CTW2: her sad memories

4.2K 138 2
                                    

Ciarra's p.o.v


Handa na ang lahat ng mga kakailanganin ko sa pag-aaral. Halatang matagal na nga nila itong pinghandaan. Pagtapak ko palang sa school gate kanina may napansin na akong kakaiba. Hanggang sa makarating na ako sa aking dorm, kakaiba parin ang reaksyon ng mga estudyante, kahit ang mga doormate ko nagbubulungan pa.

“Bakit pa siya bumalik?”

Bumalik? Hindi naman ako minsang napadpad sa paaralang ito a. Saka ang creepy kaya ng paaralang ito. Iyong mga estudyante rito parang mga gangster. Mababae man o lalake. Ang astig kasi nila makatingin at parang mahilig mambasag ng ulo.

“Maybe she wants a life worst than death.”

What are they talking about? A life worst than death? Parang ganyan na din naman ang buhay ko ngayon a. Hindi na nila kailangan pang iparamdam sa akin ang miserable life na iyan dahil ramdam na ramdam ko na simula pa bata.

Matapos maibigay ng driver sa akin ang susi ng silid ko ay agad na siyang umalis. Mukhang pang VIP ang aking kwarto dahil sa sobrang lawak nito. May swimming pool sa loob at may terrace. May sarili rin akong kitchen at kumpleto na sa mga kagamitan ang silid na ito.

May nakapatong pang susi ng kotse sa glass table at iilang credit cards. May pera din na nakalagay sa isang bag. Mayaman nga naman. Kaya lang, aanhin ko ba yan ngayong malaki na ako? Bakit ngayon pa? Bakit hindi niya ginawa noong bata pa ako? Bakit niya kami hinayaang mamuhay sa hirap ni mama noon?

Naikuyom ko na lamang ang aking kamao at pumasok sa aking kwarto. Inayos ang mga gamit sa isang cabinet. May mga wardobes pala rito at may sarili rin akong library? Ang laki din ng walking closet ko at may mga nakalagay ng mga mamahaling mga damit na saktong-sakto naman sa pigura ko. May nakita akong isa pang pintuan kaya pumasok ako. I didn't thought na may makikita akong mini-gym dito. Kumpleto sa kagamitan sa pag-eehersisyo ang silid na ito.

May iba't-ibang uri rin ng mga punching bag akong nakikita. So, alam niyang nag-aaral ako ng self-defense? O lahat ng mga estudyante ay may mga mini-gym sa mga kwarto nila?

Magmula no'ng iwan kami ng taong iyon, pinilit ko si mama na ipasok ako sa martial arts school. Ang gusto ko lang naman sa mga oras na 'yon na ipaghiganti si mama at bugbugin si Crizan at ang kabit niya. Bata pa ako sa mga oras na 'yon, pero alam ko na, na masakit ang traydorin ng sariling kapatid at ng taong minamahal.

Napapayag naman si mama. At kahit nahihirapan siya sa pagbabayad ng tuition, pinilit parin niya. Pero no'ng napansin niyang nakapokus lang ako sa pag-aaral ng martial arts at napapabayaan na ang academics ko, pinahinto niya ako. Kahit scholar na sana ako sa nasabing paaralan dahil minsan na akong nanalo sa isang martial arts competition kaso pinahinto parin niya ako.

Kung nagbigay lang ng suporta si Crizan, di ko na sana kailangan pang magpakahirap para lang magkapera. Lalo na no'ng naospital si mama, hindi ko na alam ang gagawin ko at kung saan ako manghihingi ng pera. Nang may narinig ako tungkol sa mga underground fight para sa mga kabataan, pinilit ko ang aking kaklase na kabilang sa lalaban na ako ang papalit sa kanya at napapayag naman siya at ang ama niyang miyembro din ng mafia. Para sa mga batang mafia heir ang nasabing laban kaya kailangan ko ng koneksyon para makasali. Hindi ako takot mamatay at masaktan. Ang mahalaga sa akin na mailigtas ko lang si mama.

Isang twelve years old ang nakalaban ko. Nakatakip ang mukha at anak ng mafia. Training daw niya ang laban na iyon, at ako pa ang nakatunggali niya. Syempre katulad niya nakatakip rin ang mukha ko. Cia the worst ang ginamit kong codename. Dahil nakasanayan ko na ang pangalang iyan. Iyan kasi ang madalas kong naririnig sa mga guro ko at mga kaklase. Ako ang worst sa lahat ng mga estudyante. At ako ang worst sa mga mata ni mama.

Natalo ko ang aking katunggali kaya nagkapera ako. Kaya natuwa sa akin ang ama ng kaklase ko dahil dala ko ang pangalan nila sa laban. Hindi ko na maalala ang pangalan ng kaklase kong iyon maging nong batang nakatunggali ko. Kung may babanggit sa pangalan nila siguro maaalala ko sila.

Nang makalabas na si mama sa hospital nalaman niya ang pagsali ko sa underground fight. Kaya mahigpit niya akong pinagbawalan na huwag ko ng uulitin. Sinubukan ko lang naman sanang sumali sa laban para magkapera pero ikinagalit ito ni mama. Ngunit di parin ako tumigil at ilang beses ko paring ginagawa ng palihim. Kaya lang nalaman niya parin.

Nalaman din niyang nakikipagpustahan ako sa mga kaklase ko kapag may secret duel kaming ginagawa at nalaman din niyang madalas din akong nakikipagbugbugan. Secret fight ang tawag namin sa tuwing naglalaban kami at magpupustahan sa kung sino ang mananalo kasama ang mga kapwa ko mag-aaral sa Martial arts school. Kapag nananalo ako, nagkakaroon ako ng pera. Sa pamamagitan lang nito, nagkakaroon ako ng pera. Ayaw ko kasing matalo, kaya sinisikap ko talagang manalo. Di bale ng mabugbog ang mahalaga magkakapera.

Nang mag senior highschool na ako, palihim akong nagpapartime job kaya madalas matagal akong nakakauwi. Doon na mas lumala ang panghuhusga sa akin ni mama. Madalas kasi akong hindi nakikinig sa mga payo niya kaya unti-unti ring mas lalong lumalayo ang loob niya sa akin. Kasalanan ko naman ang lahat kaso gusto ko lang naman sanang makatulong sa kanya kaya lang ikinagagalit niya lahat ng mga gagawin ko.

Hindi lang niya alam na ginagawa ko iyon para lang makaipon ng pera. Saan ba kasi ako kukuha ng pera di ba? At alam kong nahihirapan na rin siya at ayaw ko iyong dagdadagan pa. Gusto kong magkapera sa pamamaraang alam ko. Sumasali ako sa competitions legal man o illegal, sumasali sa mga underground fight o sa mga secret fight para magkapera. Kaya madalas akong umuuwing may pasa noon. Hanggang sa nasanay na rin ako.

Binawalan niya akong makipagkaibigan at makipagkita sa mga dati kong kaklase sa martial arts school lalong-lalo na sa batang pinalitan ko noon sa underground fight. Kaya hindi na kami muling nagkita pa at nakalimutan ko na ang pangalan niya. Siya lang naman ang itinuturing kong kaibigan dati pero nilayo siya sa akin ni mama dahil bad influence daw ito.

Kaya di ako natutuwa makakita ng perang alam kong galing kay Crizan. Naaalala ko lang ang mga oras na halos mamalimos ako sa kalsada. Kundi ko nakausap yung kaklase ko wala ng pag-asa pang makasali ako sa nasabing underground fight at di ko sana mapapagamot si mama. Baka wala na sana siya sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung sino ang bumangga sa kanya at kung bakit nito iniwan si mama matapos mabanggaan?

Pero ang palaging pinapaalala ni mama sa akin na hinding-hindi ako dapat umibig sa mga taong kabilang sa grupo ng mga mafia o ba kaya mga gangster. Anak ba kaya ng mga sendikato at sa mga taong may koneksyon sa underground world. May hinala akong kabilang dito si Crizan kaya ayaw ni mama na matulad ako sa kanya? Hindi ko alam kung ano pa man ang nililihim ni mama sa akin. At bakit galit na galit siya nang matuklasan niyang may kaibigan akong may koneksyon sa underground world.

Bumalik ako sa aking kwarto at magpahinga na muna. Saka ko nalang aalamin kung bakit ako biglang pinalipat dito ni mama. Alam kong may dahilan siya at iyon ang dapat kong malaman.

Cia, The Worst (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon