(REVISED)
***
Nalilito na si Ciarra. Mahal niya si Worst. Mahal din siya nito. Pero hindi kaya mapapalitan ng galit ang pagmamahal ni Worst kapag matutuklasan nito ang mga kasalanang nagawa ni Ciannon sa kanya? Dahil dito, iniwasan na muna ni Ciarra si Worst. Higit sa lahat, kailangan pa niyang tapusin ang pag-aaral niya. Bumalik siya sa America na hindi ipinaalam kay Worst. May kulang pa kasi siyang dalawang taon sa pag-aaral ng business management. Business management kasi ang kinuha niya no'ng malipat siya sa America.Naging tahimik ang buhay niya sa America. Walang Worst na nagparamdam sa kanya na ikina-disappointed niya. Lumipas din ang mga araw at dumating na rin ang graduation day niya.
Lumabas na siya sa kanyang condo para sa pagdalo sa kanyang graduation ceremony. Nalulungkot siya dahil busy daw ang step-dad niya at nasa hospital din ang kambal niyang half siblings kaya hindi din makakadalo ang kanyang ina. Nasa business trip din ang kuya niya. Inaasikaso kasi nito ang negosyong ipinatayo nilang magkakapatid. Kaya malungkot siyang lumabas ng kanyang apartment. Sasakay na sana siya sa kanyang kotse nang may humintong kotse sa tapat niya.
"Halika na." Sabi ng lalaking lumabas sa nasabing kotse.
"Zeg?" Gulat niyang sambit. Ngiti lamang ang sagot ni Worst at inalalayang makasakay ang dalaga.
Si Worst ang kasama niyang pumunta sa venue. Hindi niya inaakalang naghihintay pala ang buong pamilya niya.
"Ate Ara." Tawag sa kanya ni Neara at agad siyang niyakap. Sumiksik naman si Christan na sa pagitan nila dahil namimiss din ang ate niya.
"Teka. Bakit kayo nandito? Di ba may sakit kayo?" Ni-check agad ang mga noo ng dalawa.
"Gusto ka lang namin surpresahin." Nakangiting sagot ng ina.
"Bawal na muna ang drama ha, hindi pa tapos ang graduation ceremony." Sabi ni Doctor Christian.
Nakita din ni Ciarra ang ama maging ang kanyang Tita Claris at ang half-sister na si Cianna. Si Crizan ang nag-escort sa kanya sa pagkuha ng diploma dahil matagal na nitong pinangarap na magiging escort ni Ciarra sa pagkuha ng graduation diploma nito.
Nag-celebrate ang buong pamilya pagkatapos ng graduation ceremony.
"Congratulation Ciarra." Pagbati ni Cianna.
"Salamat." Isang ngiti ang ibinigay sa half-sister.
Matagal ng nagkaayos ang mama niya at Tita Claris niya. Kaya lang nag-divorce na sina Crizan at Claris. Nalulungkot man siya para sa ama pero wala siyang magawa kung ito na nga ba ang kapalaran ng ama. Ang hiwalayan ng asawa. Kasi naman, kahit si Claris ang kasama si Charis naman ang iniisip. Kaya naman pinalaya na lamang siya ni Claris.
"O pano. Aalis na kami. Zhian, ikaw na ang bahala sa kapatid ko." Sabi ni Ciannon.
"Ano? Bakit siya pa kuya?"
"Wag kang mag-alala bro, ako na ang bahala a kanya."
"Mauuna na ako sayo Ciarra dahil may business meeting pa ako after this. Bye bye." Sabay sakay ng kotse niya.
Napatingin si Ciarra sa ina at step dad. Balak niyang sasama sa kanila sa pag-uwi.
"May ime-meet pa kasi akong client anak kaya hindi pa ako makakauwi." Sabi din ni Christian.
"May pupuntahan pa kami ng mga kapatid mo kaya mauuna na kayo ni Zhian. Pwede ka naman niyang dalhin sa bahay kung ayaw mong umuwi sa condo mo." Sabi naman ng ina.
"Ikaw na ang bahala sa anak ko Zhian. May pupuntahan pa ako kaya mauuna na ako sa inyo." Sabi naman ni Crizan.
"Let's go." Yaya ni Worst at nagpaalam na kina Charis at sa iba pa.
Nang tumigil ang kotse sa tapat ng condo ni Ciarra, agad siyang bumaba.
"Umuwi ka na. Matutulog ako." Sabi niya makitang sinundan siya ni Worst. Nagtampo nga kasi siya dahil di man lang ito nagparamdam sa kanya tapos bigla-bigla na lamang susulpot. Inaakala niyang mag-eexplain si Worst pero umuwi nga na lalong ikinasimangot niya.
Kinabukasan, nagtungo na siya sa bahay ng stepdad niya kung saan naninirahan ang kanyang ina at ang mga kambal niyang kapatid.
Ilang araw ang lumipas, wala na namang Worst na nagparamdam. Hanggang sa isang araw, tinawag siya ng ina.
"Ciarra, may bisita ka."
"Sabihin mo wala ako."
"Nasabi ko ng nandito ka."
"Sabihin mo tulog ako."
Hindi siya lumabas ng kwarto sa oras na iyon. Pero nang makaramdam ng gutom, lumabas na rin siya sa kanyang kwarto. Nabigla pa siya makita ang lalaking nasa sala.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat niyang tanong.
Inaakala kasi niyang umuwi na ito. Nagsialisan naman sina Charis at Christian at hinila pa ang dalawang bata papasok sa kanilang kwarto.
"Kumain ka na."
Hindi siya sumagot at nagtungo na sa dining hall.
"Nginingiti-ngiti mo?" Tanong niya makitang nakangiti ang lalake.
"Di a." Tanggi ni Worst.
Napausod si Ciarra nang tumabi si Worst sa kanya.
May nakahanda ng mga pagkain sa mesa. Kumuha si Ciarra ng orange at binalatan.
Inagaw ni Worst ang orange at ito ang nagbalat. Pagkatapos balatan inabot ulit niya kay Ciarra.
"Gentlemen ka pala? Di ko yon alam."
"Hindi a. Para kaya to sa akin." At sinubo ang tinipak na orange. Sinamaan siya ng tingin ng dalaga.
Bigla namang tumawa si Worst.
"Ang cute mo palang magtampo."
"Sinong nagtatampo?"
"Sorry na. May usapan kasi kami ng kuya mo."
"Hindi ko tinatanong."
"Sinabi niyang 'wag daw muna kitang guluhin habang nag-aaral ka pa kaya hindi kita nilalapitan." Naglagay ng pagkain sa plato.
"Kumain ka na. Ako ang nagluto niyan para sayo."
"Kaya pala ang panget ng lasa."
"Di mo pa nga natitikman e."
"Hula ko lang."
Sinubuan ang dalaga.
***
BINABASA MO ANG
Cia, The Worst (Published)
Подростковая литература"She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all." Siya si Ciara na mula sa broken family. Lumaking masama ang ugali at palaging nasasangkot sa gulo kaya naman napilitan ang kanyang ina na ilipat siya sa paaralan kung saan nag-a...