Third person's p.o.v
Lumabas si Ciarra sa kwarto na katatapos lamang maligo. Naratnan niyang nakaupo si Worst sa sala.
"Hoy, Zeg! Di mo man lang ako ipapasyal? Ang boring dito o." Sabi niya. Dalawang araw na kasi siyang nakakulong sa bahay na to.
"Who's Zeg?" Nakakunot ang noong tanong ni Worst pero deep inside ang bilis ng tibok ng kanyang puso.
"Ikaw malamang, Zhian Earl Greene." Nahuli naman ng dalaga na napangiti ang binata pero sandali lang iyon dahil nag-poker face agad.
"Sige, magpapalit lang ako." Mabilis na sagot ni Worst at tumalikod na.
"Si Pain ang gusto kong makasama, hindi ikaw." Sagot ni Ciarra na ikinasama ng tingin ni Worst.
"Joke lang. Ito naman, di na mabiro." Takot lang niyang magbago ang isip ni Worst.
Bumalik na si Ciarra sa loob ng kwarto at nagpalit ng damit. Isang white sleeveless shirt at black maong short lang ang suot.
"Bakit ganyan ang suot mo? Magpalit ka." Nakaporma nga kasi si Worst. Naka-tuxedo pa tapos yung kasama naka-sleeveless at short pants lang? Ayos lang sana kung mahaba ng kunti e sobrang ikli kasi ng maong short na suot. Nilagpasan lamang siya ng dalaga na ikinamura ng lalake sa inis.
"Kung ayaw mong makita ang suot ko wag mong tingnan."
"Magpalit ka o ila-lock kita?" Tanong ni Worst. Tititigan lamang siya ni Ciarra.
"Ito ang gusto kong suotin. Kung ayaw mo sa ganito bahala ka sa buhay mo. Wag mo 'kong pakialaman. Ayaw ko sa relasyon dahil ayaw kong pinapakialaman sa lahat ng mga gusto kong gawin. Pero kung gusto mong palaging ikaw na lamang ang masususnod..." Pabitin na sabi ni Ciarra at tiningnan ang suot ng lalake. "e di magshort ka nalang din, para di ka na mainggit sa suot ko."
Nagpigil naman agad ng tawa sina Pain, Disaster, Hurt at Dark na nasa labas.
"Aish!" Napasabunot si Worst sa kanyang buhok at bumalik sa kanyang kwarto saka nagpalit ng simpleng T-shirt at pants.
***
Sa kotse...
"Yung utang mong one billion sa akin di mo pa nababayaran. Send mo nalang sa aacount ko." Sabi agad ni Ciarra nang makapasok sila sa kotse ni Worst.
"Akala ko ba di mo na yon kailangan?" Sagot din ni Worst.
"Sino ba ditong hindi nangangailangan ng pera? Di lang kita nasingil dahil nagmamadali akong umalis."
Hindi na kasi niya 'yon inisip dahil ang gusto lang niya sa mga panahong iyon ay ang makaalis.
Inaakala ni Ciarra na boring kasama ang cold na lalaking ito, pero hindi pala. May pagka-sweet din pala ito at thoughtful pa.
Nanonood sila ng sine nang makaramdam ng lamig si Ciarra. "Sinabi ng wag magsuot ng ganyan e. Ayan tuloy." Pinatungan ng jacket ang mga balikat ng dalaga.
"Nauuhaw yata ako." Sambit ni Ciarra. Inabutan naman siya ng soft drinks ni Worst.
"Water ang gusto ko."
"Sandali. Bibili ako." Lumabas muna ito at pagbalik may dala ng bottled water.
Matapos uminom si Ciarra pinunasan ni Worst ang natitirang tubig sa gilid ng labi ng dalaga.
Pinayungan siya ni Worst no'ng lumabas sila na may ulan. Inayos ang lace ng sapatos niya nong matanggal ang pagkakatali niya rito.
"Gutom ka na ba? Gusto mo kumain na muna tayo?" Tanong ni Worst.
"Magsashopping muna tayo." Sagot ni Ciarra.
Si Ciarra ang tagabili, si Worst naman ang taga-bayad. Siya na din ang taga-bitbit.
"Tingnan mo, bagay ba sa akin?" Tanong ni Ciarra nang isuot ang sinusukat na pulang blusa.
"Sobrang ikli. Mas bagay sayo yung white."
"Okay."
Namimili na si Ciarra ng mga sapatos nang may tumawag kay Worst.
"What!" Iritadong sagot niya sa sinumang tumawag sa kanyang cellphone.
Pero ilang sandali pa'y napalitan ng pag-alala ang tono ng boses nito.
"Okay. Wait for me. I'll be there." He said then hanged up. Nilingon si Ciarra at nagpaalam.
"MamiliMamili ka muna ng gusto mong bilhin. Babalik ako agad." Sabi nito at tinawagan si Dark para magbabantay kay Ciarra.
Gumala na lamang siyang mag-isa. Halos malibot na niya ang buong mall pero di parin nakabalik si Worst. Kung wala lang si Dark baka kanina pa siya tumakas. Kaso iniisip niyang baka mapaparusahan pa si Dark nang dahil sa kanya kaya kinalimutan na lamang niya ang balak na tumakas. Saka mabait din naman si Worst sa kanya and so far, wala pa naman itong ginawang masama sa kanya.
Three hours passed pero wala parin si Worst. Nakaramdam na siya ng gutom kaya naghanap na lamang ng fast food chain. Gusto niyang yayain si Dark kaso lumalayo ito kapag nilalapitan niya. Inutusan kasi ni Worst na wag lalapit kay Ciarra. Susundan lang niya ito at sisiguraduhing magiging ligtas ngunit bawal lapitan at kausapin. Kaya naman dumidistansya ito kay Ciarra.
Napadaan si Ciarra sa isang coffee shop. At dito nakita niya si Cianna na may kausap. Ilang sandali pa'y niyakap ang kausap nito. Nang makalapit ng kunti si Ciarra sa gawi nila, natuklasan niyang si Worst aka Zeg pala ang kasama ni Cianna.
"Kaya naman pala nagmamadali siyang umalis dahil kailangan siya ng mahal niya."
Nakaramdam na naman siya ng kirot sa puso. Hindi man niya aaminin pero umasa siya. Umasa ang puso niya na baka mahal siya ni Worst ng buong-buo. Kaso malayo sa katotohanan ang pag-aakalang iyon. Dahil nasa harap na niya ang ebidensya.
"May pakidnap-kidnap pang nalalaman e iba naman pala ang gusto." Sambit na lamang ni Ciarra at tumalikod na.
***
BINABASA MO ANG
Cia, The Worst (Published)
Подростковая литература"She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all." Siya si Ciara na mula sa broken family. Lumaking masama ang ugali at palaging nasasangkot sa gulo kaya naman napilitan ang kanyang ina na ilipat siya sa paaralan kung saan nag-a...