✓CTW29: Para kay Cianna

2.5K 116 4
                                    

Nasa klase sila nang marinig ni Ciarra na may kumidnap kay Cianna. Nang labasan na'y wala si Worst sa labas ng classroom niya na dati halos araw-araw itong naghihintay sa kanya.

At dahil wala si Worst bumalik siya sa dati niyang kwarto. Ilang araw na kasing sa tabi ng silid ni Worst siya natutulog. Inaakala tuloy ng mga co-students nila na nagsasama na silang dalawa.

"At last! I'm free." Wala na ang bossy'ng lalake. Wala na ang palaging nagbabawal sa kanya. At dahil wala ito, naisipan niyang lumabas ng campus.

Sa likod siya ng school dumaan. Umakyat sa pader at naisipang gumala ngayong gabi.

Papalayo na siya nang may natanggap siyang mensahe mula sa kung sino.

"Galit ka sa half-sister mo di ba? Gusto mo siyang mahirapan, kaya ako na ang gagawa no'n para sayo." Iyon ang text na natanggap niya.

"Sino naman to?"

"Anong gustong mahirapan? Hindi ko siya gustong pahirapan."

Muli na namang tumunog ang cellphone niya.

"Papatayin ko ang lahat ng nananakit sayo. Pati na si Worst."

"Papatayin ko ang lahat na naging dahilan ng luha mo."

Mabilis siyang nagreply ng "Saan kayo?"

"Sa lugar kung saan tayo lang ang nakakaalam."

Hindi alam ni Ciarra kung saan hahanapin sina Worst at Cianna. Pero nang mabasa ang huling mensahe ng di kilalang nilalang na ito agad niyang tinahak ang daan papunta sa kung saan siya muntik ng magpakamatay noon.

Nakarating siya sa isang sira-sirang tulay. Nakita niya ang tatlong grupo na nakikipaglaban. Grupo ng mga nakamaskara at ang grupo nina Lion at Worst.

May humampas sa likuran ni Worst pero sinalo ito ni Cianna. Na naging dahilan at natumba ang dalaga.

Hahampasin na sanang muli ng nakamaskara si Cianna nang sumigaw si Ciarra.

"Itigil niyo na yan. Tama na." Sigaw niya at hinarang ang nakamaskara.

Hindi naman sumagot ang lalaking nakamaskara at tiningnan ang mga kasamahan bago sila nagsialisan.

Agad namang nilapitan ni Lion ang nanghihinang si Cianna.

"Tumawag kayo ng ambulansya bilis." Sigaw ni Lion.

Si Worst naman napatingin kay Ciarra.

"Bakit ka nandito? Paano mo nalamang nandito kami?"

"Pano kung sabihin kong ako ang nag-utos sa mga nakaitim na yon para kidnapin si Cianna? Papatayin mo ba ako?" Sagot ni Ciarra.

"Bakit mo nagawa 'yon?" Di makapaniwalang tanong ni Disaster.

"Ginawa mo ba talaga yon?" Tanong ni Hurt na hindi alam kung maniniwala ba siya kay Ciarra o hindi.

"Dahil galit ako sa kanya. Okay na ba 'yon?"

"Pwede ba tama na? Kung gusto mong magalit kami sa'yo Ciarra, wag sa ganitong paraan. Kilala kita kaya wag ka ng magkunwaring masama." Sagot ni Lion na ikinagulat ng dalaga.

Kilala siya? Kailan pa? Paano? At saan?

Binuhat ni Lion si Cianna. Si Ciarra naman nagpaiwan at pinagmasdan ang tulay kung saan sana niya naisipang tumalon noon. Pero pinigilan siya ng isang lalake.

"Ang bata-bata mo pa pero naisipan mo ng tumalon sa tulay? Sa tingin mo, maliligtas ang buhay ng iyong ina kapag namatay ka?" Iyon ang sabi ng lalake noon.

May kasamang batang lalake ang lalaking 'yon at sa tingin niya butler ang lalake ng bata.

Hindi alam ni Ciarra kung sino ang batang 'yon. May hinala siya kung sino pero hindi naman siya sigurado.

"Siya ba ang nagpadala ng text sa akin?"

Muli na naman siyang nakatanggap ng mensahe.

