Napadaan ako sa isang hallway at hindi inaasahang makita ko sina Cianna at Worst na magkasama at magkayakap pa.
"Salamat Worst. Salamat." Biglang niyakap ni Cianna si Worst. Ilang sandali ang lumipas, niyakap na rin ni Worst si Cianna.
Bakit gano'n? Bakit ako nasasaktan? Hindi niya sinabing mahal niya si Cianna pero bakit ang sakit naman nitong aking nadarama? Tumalikod na lamang ako at nagkunwaring walang nakita. Pinilit kong maging ayos ang aking paglalakad dahil ayaw kong may makahalatang ang sikip-sikip ng aking dibdib. Kaya lang bakit parang ang sarap yatang umiyak?
Sabi niya mahal niya ako pero bakit magkayakap sila ngayon? Baka naman gusto lang niya ako pero mas mahal niya si Cianna. Katulad lang din siya kay papa. Pero kasalanan ko din naman talaga dahil hinayaan ko siyang mapunta sa iba
"Ciarra!" Muntik na akong matisod marinig ang tawag ni Worst. Naku naman, nahuli pa yata ako.
"Ciarra!" Lalo lang kumirot ang puso ko marinig ang boses na yon.
Kung wala na talaga siyang feelings para kay Cianna bakit niya niyakap pabalik? Kahit ano palang mangyari, matutulad talaga kami ni Cianna sa buhay nina mama Charis at Claris. At ayaw ko sa buhay na 'yon. Higit sa lahat, ayaw kong marinig sa huli ang katagang 'mahal kita ngunit mas kailangan niya ako.' O baka naman ang salitang 'mahal kita ngunit mas mahal ko siya.' Ayaw ko sa mga katagang 'yon. Nagpatuloy na lamang ako sa paglakad. Kahit na nagmumukha na akong bitter ex-gf.
Hindi ako humarap at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. Ayaw kong makita niyang tumulo ang aking luha. Kaya lang, ang bilis niyang maglakad at naramdaman ko nalang ang paghila niya sa aking braso at pinaharap sa kanya.
"Don't be like that please." Pilit na sabi niya na wari nahihirapang sabihin ang mga katagang iyon.
Gusto ko mang pigilan ngunit lalo lamang tumulo ang mga luha ko. Pinahid ko ang aking luha at pinagmasdan siya.
"Don't mind me." Pilit kong pinakalma ang aking sarili para hindi magiging paos ang aking boses. Hindi kami pwede. Hindi maaaring maging kami. At di ako dapat makaramdam ng ganito.
"But you're not okay."
"I'm fine." Sagot ko at tatalikod na sanang muli.
"No. You're not. You're crying."
Nag-ipon muna ako ng lakas bago muling nagsalita.
"Hindi ako ayos dahil nakikita kita. Kaya kung gusto mong magiging ayos ako please, layuan mo na ako." Sagot ko at marahas na inalis ang mga kamay niya sa aking mga braso. Gusto ko namang sapukin ang sarili ko. Halata na ngang nasasaktan ako tatanggi-tanggi pa.
Akala ko bibitiwan niya ako at hahayaan ng makaalis. Pero niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"Ginagawa ko ang lahat ng ito dahil iyon ang gusto mo. Pinilit kitang iwasan dahil iyon ang hiling mo. Dahil ang gusto ko ay ang magiging masaya ka at hindi ang makita kang lumuha Ciarra. Pakiusap, sabihin mo lang na gusto mo din ako. Gagawin ko ang lahat para sayo." Nagsusumamo niyang sambit na lalo lamang nagpapasikip ng aking dibdib.
"Kung magkakagusto ka man, wag kay Worst. Pakiusap." Ang naalala na naman niyang sabi ng kuya.
"Hindi kita gusto. Hinding-hindi ako magkakagusto sa ex ng half-sister ko." Hinding-hindi ko susundin ang yapak ng mga magulang ko. Kung magkakagusto man ako, hindi dapat sa taong minsan ng naging parte sa buhay ng kapatid ko.
Ayaw kong danasin ng future anak ko ang nararanasan ko. Ayaw kong magkaroon ng pamilyang katulad sa pamilya ko. Ganito ako kaduwag. Duwag akong magtiwala. Duwag akong ibigay ang aking pagmamahal kahit na alam kong nahulog na ako.
Pero iniisip kong ngayon lang to. Makakalimutan ko rin ang lalaking ito. Kumalma na rin ang puso ko kaya nang lumuwag ang pagkakayakap ni Worst sa akin tinanggal ko agad ito at pinagmasdan siya diretso sa mata.
"Hindi kita magugustuhan. Kaya hayaan mo na ako. Umiyak lang ako kanina pero hindi dahil sayo. Kaya wag kang umasa."
"Dahil kapag nakikita kita lalo na si Cianna, naalala ko lang ang sakit na ipinaramdam nila sa akin." Sabi ko at tinalikuran na siyang muli. Hindi na rin siya muling nagsalita pa.
Pinigilan ko ang muling paninikip ng aking dibdib nang maalala ang malungkot niyang mga mata. Ang mga matang wari may kinikimkim na matinding sakit at lungkot.
Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na sa paglakad. Hindi ako dapat makadama ng ganito. Ayokong mahulog at matulad kay mama. Ayaw kong masaktan nang dahil sa pag-ibig. Pero bakit sobrang sikip ng aking dibdib?
Kailangang kong ibalik ang dating ako. Ang dating Ciarra na na walang pakialam sa paligid. Walang inaalala at walang kinatatakutan. Ang Ciarrang kahit patalim ay hindi inaatrasan.
Pinagmamasdan ang mga madadaanang magkakasintahan. May mga nagsasabing mahal nila ang isa't-isa pero hindi naman makatingin ang lalaki diretso sa mata sa babaing sinasabihan niya na mahal niya. Yung isa naman sinasabi na ikaw lang talaga at walang iba pero nang makita akong napadaan sa gawi nila, di na maiaalis ang mga mata.
Ganito ba talaga? Kahit nahahalata ng iba na niloloko sila ng minamahal nila, hindi ito nakikita ng nagmamahal? Magkakatuluyan ba ang mga ito o pagtaksilan lang din sa huli? May magmamahal din ba sa akin ng tapat at totoo? Paano ko malalaman kung takot akong sumugal?
Sobrang mahal ni papa si mama. Sobrang bait ni mama sa kapatid. Sobrang nagmamahalan at halos di mapaghihiwalay ang magkapatid. Pero bakit nagawa nilang lokohin si mama? Hindi pare-pareho ang mga tao pero takot parin itong aking puso. Takot akong umibig at magtiwala. At ayaw kong maulit ang anumang nangyayari sa aming pamilya. Ayokong mahulog sa taong minsang naging bahagi sa buhay ng aking kapatid. Pero pano kung ang mapipili ko sa hinaharap mahuhulog din sa kanya sa huli? Mauulit at mauulit parin ang dati?
Hanggang kailan ako iiwas? Hanggang kailan ako matatakot? Hindi pwede to. Lahat nakayang magsaya. Bakit di ko yon gagawin?
Magiging masaya na din ako. Pagkaalis ko sa lugar na ito. Magiging masaya na din kami nina mama at Kuya. Tama. May mama na ulit ako. At may kuya na din ulit.
***
BINABASA MO ANG
Cia, The Worst (Published)
Fiksi Remaja"She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all." Siya si Ciara na mula sa broken family. Lumaking masama ang ugali at palaging nasasangkot sa gulo kaya naman napilitan ang kanyang ina na ilipat siya sa paaralan kung saan nag-a...