✓CTW14: pretend to be my gf

3.2K 99 4
                                    

(REVISED)

***

"Aykambingnawalangbuntot!" Ang naisigaw ni Ciarra sa sobrang gulat.

"Ginagawa mo dito sa kwarto ko?" Sigaw na tanong niya kay Worst. Sa halip na sumagot, humiga lang ito sa tabi niya.

"Go away! Get out you monster!" Sigaw niya at tinulak pa si Worst gamit ang kanyang paa.

"Don't you dare called me monster if you don't want to know how monstrous I am." Sigaw din ni Worst pabalik na namumula ang mukha sa galit.

"Don't you dare pa e tinawag na nga kitang monster di ba? Ano yon, di mo rinig? Gusto mo ulitin ko pa?" Sinipa siya ni Ciarra na ikinalaglag niya sa kama.

Lalo namang namula si worst sa galit. Bakit hindi man lang natatakot sa kanya ang babaing ito? Kapag yung isang Cia, agad na yuyuko kapag nakikitang nagagalit siya. Agad nagsosorry kapag may nasabi siyang di maganda? Pero ito, sinisigawan pa siya? Nasisipa pa?

"Nandito na ang mahal mo bakit mo parin ako ginugulo ha?" Napahawak si Ciarra sa ulo nang muling maramdaman ang sakit dahil sa hang-over.

"Pretend to be my girlfriend!" Sabi ni Worst in a bossy tone.

"What? Aba't sumusobra ka na!" Tinuro sa noo si Worst.

"Accept it. Or else, ipagkakalat kong mag-asawa na tayo." Naka-smirked na sagot ni Worst.

"So what! Do I look I care?" Mag-asawa? Sinong maniniwala? Kaya di siya takot ni mag-alala. Ano naman kung gagawa-gawa ng tsismis ang isang to? Wala naman siyang pakialam sa reputasyon niya.

"Ipagkakalat kong buntis ka na!" Pananakot muli ni Worst. Pero wala paring reaksyon si Ciarra at "so what." Lang ang sagot nito.

"Ipagkakalat kong mahal mo ako!"

"So... WHAT!" Gulat niyang sambit. "Ikaw mahal ko?" Tanong pa niya. Ilang sandali pa'y malakas na tumawa. "Hahaha! Ikaw talaga? Hahaha!" Pero napatigil sa pagtawa dahil binato siya ng unan.

"Sige pagtawanan mo ako. Baka bukas mahulog karin sa akin."

"Pfft! Sayo talaga? E di mas lalong hinding-hindi kita papatulan." Sagot ni Ciarra.

Tinitigan lamang siya ni Worst. Napatigil si Ciarra sa malungkot na mga matang nakatingin sa kanya. Pero sandali lang yon dahil sumama na naman ang tingin ni Worst sa kanya.

"Pretend to be my gf and babayaran kita ng isang billion."

"Do I look I need money?"

"You look like you need love."

"Ikaw 'yon, hindi ako. Alis diyan!" Tinulak si Worst na ikinalaglag ulit sa kama sa pangalawang pagkakataon.

"Bakit ba ang brutal mo?"

Hindi sumagot si Ciarra, at inayos na ang kama.

"Pretend to be my gf sa ayaw at sa gusto mo. O baka naman gusto mo yung totoo? Then I will court you everyday until you will accept me." And with that, he left.

Si Ciarra naman natigilan. Alam niyang balak lang siyang gamitin ni Worst para maghiganti kay Cianna. Anak man si Cianna nina Claris pero wala siyang balak maghiganti sa babaing ito. Higit sa lahat ayaw niyang magkaroon ng koneksyon sa sinumang mga lalaking minsang naging parte sa buhay ng half sis niya.

Binalewala na niya ang sinabi ni Worst. But she didn't expect na totohanin nito ang sinabi.

Every morning sinusundo siya nito na may dala pang mga bulaklak. Tapos palage pa itong pumupunta sa klasrom niya. At ngayon naman, dinalhan siya ng pagkain.

"Pwede ba, tigilan mo na itong trip mo? Wag mo akong maarte-artehan. Stop pretending that you like me." Sabi ni Ciarra at lalagpasan na sana si Worst pero hinawakan nito ang kamay niya at bigla nalang siyang niyakap.

"Ano ba ang dapat kong gawin para mapatunayan ko sayong mahal talaga kita. Ano bang dapat kong gawin Ciarra?"

Ciarra. Binanggit nito ang pangalan niya. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Ngunit muli ay nakaramdam siya ng kirot.

Ciarra. Iyan ang pangalang binigay sa kanya ng kanyang ama. At iyan din ang palaging tawag nito sa kanya.

"Ciarra, anak."

"I hate you papa! I hate you so much! I don't want to see even your shadow!"

Iyan ang mga katagang binitiwan niya nong minsang kinausap niya ang kanyang ama na dalawin sa hospital ang kanyang ina ngunit hindi ito dumating. Naghintay siya pero walang Crizan ang dumating. Kaya nang magkita ulit sila nang hindi sinasadya, isa iyan sa mga katagang binitiwan niya.

At dahil sa hindi siya kumibo, ipinagpatuloy ni Worst ang mga sinasabi.

"Bigyan mo lang ako ng kahit isang pagkakataon. Ipaparamdam ko sayo kung gaano kita kamahal." And since nagsalita itong muli, saka pa natauhan si Ciarra.

Masyadong seryoso si Worst at muntik na tuloy siyang mapaniwala sa acting nito. Kapag magsalita kasi parang galing talaga sa puso.

Kung hindi niya nakikita si Cianna na isa sa mga audience na nakatingin sa kanila, baka maniwala siya sa acting ni Worst. Pero ngayon, malabo na dahil alam niyang umarte ito ng ganito para lamang masaktan si Cianna.

"Will you please stop using me? Hindi para rebound at second hand ang beauty ko kaya pwede ba tama na!"

Kala ba niya sasakyan ko siya sa acting niya? No way!

"Kahit anong gusto mo, gagawin ko. Maliban lang sa layuan kita. Iyan ang kailanma'y hindi ko magagawa." Sincere na sagot ni Worst. Gusto na tuloy masuka ni Ciarra sa galing ng lalaking to. Parang gusto niya itong bigyan ng best actor award of the year.

Tinulak niya si Worst kaso hindi natinag.

"Bitiwan mo ako o mag-esparing tayo dito?" Banta niya.

"Hindi kita bibitiwan hangga't di ka sumabay sa akin." Bulong ni Worst sa kanya.

Parang gusto ko na talagang manapak ngayon.

"Just give me three months and the deal will end. I won't bother you again after that." Bulong ulit ni Worst.

"Okay, I'll give you a chance. Kaya bitaw na diyan." Sabi niya. Napangiti naman si Worst.

Nakita niya si Cianna na nabitiwan ang hawak na libro. Yung mga babae namang may gusto kay Worst nagsiiyakan. May iba naman nanggigigil sa galit.

Siya naman matapos pakawalan ni Worst agad na umalis. Baka makasapak pa siya ng wala sa oras.

***

Cia, The Worst (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon