✓CTW39: may sakit

2.5K 104 1
                                    

Nakarating sila sa isang hospital.

"Bakit dito mo ako dinala?" Takang tanong niya sa Kuya.

"Basta sumunod ka nalang." Sagot ni Ciannon kaya naman sumunod na lamang siya hanggang sa makarating sila sa isang pribadong silid.

Bigla siyang hinila ni Ciannon at nagtago sila sa isang sulok.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong niyang muli. Hindi pa man nakasagot si Ciannon, nakita niyang lumabas si Charis at ang isang doctor mula sa loob.

"Sinabi ko na sa'yong di ka pa maaaring lumabas, pero ang tigas ng ulo mo."

"Gusto ko lang naman sanang makita ang mga anak ko kahit sa huling pagkakataon."

"Hindi mo ba talaga sasabihin kay Ciarra ang tungkol sa operation mo?"

"Ako lang ang meron siya. Paano kung may masamang mangyari sa akin at hindi magiging successful ang operasyon?"

"May karapatan din siyang malaman ang kalagayan mo. Ilang taon mo ng itinago sa kanya ang sakit mo. Tinataboy mo siya para hindi niya makita ang paghihirap mo. Pero Charis, kailangan ding malaman ng bata."

"Tama na Chris. Kapag magtatagumpay ang operasyon at gagaling ako, kukunin ko na ulit si Ciarra. Hinding-hindi ko na siya hahayaan pang muli."

Anong sakit? Anong operasyon ang tinutukoy nila? Lalabas na sana si Ciarra pero pinigilan siya ni Ciannon.

"Ayaw ni mama na malaman natin ang paghihirap niya. Wag ka na munang magpakita. Kakausapin nalang natin si Tito Christian." Sabi ni Ciannon.

Nang makaalis na ng tuluyan ang kanilang ina saka sila nagtungo sa office ng doctor at hinintay ang pagbabalik nito. Nagulat pa ang Doctor nang makita sila sa office nito.

"Ciannon? Cia?" Gulat niyang tanong.

"Tito, ano pong tunay na kalagayan ni mama? Bakit kailangan niyang maoperahan?" Agad na tanong ni Ciarra.

Nag-aatubili namang ipagtapat ni Dr. Christian ang totoo. Ilang ulit pang napabuntong-hininga bago muling nagsalita.

"Naalala mo ba ang aksidente 7 years ago?" Tumango si Ciarra sa tanong ni Dr. Christian.

"Bakit mo po natanong Tito?" May kinalaman ba dito ang sakit ng kanilang ina?

"Hindi nagpaopera ang mama mo noon at may blood clot pang natira sa kanyang ulo. Nagiging kumplikado na ang sitwasyon at kailangan niyang maoperahan sa lalong madaling panahon." Sagot ni Christian.

"Bakit hindi nagpaopera si mama noon?" Inaakala pa naman niya na ayos na nga talaga ito dahil bumalik na sa pagtatrabaho.

"Ayaw niyang maghahanap ka na naman ng pera sa paraang alam mo. Ayaw din niyang gamitin ang pera na galing kay Crizan dahil sa tindi ng pagkamuhi niya dito. At alam mo namang lahat ng pera at ari-ariang naiwan ng grandparents niyo nakapangalan lahat sa pinakamamahal niyang kapatid. Kaya walang kahit ano mang meron sa inyo. Gusto ko man siyang tulungan pero ayaw parin niyang magpaopera dahil nag-alala siya sayo." Tiningnan ni Dr. Christian ang reaksyon ng magkapatid. Naawa siya sa mga ito pero wala naman siyang magawa.

"Ayaw ka niyang iwan Cia. Nag-alala siyang baka hindi siya makakasurvive sa operasyon at maiiwan kang mag-isa. Ayaw ka din niyang mag-alala." Ipinaliwanag ni Christian sa magkapatid ang lahat. Dito nalaman ni Ciarra na sa bawat panahong sinasabi ng ina na busy siya, sa hospital pala pumupunta.

