(REVISED)
***
Ciarra's p.o.v
Nagtsk lang ako nang magpasalamat si Cianna. Ano sa akala niya? Tutulungan ko siya? Kung di lang ako ihing-ihi na sa mga oras na yon, at kung di lang talaga sila nakaharang sa daan, bakit ako mangingialam? Kasalanan niya kung bakit nasanay siyang mabuhay na parang prinsesa. Ayan tuloy kailangan pa ng mga knight para magtanggol sa kanya. Dapat matuto siyang lumaban, di yung iiyak nalang lagi. Walang maitutulong ang luha.
Nagulat na lamang ako nang may umakbay sa akin. Sinamaan ko ng tingin ang walangyang lalaking to. Inapakan ko ang paa niya kaso nakaiwas pa. Tatanggalin ko sana ang braso niya pero may binulong siya sa aking tainga.
"Pretend na sinagot mo na ako."
"What? Ano ka sinuswer-" tinakpan niya ang bibig ko kaya tinulak ko siya.
"Itulak mo ulit ako at hahalikan talaga kita." Banta niya. Nanakot pa. Sinamaan ko siya ng tingin at napalingon kay Cianna sa likuran. Nakayuko ito, halatang umiiyak na naman.
Sa iyak din ba nadala ng kanyang ina si Crizan? Natatandaan ko pa minsang may sinabi si Crizan kay mama na,
"I'm sorry but she needs me."
Dahil ba sa mukhang malakas si mama kaya pinili niya si Claris at iniwan kami? O dahil mas malambing ang babaing 'yon kaysa kay mama o dahil sa mukha siyang weak tingnan tulad ng Cianna na ito? Mag-ina nga naman. Pero kahit gusto kong makitang nasasaktan si Cianna hindi ibig sabihin no'n na kakabitin ko din ang boyfriend niya. Ayaw kong maging Claris the second. Hindi bagay sa akin ang mang-agaw dahil kay Cianna iyon bagay.
"Magmula ngayon, tayo na." Sabi ng langyang to. Sinamaan ko siya ng tingin.
"NO Way! Highway! Underway! Subway! As in never!" Hindi ako mang-aagaw.
"Accept it or else sasabihin kong gawa mo iyon. Do you think hindi manganganib ang buhay ng iyong ina?" Sabi niya na ikinapula ko sa galit.
"I hate you!" Halos pasigaw ko ng sabi.
"But I love you." Gusto kong masuka sa sinabi niya. Alam kong sinabi lang niya yan dahil nanonood si Cianna sa amin. Hindi ko alam kung naririnig ba niya kami. Dahil ako pasigaw si Worst naman pabulong at ngayon lang nilakasan ang sinabi na but I love you?
Napatingin ako sa mukha niya na seryoso. Maniwala ka diyan ikaw lang din ang masasaktan. FYI sinadya lang niyang sabihin ang mga bagay na ito para magselos ang ex niya.
"Basta, gf na kita. Kung ayaw mo ng fake totohanin ko. Mamili ka." He teased again at ngumiti pa. Ang sarap lang sapakin ng labi niya.
"Oo na. Grrr.. Kapag ako talaga namatay sa pagpapanggap nating ito, papatayin talaga kita. Haist! Di ko to problema idadamay pa ako." Nakakainis lang talaga.
"Siguraduhin mo lang talaga na kaya mo akong protektahan." Sabi ko ulit.
"Kaya nga ikaw ang pinili ko di ba? Para kahit may manakit sayo hindi ako mag-alala." Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa sagot niya. Pero nang maisip ang isa sa mga kondisyon niya kumalma din naman ako.
"Fine! Pero ibigay mo muna ang ten million sa akin. And everything is fine." Nakangiti kong sabi.
"Okay, I'll send it to your account."
"Siguraduhin mo lang." Nakataas kilay kong sabi. Siguraduhin lang talaga niya dahil kapag nakuha ko na ang half billion na hiningi ko sa kanya, hinding-hindi na nila ako makikita pa.
Pera lang naman ang problema ko di ba? Pera para hindi ko na makita ang mga taong magpapaalala sa masakit na kahapon.
Hinatid niya ako sa classroom ko bago siya umalis. Pagkatapos naman ng klase kinausap ako ni Viper or Ciannon. Ang kapatid kong isa sa mga ayaw kong makita.
"Cia!" Lalagpasan ko na sana siya. Cia, iyan ang palayaw na binigay niya sa akin. Hindi ko alam kung siya din ba ang nagpalayaw kay Cianna.
"Ano ba!" Inis kong sambit kasi hinawakan niya ang wrist ko.
"Layuan mo si Worst!" Bakit niya sinasabi sa akin yan? Dahil ba gusto niya kay Cianna lang ang Worst na 'yon?
"Sa kanya mo sabihin." Hindi naman ako ang lumalapit di ba?
"Masasaktan ka lang." Concern ba siya? Tiningnan ko siya sa mga mata. Kaya lang hindi ko mababasa ang emosyon niya. Parang naka-freeze. Kasing yelo ko.
"Masaktan? Dahil sa kanya? Saka ko nalang 'yan isipin kapag nangyari na." Sagot ko at inalis ang kamay niya sa wrist ko saka umalis.
"Nilalapitan ka lang niya dahil nakikita niya sayo ang ex niya. Kaya di ka dapat mahulog sa kanya." Sigaw pa niya. Gusto ko sanang sabihing, nilalapitan niya lang ako para paselosin ang ex nito at para mapunta sa akin ang mga panganib na dapat mapunta kay Cianna. Pero wag nalang.
"Wag kang mag-alala. Namanhid na ang puso ko, magmula nong umalis kayo ng iyong ama." Sagot ko at nagmamadali ng umalis.
Masaktan? May hihigit pa ba sa sakit ng pakiramdam ng walang nagmamahal? At sasakit pa ba ang puso kung namanhid na? Mahulog? Matuto pa bang mahulog ang pusong galit sa pag-ibig? Kung hindi dahil sa pag-ibig, hindi masasaktan si mama. Pag-ibig? Tsk! Hindi na 'yan uso sa panahon ngayon.
***
BINABASA MO ANG
Cia, The Worst (Published)
Teen Fiction"She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all." Siya si Ciara na mula sa broken family. Lumaking masama ang ugali at palaging nasasangkot sa gulo kaya naman napilitan ang kanyang ina na ilipat siya sa paaralan kung saan nag-a...