Sa ilang taong pagkawala ni Ciarra hinahanap parin siya ni Worst.
"Ciarra. Nasaan ka na ba? Bakit di kita matagpuan?" Sambit ni Worst na hawak ang mga larawan ni Ciarra.
Ilang sandali pa'y tumawag ang kanyang ina at nalamang nadisgrasya ang kapatid. Kailangan nitong maoperahan.
Agad siyang nagtungo sa hospital kung nasaan naka-confine ang kapatid.
"Mom, dad. Kumusta na si ZZiya" Tanong niya pero napatda sa kinatatayuan dahil sa naka-lab gown na babaing kausap ng mga magulang.
"Tawagan niyo lang po ako kapag may mga katanungan pa kayo." Sabi ng babae at nagpaalam na sa mag-asawa.
"That voice, why is it sound so familiar?" Nang humarap ang babae nabitiwan ni Worst ang hawak na cellphone at tila ba tumigil sandali ang mundo niya.
Lalagpasan na sana ng babae si Worst pero hinila nito ang wrist ng babae.
"Hey! What are you doing?" Gulat na tanong ng babae na nakatingin sa kamay ni Worst na nakahawak sa wrist niya.
"Ciarra!" Gulat na sambit ni Worst na may halong tuwa at excitement ang boses.
Napakunot naman sa noo ang babae.
"Do I know you?"
"Zhian. Magkakakilala kayo?" Tanong ng kanyang ina.
Nagtatakang napatingin ang mag-asawa sa naluluhang anak. Saka napansing medyo magkahawig ang ex ng anak sa babaing ito.
"I'm sorry Sir but I don't know you. If you excuse me, may gagawin pa kasi ako." Sabi ng babae at nilagpasan na si Worst.
Naikuyom naman ni Worst ang kamao. Bakit mukhang hindi nga siya nakikilala ni Ciarra? Sinundan niya ng tingin ang papalayong babae.
"Siya ba ang batang yon?" Tanong naman ng ama na ang tinutukoy ay ang batang tumalo noon kay Worst.
"Dad."
"Mukhang hindi ka na kilala. O baka naman ayaw ka niyang maalala."
Magmula no'n, palage ng nakaabang si Worst sa babae na nag-opera sa kapatid niya. Kaso hindi na ito nagbalik pa.
"Ano ba? Anong kwentang surgeon na iniiwan ang pasyente niya na di pa magaling?" Sigaw ni Worst sa nurse na nagbabantay sa kapatid nag-asikaso sa kapatid niya.
"Pasensya na po. Si Dr. Clinton po kasi ang doctor ng kapatid niyo Sir. Nandito lang po ang anak niya noong nakaraang araw dahil busy ang ama."
"Anong klaseng hospital ba ito at pinapalitan ang doctor ng pasyente? Ipakita niyo si Doctor Verdal sa akin." Sigaw niyang muli.
"Po? Wala pong doctor Verdal na nagtatrabaho dito."
"Anong wala? Di ba Verdal ang doctor ng kapatid ko?"
"Nagkakamali po kayo Sir. Si Doctor Clinton po ang doctor ng kapatid niyo." Sagot ng nurse na ikinatigil ni Worst.
"Yung babae ang tinutukoy ko."
"Si Miss Clinton po ba? Niligtas lang po niya ang kapatid niyo. Dahil kundi agad nabigyan ng first aid ang kapatid niyo baka wala na ito ngayon. Hindi po siya doctor, anak lang po siya ni Dr. Clinton."
"Paanong naging Clinton si Ciarra? Kaya pala hindi ko siya nahahanap dahil binago niya ang pangalan niya." Binalingan ulit ng tingin ang nurse.
"Nasaan na siya?"
"Si Miss Clinton po ba?" Makitang sinamaan ng tingin ni Worst agad itong nagsalitang muli.
"Hindi ko po alam." Sagot ng nurse.
Pina-imbistigahan agad ni Worst si Doctor Christian Clinton. Natuklasan niyang may anak nga na babae si Dr. Clinton at Mara Clinton ang pangalan nito. Kasalukuyang nasa ibang bansa ngayon si Mara Clinton.
"Hindi siya si Ciarra. Don't tell me na nagiging Ciarra siya sa paningin ko dahil sa sobrang pangungulila ko kay Ciarra?"
Ipinagpatuloy niya ang imbestigasyon at hinintay ang pagbabalik ng Miss Clinton na tinutukoy ng nurse.
Pagbaba ni Miss Clinton sa eroplano, nagulat na lamang siya sa lalaking humarang sa kanyang daraanan. Hindi lang yon. Bigla pa siya nitong niyakap.
"Ciarra."
"Ciarra? I'm sorry Sir but I'm not the one you're looking for." Tinulak ang lalake kaso mas humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
"Hey bhabe. Who's that man?" Tanong ng lalaking nakasunod kay Miss Clinton kanina.
Tinulak naman ng doktora si Worst at hinila nito ang kasamang lalake.
Pagkasakay ng kotse napadukdok ng dibdib si Miss Clinton.
"Are you alright?" Tanong ng kasama niya.
"Kuya, ayos lang ba yung acting ko kanina? Hindi ba niya ako mahahalata?" Sunod-sunod na tanong ni "Mara CClinto" sa lalaking kasama.
Tinanggal naman ng lalake ang suot na maskara.
"Ano ba Ciarra. Tigilan na nga natin 'to? Bakit di mo nalang siya harapin at kausapin ng maayos?" Tanong ni Ciannon.
"Kinabahan kasi ako sa kanya. Bigla-bigla na lamang kasing nangyayakap?"
"Haist. Bakit mo ba pinagtataguan ang lalaking yon? Makikilala ka parin niya kahit ano pa ang gagawin mo. Hanggang saan ka ba magpapanggap na hindi siya kilala?"
"Hanggang sa lubayan na niya ako."
"Kung gusto mong tantanan ka niya mag-asawa ka na kasi."
"Kaya nga magpapanggap kang asawa ko at si Neara ang kunwari anak natin."
"Ciarra naman. Nahihibang ka na ba?"
"Pumayag na si daddy sa plano ko kaya wag ka ng umangal diyan."
"Bakit di ka nalang kasi mag-asawa para di na natin kailangan pang magpanggap?"
"Hindi nga ako mag-aasawa kahit kailan. Magpapalahi na lamang ako kung pwede pero di ako mag-aasawa." Paano ba siya mag-aasawa kung hanggang ngayon iniisip parin niya ang taong gustong-gusto niyang kalimutan?
"Kung pwede lang sanang ma-amnesia nalang." Sambit niya.
Si Worst naman halos basagin na ang lahat ng mga bagay na makikita malamang may iba na si Ciarra na ngayon ay isa ng Clinton.
"Wala akong pakialam kung may asawa o boyfriend kang iba Ciarra, basta akin ka lang. Babawiin kita Ciarra sa kahit kanino pa man." Sambit din niya.
Buo na ang desisyon niya. Hindi na niya hahayaang malayo pang muli si Ciarra sa kanya sa ikatlong pagkakataon.
***
BINABASA MO ANG
Cia, The Worst (Published)
Подростковая литература"She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all." Siya si Ciara na mula sa broken family. Lumaking masama ang ugali at palaging nasasangkot sa gulo kaya naman napilitan ang kanyang ina na ilipat siya sa paaralan kung saan nag-a...