Habang kumakain sa cafeteria sina Ciarra at Worst, panay sulyap naman ni Worst sa gawi nina Cianna. Dahil kasama ni Cianna si Lion at pansin nilang may nagbago na rin sa dalaga.
Hindi na ito ang dating mahinhin at tahimik. At mas napalapit na ito sa Lion gang. At may mga intimate gesture pa sina Cianna at Lion na ikinatalim ng mga tingin ni Worst. Lalo pa't usap-usapan na sa buong campus na sila na ni Lion.
"Wag pahalatang affected. Maraming mga mata sa paligid." Bulong ni Ciarra malapit sa tainga ni Worst.
Paalis na sana sila nang may lumapit kay Worst at bumulong sa tainga nito. Ilang sandali pa'y tumingin si Worst kay Ciarra.
"We'll be right back. Kaya wag kang gumala sa kung saan-saan." Sabi nito at hinintay ang sagot niya.
"Sige. Shoo na!" Kumaway pa. Sumama ang tingin ni Worst dahil di narinig ang gusto niyang marinig na sagot at madilim ang mukhang umalis.
Nang umalis na si Worst, napangiti naman si Ciarra. Sa wakas, makakawala na naman siya sa nakakasakal na presensya ng lalake. Sinigurado na muna niya na nakaalis na si Worst at ang mga ka-gang niya.
Bumalik agad siya sa dorm niya at nagpalit ng maisusuot. Pagkatapos magbihis, lumabas na siya ng pintuan. Kaya lang nagulat siya dahil may nagbabantay sa labas.
"Oh, Pain. Anong ginagawa mo dito?" Napakunot ang kanyang noo dahil baka hindi matuloy ang paglabas niya ngayon. Saka bakit nagpaiwan ang isang to?
"Pinabantayan ka sa akin ni Worst." Walang ekspresyon na sagot ni Pain.
Inikot lamang ni Ciarra ang mga mata at lalagpasan na sana si Pain kaso humarang sa dinaraanan niya. Nagkunwari naman si Ciarra na nagulat dahil may nakita sa likuran ni Pain kaya agad na napalingon si Pain sa likuran at bago pa man makalingon ulit, nawalan na siya ng malay.
Hinipan ni Ciarra ang kamay at sinulyapan ang nakaratay na lalake bago niya ito lagpasan. Pero bumalik makita ang isang susi sa mga kamay nito. Dinampot niya ito bago tuluyang umalis.
"Pipigilan niyo ako sa mga gusto kong gawin? Sorry. Hindi ako ang tipo ng gustong kinokontrol at sumusunod sa batas ng iba. All I wanted is to be free. Free from everything."
Natuwa siya makita ang motorbike ni Pain sa labas ng dorm at agad na sumakay rito.
Lumabas siya ng campus at namasyal. Gusto sana niyang dalawin ang kanyang ina kaya lang, naisip niya na baka magagalit lang ito kapag makita siya. Namimiss niya ang kanyang ina kahit na palage lamang siya nitong sinisigawan.
Pero hindi maiwasang kumirot na naman ang kanyang puso maalalang hindi man lang siya kinamusta ng ina. Kung ayos lang ba siya o kung ligtas ba ang buhay niya. Minsan naitanong niya sa sarili na kung mamamatay ba siya malulungkot kaya ang kanyang ina?
Tumigil siya sa isang bar mapansin ang pamilyar na pigura na pumasok sa loob.
Pagpasok niya sa loob sinalubong agad siya ni Snake.
"Hey! Ciarra right?" Tanong nito na halatang natutuwa nang makita siya. May hawak pa itong kopita na wala ng laman.
"Yes?"
At dahil wala naman siyang ibang kakilala dito, naki-share na lamang siya sa table nina Snake. Nakita niya ang kanyang kuya Ciannon na nakaupo sa pinakadulo ng couch at madilim ang mukhang nakatingin sa kanya.
"What are you doing here?" Sigaw nito. Na kahit malakas ang music, rinig na rinig niya.
Hindi siya sumagot kundi nagsalin ng wine sa baso at uminom. Kunti lang naman. Ang totoo, hindi niya gustong malasing, at hindi din niya alam kung ano ba talaga ang gusto niya. At di niya alam kung bakit pumasok siya dito nang makita ang kuya niya na nagpunta sa lugar na ito. At ngayon namang kaharap na niya ang kuya ayaw naman niya itong kausapin na parang tumataas ang dugo niya kapag nakakausap ito.
Napatingin siya sa mukha ni Ciannon. Habang tinatanong sa sarili kung ano ang espesyal sa lalaking ito kung bakit mas pinapahalagahan ito ng kanyang ina at ama. At siya tinataboy na parang aso. Nang makita na kamukhang-kamukha nito ang kanyang ina, naisip niyang dahil siguro sa kunti lang ang namana nito sa ama. At siya kamukhang-kamukha niya ang kanilang ama.
"Kung di ko kaya kamukha si papa, mamahalin din kaya ako ni mama?"
Napailing siya sa sariling iniisip. Bakit kasi palage na lamang sila ang iniisip niya? Tumayo na lamang siya para ipagpatuloy ang iba pa niyang dapat gawin na bigla niyang nakalimutan kanina at dito pa napunta.
"Aalis ka na agad?" Tanong ni Snake. Hindi na niya pinansin ang kakaibang tingin ng mga tahimik na kasama. Bukod kasi nina Snake at Ciannon, may dalawa pa silang kasama na kabilang din sa Venom gang.
"Oo. May nakalimutan pala akong gawin."
Nagpunta na muna siya sa girls rest room dahil naiihi siya pero natigilan dahil nakita ang pamilyar na mga pigura sa daraanan. Hindi niya alam kung babalik ba siya o magpapatuloy. Pero naisipan niyang bumalik na lamang kaysa sa makadisturbo.
Si Cianna iyon at Worst na naghahalikan.
"Ayaw niyang malaman ng iba na mahal niya si Cianna tapos nagpe-PDA sila? Dito pa sa corridor?" Iiling-iling siyang bumalik sa dinaanan.
Habang sakay sa motorbike ni Pain, napansin niyang may sasakyang nakasunod sa kanya.
"Bakit ba ang dami-dami ng nakasunod sa akin? Di naman ako artista a." Reklamo niya at binilisan ang pagpapatakbo ng motorbike.
Nang mailigaw ang mga nakasunod, bumalik na lamang siya sa campus. Napatsk na lamang siya dahil hindi siya nakapang-underground fight. Hindi tuloy madadagdagan ang pera niya.
Kakapasok lamang niya sa kanyang silid nang biglang bumukas ang pintuan at niluwa nito si Worst.
"Kasasabi lang na wag kang lumabas di ba? Bakit di ka nakinig?" Galit nitong sigaw.
Inirapan lamang siya ni Ciarra at tinakpan pa ang tainga para hindi marinig ang mga sermon ng lalake.
Marahas na inalis ni Worst ang mga kamay na nakatakip sa tainga ni Ciarra.
"Ciarra!"
"What?"
Sinuri ni Worst ang katawan niya at makitang ayos lang ito, saka pa siya huminahon.
"Concern? Bakit? Nahulog ka na sa akin?"
"In your dreams!"
"Tsk!"
***
BINABASA MO ANG
Cia, The Worst (Published)
Подростковая литература"She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all." Siya si Ciara na mula sa broken family. Lumaking masama ang ugali at palaging nasasangkot sa gulo kaya naman napilitan ang kanyang ina na ilipat siya sa paaralan kung saan nag-a...