Pagdilat ni Ciarra, sunod-sunod na sermon ang inabot niya galing kay Worst.
"Di ba sabi ko sayo, wag na wag kang gumala? At wag na wag mong ilagay sa panganib ang buhay mo?" Ganyan ang bungad niya sa bagong gising na dalaga sa halip na kamustahin ito.
"Bakit hindi ka nakikinig sa akin ha?"
"Bakit ka umalis?"
"May ka-date ka ba at hindi mo mapigilang hindi siya makita?"
Paano nasali ang date date sa usapan? Napakunot tuloy ang noo ni Ciarra. Sa battle arena na nga siya galing, isasali pa sa tanong ang date?
"Pwede ba makinig ka naman sa akin kahit minsan lang?" Muling sabi ni Worst. Magsasalita pa sanang muli nang may lumipad na unan sa kanyang mukha. Sapul na sapol. Na naging dahilan na ang dating galit na mukha ay lalong namula sa galit.
"CIARRA!" Sigaw nito.
PAK!
Kung kanina unan ang binato ng dalaga, ngayon naman paa na ang tatama sana sa mukha niya kaya agad siyang umiwas.
Susugurin na sana ni Worst si Ciarra pero pinigilan siya ng doctor.
"You better calm down first. Kakagising lang ng pasyente at hindi pa stable ang kalagayan niya." Napangiwi pa ang doctor makitang dumugo ang wrist ni Ciarra na tinurukan ng karayom.
"Nga naman Worst. Ikaw kayang kakagising mo lang tapos bubungangaan ka na agad. Dapat nga kino-comfort mo siya hindi yung sisigawan mo." Sabi naman ni Pain.
"Why should I? Di niyo ba nakikita, may sakit na nga nananakit parin. Sinong maysakit bang ang lakas makabato?" Tinuro pa ang walang emosyong dalaga.
"Kapag nag-alala ka kasi, hindi yung naninigaw ka." Sabi naman ni Hurt.
"Sa tingin mo madadala sa lambing ang halimaw na yan?" Sagot naman ng lalake na ikinaningkit ng mata no Ciarra sa galit.
"Halimaw? Huy gago!" Balik sigaw ng dalaga.
"Wag mo 'kong ginagago-gago. Wala pang tumatawag sa akin ng ganyan." Mukhang gusto na namang sugurin ang dalaga. Humarang naman agad si Pain.
Napatingin naman si Ciarra sa wrist niyang dumugo na pala.
"Sinong nagtusok ng karayom sa akin at papatayin ko."
Pinagpapawisan tuloy ang doktor. Bakit kasi siya nagkaroon ng pasyente at watcher na nakakatakot?
"May gagawin pa ako." Pag-iiwas ng Doktor at nagmamadaling umalis sa halip na gamutin ang dumugong wrist ng dalaga.
Pinigilan naman siya ni Hurt.
"Gamutin niyo na muna ang sugat niya." Napilitan tuloy bumalik ang doctor at pinalitan ang bumaluktot na karayom.
"Di ba sabi ko sayo wag kang makikipaglaban?" Pag-uulit ni Worst nang makaalis na ang kinakabahang doctor.
"Nagugutom ako." Sagot naman ni Ciarra.
"Nakikinig ka ba?" Umusok na ang ilong na sabing muli ni Worst.
"Nagugutom ako." Pag-uulit din ng dalaga.
"Ciarra!" Sigaw na ng lalaki.
"GUTOM NGA AKO DI BA?" Balik sigaw din ng dalaga.
"Hay naku. Kailan pa ba hindi magsisigawan ang dalawang ito." Sambit naman ni Pain sa isip.
Nagsilabasan na muna sila nina Hurt. Baka sila pa ang mapagbuntunan ni Worst sa galit niya.
"Kumain kang mag-isa mo." Sagot ni Worst.
"Sinabi ko bang kasama ka?"
"Bakit mo ba ako palaging pinipikon ha?"
"Kasalanan ko ba kung napipikon ka?"
Nag-order na lamang ng pagkain si Worst. Nang makitang nahihirapang kumain ang dalaga, sinubuan na lamang niya. At iyon ang naabutang eksena nina Cianna at Lion.
"Maamo ka din naman pala kapag kumakain." Sabi ni Worst.
"Thank you." Seryosong sagot ni Ciarra. Ngayon lang kasi may nag-alaga sa kanya kapag may sakit siya.
"Hindi kita pinupuri." Naiilang na sagot ni Worst pero pasigaw ang pagkakasabi para di mahalatang naiilang siya sa biglang pagkaamo ng mukha ni Ciarra.
"Thank you." Pag-uulit naman ng dalaga.
"Hindi nga kita pinupuri." Kontra ulit nito.
"Pero ikaw ang nandito. Salamat sa pag-alala." Seryosong sagot ng dalaga.
"Buti na nga palang tinaboy ko sila." Sambit pa ni Worst sa isip.
"Of c-course wala naman kasing ibang nakakaalam na nahospital ka." Nauutal na sagot ni Worst.
Nabaguhan kasi siya sa biglang pag-amo ng boses ni Ciarra. Nasanay na kasi siyang palage silang nagsisigawan kaya di niya maiwasang mailang at mahiya nang pasalamatan siya nito at mukhang bumait pa.
"Thank you."
"Para saan na naman?" Di nga kasi siya sanay na mabait ang isang to.
"Wala lang."
"Sinubuan lang kita, umamo ka ng bigla? Bumait ka na din kunti ha. May himala."
"Umingay ka na din bigla. Don't tell me? Nahulog ka na sa akin?" Tukso na namang muli ni Ciarra na ikinatigil ng lalaki.
Hinihintay ni Ciarra ang katagang 'wag kang feeling' o 'mandiri ka nga.' Pero iba ang narinig mula sa bibig ng lalaki.
"What if kung oo?" Biglang sagot ni Worst.
Sa halip na kiligin, hinampas ang binata sa ulo na ikinaungol nito.
"Bakit ba ang brutal-brutal mo ha?"
"Kinikilabutan ako sayo."
Napanguso na lamang ang binata sa turan ng dalaga.
Gusto man ni Cianna ang kumustahin si Ciarra pero hindi talaga niya mapigilan ang sarili na masaktan makita ang interaction ng dalawa kaya umalis na lamang siya. Sinundan naman siya ni Lion.
"Paano kung totoo ang sinasabi ko?" Seryosong tanong ni Worst habang nakatingin diretso sa mga mata ng dalaga. Kaya lang nasapok ulit siya.
"Para saan na naman yon?" Asik ng binata.
"Fall for me? Tsk! Mukhang ikaw na nga si Crizan the second." Sagot ni Ciarra na muling napalitan ng lungkot ang mga mata.
"Hindi ako kagaya ng dad mo." Seryosong sagot ni Worst na halatang nasaktan sa sagot ni Ciarra. "Hindi pare-pareho ang mga tao Ciarra."
Ngiti lang ang sagot ni Ciarra. Ngiting may halong pait.
"Magkahawig sina mama at tita. Confident at independent woman tingnan si mama. Mahina at dependent woman naman tingnan si Tita. Di ba mas gusto ng mga lalaki na nakadepende sa kanila ang mga babae nila? Yung tipong hindi nabubuhay ang babae 'pag wala sila? Magkahawig din kami ni Cianna. Nahulog ka sa kanya. Malay mo, ako pala ang gusto mo pero nasa kay Cianna rin ang ugaling hanap mo sa iisang babae di ba? Kung totoo man 'yon, kung sino man sa aming dalawa na tanggap kahit dalawa ang babae sa buhay mo, ayos lang sa kanya basta lang makasama ka, iyon din ang pipiliin mo dahil iniisip mong naiintindihan ka niya at napakamaunawain niyang babae." Malumanay na sabi ni Ciarra.
Natigilan naman si Worst. Nasa kay Cianna na nga ang lahat ng mga katangiang hinahanap niya sa isang babae. Maunawain, mabait, gentle, naiintindihan siya at dependent sa kanya.
"Pero hindi ako gano'n. Bakit ko pipiliin ang taong may ibang babae bukod sa akin? Marami kayang naghihintay sa akin. Kahit ganito ako, madami ding nagkakagusto dito at pwedeng magiging loyal dito. Ganda ko kaya. Pero posibleng ayos lang kay Cianna na dalawa kami sa buhay mo dahil mana naman siya sa mama niya." Di tuloy alam ni Worst ang irereact. Mayabangan ba siya o magiguilty dahil mukhang natamaan siya sa sinabi ng dalaga.
Kaya ang ginawa niya, tinitigan lang ito.
"Wag kang tumitig ng gan'yan. Baka lalo akong gaganda sa paningin mo. Babangungutin ka pa kapag napanaginipan mo ako."
"Joke ba yon? Tatawa na ba ako?" Bara naman ni Worst.
Napanguso lang ang dalaga at di na pinansin pa ang lalaki.
***
BINABASA MO ANG
Cia, The Worst (Published)
Ficțiune adolescenți"She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all." Siya si Ciara na mula sa broken family. Lumaking masama ang ugali at palaging nasasangkot sa gulo kaya naman napilitan ang kanyang ina na ilipat siya sa paaralan kung saan nag-a...