Napapadalas kasi ang nararamdamang pagkahilo at pagkakasakit ng ulo sabayan pa sa sumisikip nitong dibdib. Bukod sa patay na dugong naiwan sa ulo, may sakit din siya sa puso. Nagkaroon siya ng sakit sa puso dahil sa masyadong pagdamdam sa nangyayaring pagtataksil sa kanya at sa pangungulila sa anak na nawalay sa kanya. Madalas din itong hindi nakakatulog na lalong nagpapakalala sa kalagayan niya.

Kaysa makita niyang mag-alala si Ciarra sa kanya mas pipiliin niyang makita itong galit sa kanya. Para kapag darating ang araw na pumanaw na siya sa mundo hindi na gaanong masaktan si Ciarra at di na gaanong mangungulila sa kanya. Pinadala niya si Ciarra sa Xiongfa University iyon ay dahil kailangan niyang maadmit sa hospital ng ilang buwan. At naisipan niyang magpaopera na. Kaya lang posibleng pagkatapos ng operasyon, maaring di na niya maalala ang anak o baka naman ikakamatay niya.

"Pinapagalitan ka niya noon dahil nag-alala lamang siya sa'yo. Wala naman sigurong ina na matutuwa kapag nakikitang nagkakapasa ang anak sa bawat pag-uwi nito. Sa ibang paraan nga lang niya ginagawa." Napayuko si Ciarra sa narinig.

Naintindihan na niya ang lahat. Nagagalit-galitan lamang ang ina para hindi mahalata ni Ciarra na nahihirapan ito. Na may sakit ito. Nagkukunwari lamang itong malakas kahit ang totoo, nanghihina na ito. Mahina na at pinilit paring lumaban kahit pagod na pagod na para lamang kay Ciarra.

"Alam niyo na po ba kung sino ang nakabangga kay mama?" Tanong ni Ciarra.

"Ang dating kaibigan ng iyong ina. Nagmamadali kasi ang mga ito dahil may lagnat noon ang anak nilang babae. Malakas ang ulan sa mga oras na 'yon at madilim ang paligid kaya nabanggaan nila ang iyong ina na wala noon sa sarili. Gusto kasi niyang makita si Ciannon kaso kinasusuklaman siya nito at ayaw pang makita." Sabay tingin kay Ciannon.

"Miss na miss ka ng iyong ina kaso sinigawan mo siya at tinaboy. Umalis siya at lumuluhang tumawid sa kalsada sa kabila ng malakas na ulan. Siya ring pagdaan ng sasakyang sobrang bilis ng takbo." Naalala pa ni Ciarra ang gabing malakas ang ulan na hinahanap niya ang ina. Hanggang sa makita niya itong duguan sa tabi ng kalsada.

"Dumiretso na sila dahil kailangan din nilang iligtas ang buhay ng anak nila habang tumawag sila ng ambulansya para kunin ang inyong ina na nabanggaan nila. Hindi nila nakilala kung sino 'yon kaya di nila alam na si Charis ang nabanggaan nila." Dagdag pa ni Christian.

"Pinaimbistigahan nila kung sino ang nabanggaan nila at balak na siyang magbabayad sa mga gastusin pero huli na dahil nakalabas na si Charis. Nakalimutan kasi nilang may nabanggaan sila sa mga oras na kailangan ni Charis ng pera dahil sa sobrang pag-alala sa kanilang anak." Pagpapatuloy niya.

"Sino po ang mga kaibigan ni mama? Iyon din po ba ang kasabwat ni Claris para sa pagbuo ng batang Cianna?"

"Alam mo na?" Tanong ng doctor.

Naikuyom naman ni Cianna ang kamao. Ibig sabihin alam nila ang totoo pero hindi man lang nila sinabi sa kanya? At ang kasama niya palage ay anak mismo ng mga taong naging dahilan ng kalungkutan niya. Pinakalma na lamang ang sarili at pinilit pakalmahin ang naninikip na dibdib.

***

Cia, The Worst (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon