✓CTW13: I am Cia the worst and devil

3.2K 105 4
                                    

(REVISED)

***
Third person's p.o.v

Habang naglalakad sina Cianna at Vina hinarang sila ng apat na galing sa deadly rose gang.

"Bakit nagbalik ka pa? Hinding-hindi ka na niya magugustuhan pa." Galit na sabi ni Elessa. Lider ng deathly rose gang.

Galit siya kay Ciarra pero dahil hindi niya maipalabas rito ang galit niya, kay Cianna na lamang niya ipapalabas. Mabuti nalang at may mapaglabasan siya ng galit.

"Pwede ba Elessa, tama na. Tigilan mo na si Cianna." Sabi naman ni Vina na iniharang pa ang katawan kay Cianna.

"Ano naman ang magagawa mo?" Nakangiting sabi ni Elessa.

Tiningnan niya ang mga kasama. Natuwa naman ang mga ito at mukhang excited pang makita si Cianna.

"Cia, ano ngayon ang pakiramdam na makitang may iba na ang iyong minamahal? Kawawa ka naman." Nakangiting sabi ni Hotty.

"Bakit ka pa kasi bumalik? Akala mo ba, magugustuhan ka pa niyang muli? Ni hindi ka nga nakakalahati sa babaing yon." Gatong naman ni Sweetty.

"Baka ang babaing yon talaga ang tunay na mahal ni Worst at para maakit lang ni Cia si Worst, nagparetoke siya sa mukha." Hotty.

"Oo nga no. Yung isang Cia talaga ang gusto niya kaya mukha ng babaing yon ang ginaya ni Cia at ginaya pa pati palayaw nito." Sweetty.

"Hindi na nahiya. Ang kapal talaga ng kanyang mukha." Sabi naman ni Spicy.

"Iniwan siguro siya nong lalake niya kaya binalak niyang balikan ngayon si Worst." Si Elessa na naman ang nagsalita.

"Nakipagtanan na nga siya sa iba pero may mukha pa siyang bumalik. Ang landi talaga." Dagdag pa niya.

Gusto ng umalis ni Cianna kaso hinarang siya ng mga kagrupo ni Elessa. Si Elessa na may nametag na Rose, ay isa sa mga pinsan niya sa side ng kanyang ama.

"Ganyan talaga yan guys. Nagmana kasi sa ina. Mang-aagaw at nangangamoy kabit." Sabi pa ni Elessa. Alam ni Elessa na dating kabit si Claris at pinakasalan lamang noong nagdivorce na sina Charis at Crizan.

"Makakaganti na rin tayo sa kanya. Dahil siguradong hindi na makikialam si Worst sa kahit ano pa mang gagawin natin sa kanya."

"Siguradong gustong-gusto rin siyang pahirapan ng worst gang." Naka-smirked na sabi ni Hotty at sinampal si Cianna.

Humarang si Vina kaso nasipa siya ni Sweetty. Saka sinabunutan ni Sweetty si Cianna. At pinagtulungan na nilang sugurin si Cianna. Ang lahat ng inis at galit nila para kay Ciarra, kay Cianna nila nilalabas.

"Tama na. Please." Pakiusap ni Cianna. Dati kapag may mang-aapi sa kanya, darating agad si Worst o ba kaya si Lion. Pero ngayon, sino ang darating para sa kanya?

Nagtataka nang tumigil sa ginagawa ang apat na kabilang sa deadly rose gang. At nang mag-angat siya ng tingin, nakita niyang namimilipit na sa sakit ang apat. Nakahiga narin ito sa sahig.

Agad niyang hinanap kung sino ang tumulong sa kanya. May sumilay na kunting tuwa sa kanyang puso, hoping that it was Worst, her savior. Pero nadismaya siya sa nakita. At napaatras pa sa dalawang mga matang cold na nakatingin sa kanya. Ang mas ikinagulat niya dahil ito ang babaing ipinalit sa kanya ni Worst.

"Aray. Bakit mo kami pinakialaman ha!" Sigaw ni Elessa at napapangiwi sa sakit ng tagilirang nasipa ni Ciarra.

"Nakaharang kayo sa daan e." Matapang na sagot ni Ciarra. "Get lost, before I change my mind and I'll cripple you!" Banta pa nito.

"Sino ka ba ha! Wala naman kaming ginawa sayo a." Galit na sigaw ni Hotty kasi nasipa siya sa dibdib kanina.

"Me? I'm Cia."

"Cia? Sabi mo hindi ikaw si Cia? Siya ang tunay na Cia." Sabay turo kay Cianna.

"Siya si Cia, the weak angel. But I am the Cia the worst and devil. Get. Lost. Now!" Sabing muli ni Ciarra at akmang sipain si Sweetty na pinakamalapit sa kanya.

Nagmamadali namang umalis ang apat na halos pagapang na sa sahig. Gusto man nilang lumaban pero alam nilang mas malakas ang isang to kaysa sa kanila kaya nagmamadali silang umalis.

"Bakit kasi hanggang ngayon buhay parin siya?" Galit na sabi ni Spicy. Tiningnan munang muli si Ciarra bago umalis.

Isa si Spicy sa mga nakalaban niya noong sumali siya sa martial arts tournament noon. Nang matalo si Spicy pinatigil siya ng parents niya sa pag-aaral sa Martial art school na dating pinapasukan at pinag-aral sa gangster school hanggang sa mapadpad sa Xiongfa university. Sa kanilang lahat, siya ang mas nakakakilala kay Ciarra lalo na sa fierce reputation nito.

Si Cianna naman, nagtataka kung bakit siya niligtas ni Ciarra. At disappointed rin dahil hindi si Worst ang dumating. Naisip din niyang baka pinapamukha ng babaing to sa kanya na malakas siya at siya, mahina.

"Hindi kita tinulungan. Nakaharang kasi sila sa daan kaya nakakairita. Saka di bagay sayo ang umiyak at hinahayaan ang sariling masaktan. Ikaw lang din ang maaagrabiyado." Sabi ni Ciarra at nilagpasan na sila. Pero tumigil sandali matapos ng ilang hakbang.

"O baka naman, hinihintay mong darating siya? Kahit na umaasa ka mang darating siya hindi ibig sabihin no'n na hahayaan mo ang iyong sarili na masaktan. Pa'no kung di siya darating? Ikaw lang din ang mahihirapan." Sabi pa ni Ciarra at tuluyan ng umalis.

Hindi niya alam kung nanlait ba ito, nang-insulto o nagsa-suggest?

Si Vina naman nakatulala lang kay Ciarra.

"Cianna, dapat ganon ka rin. Ang cool niya." Sabi pa ni Vina. "Gusto ko ding maging kasinglakas niya." Dagdag pa nito.

Lalo lang nanliit si Cianna sa sarili. Sa kahit saang aspect, mas lamang talaga si Ciarra sa kanya. At kahit baguhan lang ito, marami ng humahanga sa kanya. Hindi katulad kay Cianna na marami na ngang galit napakahina pa.

***

Cia, The Worst (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon