(REVISED)
***
Third person's p.o.vNagising si Cianna sa isang hospital bed. At ang sumalubong sa kanyang paningin ay ang kuya Cian niya.
"Buti nagising ka pa? Bakit kasi di ka pa natuluyan?" Inikot pa nito ang mga mata saka humikab. Nasanay na rin siya sa ugali ng half-bro niyang ito. At alam niyang napipilitan na naman itong bantayan siya dahil sa kanilang ama.
"Pinapakamusta ka ng dad mo." Gaya ni Ciarra, hinding-hindi niya tinatawag na ama ang kanilang ama na para bang magkakavirus sila kapag banggiting dad o ba papa ang kanilang ama?
"Sino ang nagdala sa akin dito?" Curious niyang tanong. Imposible naman sigurong si Ciannon ang magdadala sa kanya sa hospital gayong sigurado siyang matutuwa ito kapag nakikita siyang nahihirapan.
"Sino pa nga ba ang savior mo?" Sino nga ba ang savior niya? Halata namang wala ng pakialam si Worst sa kanya?
"Si Lion?" She asked.
"Hindi pa nila alam na may nangyari sayo." Sagot ni Cian.
"Imposible namang si Worst? Pero wala ng ibang palaging nagliligtas sa akin maliban sa kanya. Siya kaya?" Hindi niya maiwasang matuwa maisip na may kaunting halaga parin siya sa puso ni Worst.
"Kapangalan mo."
Biglang naglaho ang tuwang sumilay sa kanyang puso.
"Siya na naman? Anong dahilan niya para tulungan ako?" Ang matamlay niyang tanong. Hindi na sumagot si Cian.
Saka naalala ni Cianna ang nangyari.
Flashback...
Papasok na sana si Cianna sa klase nang makita si Elessa na patakbong lumapit sa kanya. Hindi niya alam kung babalik ba siya sa dinaanan at tumakbo palayo o lagpasin na lamang si Elessa na papalapit na sa kinaroroonan niya. Hindi agad siya nakareak nang bigla nalang siyang pagsampal-sampalin. Kitang-kita niya sa mga mata ni Elessa ang matinding galit na kulang nalang durugin siya. At kung hindi lang dumating ang kung sino hindi niya alam kung di ba siya mapapatay ni Elessa na halatang gustong-gusto siya nitong patayin sa mga oras na iyon.
"Walangyaka! Papatayin kita! Ikaw ang gumawa non." Ang naalala niyang sigaw ni Elessal habang pinagsasabunutan siya, sinampal, sinipa hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng malay.
End of flashback...
"Hindi ko alam kung ano na naman ang nagawa ko kung bakit parang gustong-gusto akong patayin ni Elessa." Dati kasi gusto lang siya nitong pahirapan pero hindi naman dumating sa punto na gusto siya nitong patayin.
"Tingin ka sa cellphone mo at sa school website natin." Sagot ni Cian bago lumabas ng silid.
Binuksan ni Cianna ang kanyang cellphone at nakita ang mga nag-viral na video ng kanilang school web. Mga video na tingkol sa pang-aaping ginawa ni Elessa at ng ibang grupo sa kanya. Higit sa lahat nandoon din ang lahat ng mga video scandal ni Elessa na ikinasira ng reputasyon ng mga Verdal.
Si Elessa Verdal, pinsan nina Cianna, anak sa pinsan ni Crizan Verdal.
Iniingatan ng mga Verdal ang kanilang reputasyon pero isang araw nasira ito dahil sa mga in-upload na video tungkol sa mga dirty deeds nina Elessa at sa mommy nito.
Dumating si Vina at sinabi niya kay Cianna ang nangyari kay Elessa.
"Pinalayas sila ng lolo mo at wala ng nakakaalam kung nasaan na sila."
"Sa tingin mo sino kaya ang nag-upload ng video?"
"Sa palagay ko, pinapahanap na siya ngayon ng mga Verdal. Nga pala, alam mo bang binugbog daw ng mommy mo si Elessa? Sayang at di ko nakita. Narinig ko lang sa mga kaibigan ni Elessal." Dagdag pa ni Vina.
Si Cianna naman, biglang naisip si Ciarra.
"May kinalaman ba siya sa nangyari?" Pero iniling na lamang niya ang isiping yon.
Nang makalabas siya sa hospital agad niyang hinanap si Ciarra para makausap. Inabangan niya ito sa labas ng kwarto nito.
"Bakit mo ako tinulungan?" Tanong agad niya makitang lumabas na ito sa kanyang kwarto?
"Namali ka yata ng napuntahan. Wala pa akong natulungan Miss."
"No'ng sugurin ako ni Elessa, ikaw ang tumulong sa akin di ba? Kaya salamat." Gusto niyang malaman kung bakit siya tinulungan ni Ciarra pero pansin niyang katulad ito ni Ciannon na ayaw din sa presensya niya at palaging naiirita ang tono ng boses kapag kausap siya.
"Hindi kita tinulungan. Nagmamadali lang ako at that time, tapos nakaharang kayo sa daan. Kaya wag kang magpasalamat sa akin. Excuse me." Binanggaan pa ang braso ni Cianna bago tuluyang umalis.
"Kahit na. Salamat parin." Sabi ni Cianna at narinig niya na nag-tsk lang si Ciarra.
Gusto niyang mapalapit sa mga kapatid pero ayaw nila sa kanya. Susundan sana niya si Ciarra.
Pero nakalimutan yata niyang karibal nga pala niya ang babaing ito sa lalaking minahal niya. Nakita niya si Worst na sinalubong si Ciarra at inakbayan pa nito ang dalaga. Muli na namang kumirot ang puso ni Cianna.
"Bakit ko nakalimutan? Nililigawan nga pala siya ni Worst. Sana di nalang ako nagpunta dito. Hindi sana ako masasaktan ng ganito." Iniyuko na lamang niya ang ulo para hindi makita ng iba ang luha niyang pumapatak na naman.
"Worst! Bakit siya pa? Bakit sa kapatid ko pa?" Ang nasambit na lamang niya.
***
BINABASA MO ANG
Cia, The Worst (Published)
Подростковая литература"She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all." Siya si Ciara na mula sa broken family. Lumaking masama ang ugali at palaging nasasangkot sa gulo kaya naman napilitan ang kanyang ina na ilipat siya sa paaralan kung saan nag-a...