"Hindi ko alam na hanggang ngayon, malambot parin ang puso mo. Sinira nila ang pamilya mo, bakit nagmamalasakit ka parin sa kanya?"

"Sayang lang at pinatalsik mo si Elessa at wala ng gagawa sa mga gusto kong gawin." Muntik ng mabitiwan ni Ciarra ang hawak na phone.

"Ang taong ito ang nasa likod ni Elessa?" Naisip ni Ciarra na kung sa pelikula pa, si Cianna ang bida at pinoprotektahan ng mga Knights nito at siya, sina Elessa at ang misteryosong nilalang na ito ang mga main villain ng kwento.

May mga villain naman kasing hindi sinasadyang maging makasalanan. Kadalasan sa kanila nagiging villain or villainess lang dahil lang din sa mga pagkakamali ng mga bida.

"Alam mo bang mapanganib sa gabi? Bakit ka lumabas? Bakit ka pa nagpunta dito?"

Napalingon siya kay Worst.

"Nakaalis na sina Cianna, bakit nandito ka pa?" Natahimik naman si Worst.

Naglakad na lamang pabalik si Ciarra at nakasunod naman sa kanya ang Worst gang.

"Madilim ang paligid kaya dahan-dahan lang sa paglakad."

"Sanay na akong maglakad sa dilim."

"Di ko tinatanong."

Dumiretso sina Worst at Ciarra sa Mansion ni Worst.

Si Cianna naman isinugod nina Lion sa hospital.

Kinabukasan.

Nakita ni Ciarra na may mga dalang grocery si Worst kaya mabilis niya itong nilapitan.

"Ano 'to? Pwede ba akong kumuha?" Tanong niya at masiglang kinuha ang nakitang tsokolate at binalatan. May nakita din siyang isang basket ng mga prutas. Tatanggalin na sana niya ang nakabalot dito pero pinigilan siya ni Worst.

"Wag mong galawin 'yan. Para kay Cianna yan." Napatigil naman si Cianna sa ginagawa. Niluwa din kahit ang tsokolateng kagat-kagat niya.

"Sorry." Sambit niya at umalis na lamang saka nanood ng palabas sa TV.

Tinitigan naman siya ni Worst na tila ba may gustong makita sa reaksyon niya.

"Ah, hindi. Kainin mo na. Bibili nalang ako ng iba."

"Wag na. Ayoko sa mga bagay na pinagmamay-ari ng iba."

"So-sorry. Alam mo namang na-hospital siya nang dahil sa akin kaya ko ito ginagawa." Paliwanag ni Worst.

"Bakit ka nagpapaliwanag? Ano ba kita? Kung totoo pang may relasyon tayo e di matagal na sana tayong nag-break. May bf ba kasing nag-aalala parin sa ex? Tanga lang ang makikipagrelasyon sa ganoong uri ng tao." Si Worst naman natahimik.

Hindi naman kasi niya maiwasang mag-alala parin kay Cianna kahit na iba na ang mahal niya.

"Isang buwan nalang. Tapos na ang kontrata." Sabing muli ng dalaga. Saka naalala ni Worst na dalawang buwan na pala silang nagpapanggap na magsyota ni Ciarra.

"Pagkatapos nito, wala na tayong pakialaman sa isa't-isa." Pinagmasdan naman ni Worst ang likuran ni Ciarra. Malapit ng matapos ang kontrata nila. Posibleng hindi na niya makikita anumang oras ang dalaga.

"Ganyan mo ba kagustong malayo sa akin Ciarra?" Tanong niya.

"Syempre naman. Excited na nga akong matapos ang kontrata nating dalawa." Sagot ng dalaga. Napakuyom naman ng kamao si Worst.

"Bakit? Ayaw mo?"

Nakatitig lang sa kanya ang laake at hindi sumagot.

"Wag kang magkunwaring may pakialam ka sa nararamdaman ko at kunwaring may gusto sa tulad ko. Dahil katulad lang kay Crizan iyang pinapakita mo."

"Sino si Crizan? Ex mo?"

"Taong manloloko at mahilig manakit ng damdamin ng iba."

Sumama na naman ang tingin ni Worst nang maisip na may mahal ng iba ang dalaga.

"Kung sino man siya, hindi siya deserving para sayo."

Hindi na muli pang nagsalita ang dalaga.


***

Cia, The Worst (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon