Habang masaya si Ciarra kasama ang mga kaibigan, nakatanaw naman sa kanila si Worst mula sa malayo.
"Mahal kita Ciarra pero mukhang kailangan ko ng lumayo." Sambit ni Worst.
"Mahal kita ngunit mas masaya ka kasama ang iba." Sambit niyang muli bago tumalikod.
Magmula sa araw na iyon, hindi na siya muling nagpakita pa kay Ciarra. Ginagawa naman ni Cianna ang lahat mapalapit lang muli sa kanya.
Nandiyan naman si Cianna na handang gawin ang lahat para sa kanya at alam niyang mahal na mahal siya kaya bakit pa niya ipagpipilitan ang sarili sa babaing kahit kailan hinding-hindi siya magugustuhan?
Kahit ilang ulit man niyang itaboy si Cianna dahil ayaw niyang magiging panakip-butas lamang ito pero hindi ito sumusuko. Ganoon kadeterminado si Cianna para sa taong minamahal.
"Hindi ka ba nasasaktan na palaging nakabuntot si Cianna kay Worst?" Tanong bigla ni Ciannon makitang pinagmamasdan ni Ciarra si Cianna na hinahabol si Worst.
"Si Cianna ang tipo ng taong ginagawa ang lahat para sa taong minamahal. Mas nararapat siya kay Worst. Kung sa drama pa, isa lamang akong extra sa lovestory nila." Ang totoo, humanga siya sa half-sister na ito. At di niya maiwasang maaawa kay Cianna sa lahat ng effort na ginawa nito para lamang makipagbalikan sa kanya si Worst.
"Hindi ka ba galit sa kanila?" Tanong ni Ciannon. Dati kasi hindi mo makikitaan ng emosyon ang mga mata ng kapatid. Madalas pokerface. Minsan naman cold. At madalas nakangiti pero hindi mo makikitaan ng saya ang mga mata.
"Alam ko ng mahal din pala ako ni mama. Kaya masaya na ako. At alam ko ding mahal ako ni papa, at iniisip na baka katulad ni mama, nami-misunderstood ko lang din siya. Kaya naman, masaya na ako ngayon." Sagot ni Ciarra.
"Masaya ka ba talaga? Pero bakit pansin ko may iniisip kang iba?"
Ilang araw na lamang at aalis na sila. At madalas niyang nakikitang nakatulala si Ciarra. Minsan naman, naabutan niya itong sinusundan ng tingin si Worst.
"Ayoko ng tahakin ang maling landas. Ayokong maging kontrabida sa lovestory ng sarili kong kapatid." Para kay Ciarra. Si Cianna ang bida sa buhay ni Worst. Dahil si Cianna ang palaging nagsasakripisyo at palaging nasasaktan. Isang bidang martyr na handang ialay ang buhay para sa taong mahal.
"Ayokong maging Claris the second." Dahil ayaw niyang agawin ang mahal ng sariling kapatid.
"Pero ikaw ang Charis the second." Sagot naman ni Ciannon. Si Charis kasi, handang magparaya para sa kapatid.
"Ayos lang 'yon. Nakatagpo naman si mama ng mas karapat-dapat sa kanya. Malay mo ako rin." Sagot niya dahil pansin nilang unti-unti na ring nahuhulog ang kanilang ina sa kanilang Tito Christian.
*****
"Pansin niyo ba? Bakit di ko na nakikita sina Ciarra at si Viper?" Biglang tanong ni Pain sa mga kaibigan.
"Ewan. Di ko na nga nakita ang dalawa." Napatingin sila kay Worst na nakatulala na naman.
Napapailing na lamang sila sa sitwasyon ng kaibigan. At nang dumating si Cianna, agad naman silang nagsialisan para makapag-usap ng maayos ang dalawa.
Another days passed.
Worst p.o.v
Ano bang nangyayari sa akin? Kahit saan ako lilingon, palaging siya ang naaalala ko. Ang kaingayan niya. Ang kasungitan at kabrutalan. Ang kanyang mga ngiti at mga cute na reaksyon.
Si Cianna, pinapakinggan ako, si Ciarra naman sinisigawan ako at walang balak sundin ang anumang sasabihin ko. Rebelyosa siya hindi katulad ni Cianna na masunurin.
"Kung kinakailangan kung mamatay para lamang mapatunayan ko sa'yong mahal kita, gagawin ko iyon Worst. Dahil mahal kita. Gano'n kita kamahal."
Napahawak na lamang ako sa ulo maalala ang mga sinabi ni Cianna bago siya matumba habang yakap ako noong minsan niya akong iniligtas.
Handa niyang ibuwis ang buhay niya para sa akin pero bakit may kulang parin? Bakit hindi na lang siya? Bakit si Ciarra pa na wala namang pakialam sa akin?
"Bakit ka ba nagpabugbog ha?" Hindi ko maiwasang maalala ang pag-alala sa boses ni Ciarra kahit na pagalit ang pagkakasabi nito sa tuwing nakikita niyang may pasa ako.
"Aray masakit ang kamay ko."
"Saan. Saan?" Napalitan agad ng pag-alala ang boses nong umakto akong nasasaktan.
Higit sa lahat, hindi ko pinansin kung ano ang nararamdaman niya no'ng pinilit kong umalis sa ward ko para puntahan si Cianna noon. Nag-alala akong magpakamatay si Cianna kapag nagising siyang hindi ako nakikita. Kasalanan ko ang lahat. Pinapakita kong mahal ko pa anh iba gayong ang totoo siya naman talaga ang gusto ko.
Ilang ulit na kasing nagtangkang magpakamatay ni Cianna. Nag-alala ako lalo pa't naaksidente siya dahil sa pagliligtas sa akin. Pero napansin ko ba na mag-alala din si Ciarra sa akin? Sinubukan kong iwasan si Ciarra at ipokus na ang atensyon kay Cianna pero mamimiss ko parin si Ciarra kaya naman muli ko siyang nilapitan. Nagbabakasakaling may pag-asa kahit kunti ngunit naglaho ang munting pag-asang 'yon nang malaman kong isa ang pamilya ko sa rason kung bakit nasira ang pamilya nina Ciarra.
Kailangan ko siyang kalimutan. Makakalimutan ko din siya. Dahil di ako deserving sa kanya.
Pumasok na lamang ako sa classroom.
"Worst, alam mo ba ang balita?" Di ko pinansin si Pain. Wala ako sa mood.
"Nagdrop-out bigla si Ciarra." Hindi parin ako sumagot.
"Wala na rin sa kanilang tirahan. At wala ng nakakaalam kung nasaan na siya." Hindi parin ako umimik. Mas mabuti na 'yon dahil mas madali na sa akin na kalimutan siya.
Ilang araw na din ang lumipas magmula no'ng mawala siyang bigla. Hindi ko pala kaya. Namimiss ko siya. Mas lalo ko siyang namimiss kapag naiisip kong hindi ko na siya maaaring makita pang muli.
Inaakala kong makakalimutan ko din siya pero dumaan na ang isang taon mas lalo ko lang siyang namimiss. Gusto ko siyang makita. Sa palagay ko nababaliw na yata ako. Baliw na yata talaga ako. Nababaliw na ako sa kanya.
***
BINABASA MO ANG
Cia, The Worst (Published)
Подростковая литература"She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all." Siya si Ciara na mula sa broken family. Lumaking masama ang ugali at palaging nasasangkot sa gulo kaya naman napilitan ang kanyang ina na ilipat siya sa paaralan kung saan nag-a...