa mukha n'ya saka naglakad palayo. It was his gift when we had our first anniversary together.

Napaindayog ako sa nakakaindak na musika dito sa Hang Out, isang sikat na disco bar. Friday night routine namin ito ng girl bestfriend ko na si Shane at since tapos na ang grounded stage ko nagwalwal na ako ng bongga. Sayaw lang ako ng sayaw at hindi na ako sure kung nasa beat pa ba ako pero wapakels.

"Besh, umupo na tayo kanina pa ako napapagod sa steps mo." Reklamo ni Shane na pilit akong hinahatak pabalik sa mesa namin kaso nagmamatigas ako. Eh sa gusto kong sumayaw!

"Besh, 'wag kang KJ. Lovelife mo shupportive ako kaya shupport ka na lang din shakin." Sabi ko at pagiwang giwang na muling tumungga sa baso na hawak ko. Napasigaw ako sa pait ngunit masarap na lasa ng brandy sa lalamunan ko.

Napailing ito. "Yona, pumunta tayo dito para magdisco hindi para maglasing lang para ipagluksa ang death anniversary ng puso mo." nanggagalaiting sermon sakin ni Shane. Di ko sya pinansin at lumagok pa ng brandy. Gusto kong lunurin ngayon ang puso ko dahil last night na 'to ng pagluluksa ko. Promise!

"Why don't you just join me and shut the hell up?" Lasing na ako kaya natatarayan ko na Beshie ko.

"Hay naku! Ang hirap talagang kausap ng bitter. I'll call Rod to guard you here and I'm going home." Tinawagan agad nito ang mokong na iyon.

"Shus! Walang forever Beshie, maghihiwalay din kayo." Pang-aasar ko sabay tawa ng nakakaloko. Napapailing na lang ito at nagfocus sa pakikipag-usap kay Rod na nasa kabilang linya.

"Rod can you come over here? Yes. Nasa Hang Out kami ngayon. Sumasakit na ang ulo ko sa babaing ito. Yes. I need to go home, James called me up. Yes. Thank you." 'Yon lang ang naririnig ko. I just rolled my eyes at muling tinungga ang brandy. Nagbeso na si Beshie at nagpaalam na aalis na.

"Shige iwan nyo na akong lahat. Para kayong buwan, iniiwan ako pagdating ng araw. May araw din kayo!" Litanya ko and there it goes, my tears fell from my eyes and I can't help it. Shit naman 'tong buhay oh!

"Miss, do you need someone to ease your pain? I can help." Turan ng lalaking nakangising lumapit sakin at mahinang umindayog at kiniskis pa ang sarili sakin. Tall, moreno, and mascular. Tss! I just grin at him.

"Hoy mister! 'Wag mong ikiskis shakin 'yang katawan mo at nandidiri ako! I don't like moreno 'cause you just like him babaero! Get lost!" Pagtataray ko at nagdilim naman ang mukha nito at agad naman itong umalis.

Nakisabay ako sa indayog ng musika at walang pakialam na sumayaw kahit meron na akong nasisiko o natatapakan. So what? I just want to release all the pains and heartache. I just wanna escape all of it within the beat of music. I wanna dance like there's no tomorrow. And I really wish of there's no tommorow so my sufferings would not be added.

I move my hips from side to side, bang my head and acted as of I am a rocker. Stupid as you see but the behavior helps me to ease the pain. In sudden someone hold me and drag me out of the dance floor. What the f*ck!?

"What are you doing!?" singhal ko sa lalaking humatak sakin. Oh it's him! Rodrigo Amante.

"You're acting like a fool there. Enough. I'll take you home." Hinawakan n'ya ako sa kamay pero iwinaksi ko lang iyon. Tinawag akong fool ng mokong na 'to.

"I'm not going home unless I released all the pains I'm enduring right now." Nagtagis naman ang mga bagang nito.

"Don't be childish. Hinahanap ka na nila kuya Leo kaya uuwi na tayo." Authority is in his voice. Fine! Nagpatiuna na akong sumakay sa kotse nya at doon napahagulhol. He hugged me and curse between the air.

"Stop crying Yona. He doesn't deserve you. Hush now." Alo nya habang hinahalikan ako sa ulo.

"I just wanna cry over it para wala nang sakit. I promise last na 'tong luha ko. Just let me cry, please?" No more words from him. He let me cry and scream all over the pain.

"Ako na lang sana para hindi ka na masaktan" A whisper but enough courage that I heard before I fell asleep.





#Read
#Vote
#Comment


- Rushiry -

Way Back Into Your ❤ Where stories live. Discover now