✓CTW20: Be sweet

3K 112 4
                                    

(REVISED)

***

Hawak kamay na nagtungo ang dalawa sa cafeteria. Kaya nakatutok na naman ang tingin ng lahat sa kanilang dalawa.

"Be sweet to me." Bulong ni Worst sa tainga ni Ciarra. Bahagya pang dumampi ang labi niya sa tainga ng dalaga na ikinasama ng tingin nito sa kanya.

Humila ng upuan si Worst at pinaupo doon ang walang imik na si Ciarra. Humila na din ng mauupuan nito.

Kasama nila sa table sina Pain, Hurt at Disaster. Walang imik ang tatlo na nakatingin sa kakaupo lang na bagong mag-couple.

"Orderan mo 'ko ng pagkain bilis-awts!" Napangiwi si Worst dahil bigla na lamang siyang nahampas sa ulo. "Boyfriend mo ako kaya dapat sweet ka-" hindi natapos ang sasabihin dahil sa talim ng tingin ni Ciarra.

"Girlfriend mo ako di ba? At hindi utusan. Magre-requestt ka pang maging sweet ako sayo kung ganyan kasama ang ugali mo." Pabulong na pasigaw na sabi ni Ciarra habang ang talim ng tingin kay Worst.

"Bakit parang ibang Worst ang kasama natin ngayon?" Bulong ni Hurt kay Pain. Hindi naman kasi ganito ang cold at hindi palasalita nilang boss. At hindi mo rin maaaring sagut-sagutin.

Si Cianna naman kino-comfort ni Lion makitang hindi nito ginagalaw ang pagkain. Nasanay na sila sa araw-araw na bangayan nina Worst at Ciarra. At alam nilang palaging si Ciarra ang nagwawagi at si Worst ang palaging natatamaan.

Alam nilang hindi alam ni Worst kung paano maging malambing sa girlfriend dahil palage namang si Cianna ang gumagawa ng mga dapat gawin dati. Ang naghahatid ng pagkain ni Worst. Ang nag-oorder ng mga paborito nito. Naglalagay ng pagkain sa plato at naglakas ng loob na subuan ang cold na lalake.

Dati, nakikita niya ang tuwa sa mga mata ni Worst kapag may effort siyang ginagawa para rito. Hindi din siya nito kailanman pinagtataasan ng boses. Sa kanya lang din ngumingiti at tumatawa si Worst. Kaya natutuwa siya dahil inaakala niyang special siya para sa lalake Pero ngayon, hindi na siya nito pinapansin. May kasama pang iba. Hindi man ito nakangiti kasama si Ciarra pero nakikita niya kung paano sila maglandiang dalawa. Parang aso't pusa nga lang. Pero ang sweet na nilang tingnan.

At kita nila kung paano magselos si Worst kapag may lalaking lumalapit kay Ciarra, tulad ngayon.

"Ciarra! Pasyal tayo maya ha!" Tawag ni Hawk na ka-table nina Cianna.

"O ba-"

"BAWAL!" Halos pasigaw na sagot ni Worst.

"Gusto ko ngang mamasyal." Angal ni Ciarra.

"Di nga pwede." Saka tiningnan ng masama si Hawk.

"Pwede ba Hawk. Tigilan mo na nga ang girlfriend ko. She is already mine." Mariing sabi ni Worst.

"I don't care." Walang pakealam na sagot ni Hawk.

Bigla namang ibinagsak ni Worst ang kamay sa mesa na muntik ng ikatumba nito at marahas na tumayo. Tumingin naman sina Hurt kay Ciarra na sinasabing pakalmahin si Worst. Dati kasi ginalit na ni Hawk ng ganito si Worst at nahihirapan namang pakalmahin ni Cianna pero kumalma din naman. Kaya lang, sa halip na pakalmahin lalo namang uminit ang ulo ni Worst sa sinabi ni Ciarra.

"Wag kang mag-alala Hawk. Hintayin mo nalang kung kailan kami mag-break."

Nalaglag tuloy ang panga nina Pain, Disaster at Hurt sa narinig. Bakit nga ba sila magpapatulong sa palaging rason ng pagiging badmood araw-araw ni Worst? Kung dati cold at ruthless si Worst nang umalis si Cianna, ngayon namang dumating si Ciarra, nagiging cold, ruthless, hotblooded at palage na lamang naninigaw. Well, ang lahat ng 'yon, thanks to this other Cia, who made there boss mood worst of all the worse.

"Hinding-hindi mangyayari yon." Sigaw ni Worst na nakakuyom ang kamao.

"Nagugutom na kaya ako. Kung ayaw mong kumain di bahala kang magutom. Pain. Penge nito ha." Kumuha ng pork chop sa plato ni Pain.

Si Pain na madilim din ang mukha kanina pa, ay lalong dumilim ang mukha.

"Wala bang hiya ang babaing to? Saan ba ang manners nito?"

"Kung manners tinatanong niyo, wala ako no'n." Sambit ni Ciarra. Muntik na tuloy mabilaokan si Pain. Paano nito nalaman ang iniisip niya? Halata ba sa hitsura niya?

"Why did you touched my food!" Singhal ni Pain.

Kakagatin na sana ni Ciarra ang pork chop nang tampalin ni Worst ang kanyang kamay.

"Madumi 'yan. Don't eat that."

"Gusto mo sayo na rin tong akin? Hindi ko pa to nahahawakan." Sabi naman ni Hurt kay Ciarra.

"Bakit? Masarap ba yang sayo?" Tanong ni Ciarra at itinaas pa ang leeg para makita ang laman ng plato ni Hurt.

"Syempre naman." Nagtaka na lamang si Hurt dahil sinamaan siya ng tingin ni Disaster.

"Bakit ba?" Tanong niya. Nang tingnan niya si Disaster saka pa niya napansin ang weird na mga tingin ng mga tao sa loob ng cafeteria. "May nasabi ba akong mali?" Nagtataka niyang tanong. Bakit kasi ang sama ng tingin ng boss niya sa kanya? At bakit ang weird ng mga tinging binibigay sa kanya?

"Nilalandi mo ang gf ng Boss mo sa harapan pa niya mismo?" Pabulong na sagot ni Disaster.

Bigla namang namutla si Hurt ma-realized ang mga salitang binitiwan nila ni Ciarra kani-kanina lang. Napalunok laway siya at gustong-gusto ng magtago.

"Boss! Wag mo kong tingnan ng ganyan. Wala akong ibang iniisip no'ng sagutin ko siya. Pramis talaga." Sambit niya sa isip.

Pero napatingin sila kay Ciarra nang tumunog ang tiyan nito. Kaya lang, tumunog din ang tiyan ni Worst. Sinamaan ni Worst ng tingin ang natatawang kagrupo bago tumayo at nag-order ng makakain.

***

Cia, The Worst (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon