✓CTW15; Cianna's Sister

3.2K 122 13
                                    

(REVISED)

***

Paliko na si Ciarra sa corridor nang may narinig na nag-uusap. Hindi sana niya papansinin kaso mukhang kasama siya sa usapan.

"Talaga bang kinalimutan mo na ako Worst?" Boses ni Cianna ang narinig niya.

"May mahal na akong iba, kaya bumalik ka na sa lalake mo at wag na akong guluhin dito."

"Hindi totoong sumama ako sa lalake worst. Ikaw lang ang minahal ko."

"Enough for your lies Cianna. Hindi na kita mahal kaya umalis ka na sa paaralang ito."

"But I still love you. Umalis ako dahil kailangan kong magpaopera."

"I don't care about you. So please, leave me alone. Wala ng tayo dati pa Cianna. Alam mo yan." Sagot ni Worst at iniwan ang umiiyak na dalaga.

Pagliko niya, nakasalubong niya ang iiling-iling na si Ciarra. Nagtsk lang ang babae at lagpasan na sana si Worst kaso inakbayan siya nito at hinila na paalis.

"Hindi ka nagselos?" Tanong nito sa kanya.

"Selos? For what? Nagtataka lang ako, kung bakit ayaw mong makipagbalikan sa kanya. I know you still love her, then ano ang rason kung ba't mo siya iniwasan?" Tanong ni Ciarra.

Bumuntong-hininga lang si Worst. "Hindi ko talaga siya mahal." Sagot lang nito.

Nagkibit-balikat lang si Ciarra. Halatang hindi naniniwala. Akmang tanggalin ang braso ni Worst pero lalo lang nitong hinigpitan ang pagkakaakbay sa kanya.

Nahagip ng kanyang mga mata si Cianna na sumunod kanina kay Worst. Alam niyang sinabi ni Worst ang mga katagang iyon dahil alam nitong nakikinig si Cianna sa usapan nila.

Cianna's point of view.

Sobrang sakit. Hindi ko na kaya. Lalo lamang tumulo ang luhang matagal ko ng pinipigilan. Inaamin ko, mas maganda naman talaga siya. Matapang. Malakas. Sino ba ako kumpara sa kanya? Ako na mahina?

Natigilan ako at bahagyang lumingon sa gilid dahil may nag-abot ng panyo sa akin.

"Hanggang ngayon, iyakin ka pa rin." Si Lion pala. Kinuha ko ang panyo at nagpasalamat. Kibit-balikat lang ang sagot niya.

Si Lion, siya ang palaging nandiyan para sa akin lalo na kapag nag-away kami ni Worst dati. Pinili ko si Worst kahit alam kong masasaktan ko siya. Pero kahit ganon, hindi siya nagtatanim ng galit sa akin.

Pinunasan ko ang aking luha at napatingin sa direksyong dinaanan nina Worst at Ciarra kanina.

"Hindi mo ba napapansin." Biglang tanong ni Lion.

"Ang alin?"

"Ang pagkakahawig niyong dalawa?"

May mga tao namang nagkakahawig di ba?

"What do you mean?" Tanong ko nang may naisip akong bigla. Wag mong sabihing siya ang kapatid ko sa ama? Hindi ko alam ang mga tunay nilang mga pangalan dahil codename lang ang ginagamit sa paaralang ito. Habang ako, palayaw ko ang ginagamit ko.

"Did you know her?"

"Her name is Ciarra Verdal. And you're Cianna Verdal. At minsan mo ng nabanggit sa akin na may kapatid ka sa ama. So I investigated her and found out that she is your half-sister."

Kung gano'n, siya nga? Siya nga ang kapatid ko sa ama? Kaya pala magkahawig kami dahil iisa lang ang aming ama. Pero bakit siya napunta sa paaralang ito? Hindi ba't ayaw ng kanyang ina na magkita sila ni daddy?

"Pasyal tayo? Para naman matuwa ka." Yaya ni Lion sa akin na di ko naman tinanggihan.

I didn't expect na magkakatagpo ang landas namin ni Ciarra na kasama ang grupo ng Lion gang habang papunta kami sa tambayan ng Lion gang.

"Tamang-tama. Punta tayo sa bar Boss Lion." Masiglang sabi ni Hawk. "Isama mo na rin si Cianna." Dagdag niya pa. Bigla namang umalis si Ciarra.

"Uy Cia! Saan ka pupunta? Sabi mo punta tayong bar?" Tawag nito at hinila pa ang braso ni Ciarra.

"Nagbago ang isip ko. Kayo nalang." Sagot niya at tinanggal ang kamay ni Hawk na nakahawak sa braso niya saka cold na tinapunan ako ng tingin.

"Sandali lang." Pero tuluyan ng umalis si Ciarra. Napayuko na lamang ako. That cold eyes. Alam kong galit siya sa akin.

"Sorry." I blurted out. "Alam kong ayaw niya akong makasama."

"Ah, iwan ko na muna kayo boss." Hawk smiled at me apologetically.

Si Hawk. Ang pinakaunang naging kaibigan ko sa paaralang ito. Isa sa palaging nandiyan at pinoprotektahan ako. Pero ngayon, isa din siya sa mga mas malapit kay Ciarra. Hindi ko maiwasang masaktan dahil isa siya sa mga pinakamatalik kong kaibigan. At tulad ni Worst, nakuha din ang loob niya ni Ciarra.

Agad hinabol ni Hawk si Ciarra at inakbayan. Yumuko na lamang ako, when I heard Lion said "This is bad." Kaya muli akong napaangat ng tingin.

Nakita kong nakasalubong nina Hawk at Ciarra ang grupo nina Kuya Cian. Ang kalabang grupo ng Lion gang. Pero nanlaki ang mga mata ko dahil binanggaan lang ni Ciarra si Kuya kaya hinawakan siya ni Kuya sa balikat ngunit iniwasan agad ni Ciarra. Isa si Kuya sa kinatatakutan sa paaralang ito dahil sa pagkamainitin ang ulo. Ang bilis magalit at walang araw na hindi nasasangkot sa gulo.

Ilang sandali pa'y nakita ko na lamang na nagpalitan na sila ng suntok at sipa. Hindi naman nakialam ang kagang ni Kuya at hinayaan lamang sina Ciarra at Kuya Ciannon na maglaban. Dito ko napansin ang pagkakapareho ng mga mata nina Ciarra at Kuya. Yung mga matang parang nagsasabi ng back off or you're dead? O para ring nagsasabi ng I hate all of you? Cold, fierce, and fearless.

Ilang sandali pa'y tumilapon si Kuya at napamura. Tiningnan ng sobrang sama si Ciarra pero hindi na siya nito tinapunan ng tingin at umalis na ito.

"Kung hindi ko alam ang totoo, hindi ako maniniwalang magkapatid kayong tatlo. Pero maniniwala akong magkapatid silang dalawa." Biglang sabi ni Lion.

Si Kuya Cian, ang isa sa mga nang-aapi sa akin simula pa bata. Dahil mas binibigyan ako ng atensyon nina mommy at daddy at mas minahal.

Hindi niya nararamdaman ang pagmamahal nina mommy at daddy at madalas pa siyang napapagalitan. Naaawa ako palagi sa kanya at pinilit ang sariling mapalapit sa kanya at iparamdam na may nagpapahalaga pa sa kanya at ako 'yon pero palage lamang niya akong sinasaktan at sa akin niya nilalabas ang galit.

"You're not my sister."

"I don't have a sister like you."

"Leave me alone. I hate you. I hate all of you."

Iyon ang mga katagang palage kong maririnig mula sa labi niya. At sa palagay ko, gano'n din ang tingin ni Ciarra sa akin.

Nang magtagpo ang mga mata namin ni Kuya, nagtsk lang siya at umalis na sila kasama ang grupo niya.

It's hurt. Na maliban sa mga magulang mo, wala ng ibang nagmamahal sayo. Higit sa lahat, kinasusuklaman ka ng mga kapatid mo.

Tinapik-tapik ni Lion ang balikat ko. Nginitian ko na lamang siya. Ngiting may halong pait.


***

Cia, The Worst (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon