Matapos ilabas ni Ciarra ang sakit na nararamdaman niya medyo gumaan na rin ang kanyang pakiramdam.
"Alam mo, hindi ko alam kung galit ba ako o nagtatampo lang." Sambit niya nang lumuwag ng muli ang kangyang pakiramdam.
"Galit ba ako sa kanila o namimiss ko lang ang mga araw na masaya pa ang buong pamilya?" Sambit niyang muli.
"Sorry kung nayakap kita. Sorry kung sayo pa ako napaiyak ng sobra."
"Ayos lang." Tahimik na lamang pinagmasdan ng dalawa ang mga ilaw sa buong paligid. Ni hindi nila napansin kanina na dumidilim na pala ang paligid.
Hinatid ni Worst si Ciarra pabalik sa kwarto nito. Nang umalis si Worst agad namang nakatulog si Ciarra.
Kinabukasan maagang dumating si Worst at dinalhan siya ng makakain. Kaso tulog parin ang dalaga. Hapon na nang magising ito.
"Eat."
"Busog pa ako."
"Wala ka pang nakain magmula no'ng magising ka."
"Maya na. Ilagay mo lang diyan. Iwan mo na ako."
"Aalis lang ako kapag kumain ka na."
"Kakain naman ako kapag di na ako busog. Kaya lumabas ka na."
"Bakit palage mo na lang akong tinataboy ha? Kakain ka o hahalikan kita?" Pananakot niya sa dalaga.
"Sige nga." Sabay nguso.
"Wag mo akong hinahamon."
Umirap naman si Ciarra at kinuha na lamang ng kutsara. "Kakain na nga. Kaya wag ka ng mag-alala."
"Hindi ako nag-alala."
"E di hindi."
"Yung motorbike nga pala."
"Kinuha na ni Pain. Hinihingi niya yung susi."
Dinukot ang bulsa at inabot kay Worst. May tumawag kay Worst kaya agad itong umalis.
Nag-vibrate naman ang phone ni Ciarra kaya dinampot naman ni Ciarra ang kanyang phone at nakita ang bagong notification ng school forum.
Dito niya nakita ang video ni Cianna na nakatayo sa rooftop ng school building.
***
Patakbong tinahak ni Worst ang pasilyo papunta sa gusaling kinaroroonan ni Cianna.
"Cianna. Wag mong gawin yan." Sigaw ni Lion at tumakbo din paakyat ng rooftop.
"Gusto ko ng mamatay. Ayaw ko na sa buhay ko." Naluluha niyang sambit.
Naalala niya ang sinabi ni Worst no'ng isang araw.
"Hindi mo ako dapat iniligtas. Nag-alala ako sa'yo. Inaamin ko 'yon. Pero nag-alala ako, iyon ay dahil ayokong ako ang magiging dahilan na mamamatay ang isang tulad mo. Maraming mas deserving pa sayo kaya pwede bang sa kanila ka nalang?"
"Ano bang wala sa akin na meron siya?"
"Sabihin mo. Ano din ba ang nagustuhan mo sa akin?"
"Gusto ko kung ano ka. Basta gusto kita."
"Gano'n din ako sa kanya. Ang alam ko, gusto ko siya dati pa. Napagkamalan lang kitang siya, Cianna."
Tumulo ang luha niya sa mga naalala.
"Ikaw lang ang matatawag kong akin Worst. Pero kung mawala ka man, mas mabuti pang mamatay na lamang." Sambit niya.
Nanginginig na inihakbang ang isang paa.
"CIANNA! WAG!" Napatigil siya makita si Worst sa ibaba ng building.
"Hintayin mo ako. Diyan ka lang. Wag mong gawin yan." Sigaw ni Worst at tumakbo na papasok sa building paakyat sa rooftop.
Naabutan niyang sinisira nina Lion at Hawk ang pintuan sa rooftop. Kaya tumulong na rin siya sa pagsira sa pituan. Bumukas din ito sa wakas Kaya mabilis silang nagsipasukan.
"Cianna, huminahon ka. Pag-usapan natin to." Pakiusap ni Lion.
"Bumaba ka diyan. Hindi mo yan dapat ginagawa." Sabi naman ni Worst na dahan-dahang naglakad palapit sa kinaroroonan ni Cianna.
"Worst?" Naluluhang sambit ni Cianna.
"Ayokong mawala ka sa buhay ko Worst. Kung mawala ka man mas mabuti pang mamatay na lamang ako."
"Cianna, bumaba ka na diyan pakiusap."
"Sabihin mo munang ako lang ang mahal mo. Na ako lang ang nasa puso mo. Na nagustuhan mo lang si Ciarra dahil may pagkakapareho kami ng hitsura."
Hindi naman nakapagsalita si Worst. Hindi niya kayang gawin pero hindi naman niya kayang makitang tumalon si Cianna. Makitang hindi sumagot si Worst muling tumalikod si Cianna.
"Kaysa hindi na kita makasama, mas mabuti pang mamatay nalang ako." Sambit niya at dahan-dahang inihakbang ang isang paa.
"O bakit di ka pa tumalon?" Muntik na siyang mahulog dahil sa biglang nagsalita kaya napalingon siya sa bagong dating.
"Gusto mo ng mamatay di ba? Bakit tila yata natatakot kang tumalon? May pasuicide-suicide ka pa tapos takot ka din pala. Gusto mo tulungan pa kita?" Tanong niya habang naglalakad palapit kay Cianna.
"Di-diyan ka lang. Wag kang lalapit. Tatalon ako." Pananakot ni Cianna.
"Tutulungan nga kitang tumalon di ba? Kaya wag mo akong tinatakot diyan sa pagpapakamatay mo." Nakangising sagot ni Ciarra.
"Ciarra anong ginagawa mo?" Tanong ni Lion.
"Gusto mo siyang tulungan? Puntahan mo na. Dahil kung hindi, ako mismo ang magtutulak sa kanya." Sagot ni Cianna.
***
BINABASA MO ANG
Cia, The Worst (Published)
Teen Fiction"She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all." Siya si Ciara na mula sa broken family. Lumaking masama ang ugali at palaging nasasangkot sa gulo kaya naman napilitan ang kanyang ina na ilipat siya sa paaralan kung saan nag-a...