✓CTW30: Ring of death

2.5K 115 0
                                    

Nasa hideout ng Worst gang ngayon si Worst. Nalilito siya. Nalilito kung sino ba talaga ang gusto niya. Kaya idinaan na lamang niya sa pag-inom ang lahat. Sino ba kasi talaga ang gusto niya? Ang taong mahal siya o ang taong walang pakialam sa kanya?

"Worst, di ka parin ba umayos diyan?" Sigaw ni Pain sa kanya dahil ilang araw ng naging ganito ang kaibigan.

"I said don't disturb me!" Sigaw din ni Worst.

Ang totoo naguguluhan siya. Naawa siya kay Cianna. Nasa kay Cianna lahat ng katangiang gusto niya as iisang babae. Kumbaga, ideal girl niya si Cianna. And a girlfriend material. Pero bakit naiisip parin niya ang mataray at matigas ang ulong si Ciarra?

"Okey, pinapaalala ko lang na todo ngiting umalis ang gf mo kanina." Sagot ni Disaster.

"I don't care about her." Galit niyang sagot. Wala siyang pakialam sa babaeng matigas ang ulo at rebelyosa. Wala siyang pakialam sa babaing walang paki sa nararamdaman niya. Wala siyang pakialam sa taong may mahal na iba.

"Bahala ka sa buhay mo." Sagot din ni Pain at naglakad na paalis. Sumunod naman si Disaster.

"Gusto lang naman sana naming yayain kang manood ng laban nila ng Bloody queen at Cia the worst." Sabi ni Pain at tuluyan ng lumabas.

Napaigtad na lamang sila nang may bumalibag sa pintuan at niluwa nito ang magulo ang buhok at gusot ang mga suot na si Worst. Lukot na polo at naglalakihan pa ang mga eyebag.

"Where is she? Tell me d*mn it!" Kinuwelyuhan si Pain.

"Sa Ring of Death battle Arena."

***

Pagdating nila sa loob ng ring of death battle arena, nakita nilang pasuray-suray ng naglalakad si Ciarra. Hawak ang brasong may dugo.

"Ciarra!" Galit na tawag ni Worst. Hindi siya pinansin ni Ciarra.

Dumidilim na kasi ang paningin ng dalaga at nahihilo na.

Agad naman siyang nilapitan ni Worst at inalalayan.

"Who are you Worst? Ikaw ba siya?" Tanong ni Ciarra at nawalan na ng malay.

Agad nilang isinugod sa hospital ang dalaga.

"Save her or else, I'll kill you all." Sigaw ni Worst sa mga doktor na agad namang inasikaso ng mga doktor si Ciarra. Takot lang nila sa anak ng may-ari ng hospital.

Dumating ang Python gang at Lion gang.

"What are you doing here?" Sigaw ni Worst na lalong uminit ang ulo makita ang grupong ito.

"Because that girl is my sister. Kundi mo siya kayang protektahan then give her to me." Sagot ni Ciannon.

"Sister? Tsk!" Worst asked sarcastically. "Go away! All of you." Sigaw niya pa at tinulak ang kung sinong mas malapit sa kanya.

"Nasa panganib ang kapatid ko kaya wag mo naman kaming itaboy ng ganito Worst." Naiiyak na sambit ni Cianna.

"Wala siyang itinuring na kapatid kaya umalis na kayo. You will never be a family to her but an enemy." Sagot ni Worst.

"Kaibigan namin si Ciarra kaya wag mo siyang nilalayo sa amin." Angal ni Hawk.

"Kung hindi ka lang nakigulo, malamang kasama parin namin siya palage at palage pa naming nakikita ang kanyang mga ngiti. Nang dahil sayo, nalagay sa panganib ang kanyang buhay kaya ikaw ang dapat lumayo sa kanya."

Magsusuntukan na sana sina Hawk at Worst nang pigilan sila ni Pain.

"Kung gusto niyong maligtas si Ciarra wag kayong mag-away dito." Tumingin sa grupo ni Hawk.

"Mas mabuti kung umalis na muna kayo. Bumalik na lamang kayo kung ayos na si Ciarra." Mahinahon niyang sabi sa dalawang grupo.

Umalis na lamang sina Ciannon para wala ng gulo. Ayaw niyang mas malalagay sa panganib ang kapatid dahil lang sa kanila.

***

Cia, The Worst (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon