Ciarra's p.o.v
Ako na yata ang pinakakomportableng kidnap victim. Malaya naman kasi akong gawin ang lahat maliban lang sa lumabas ng bahay na ito. Mabait din sa akin ang lahat ng mga katulong sa bahay na to.
"Ano ang tunay mong pangalan?" Tanong ko kay Worst. Nanonood kami ngayon ng palabas sa TV dito sa sala.
Pinagmasdan lang niya ako kaya naman tinaasan ko siya ng kilay.
"Don't tell me, nagkaka-interest ka na sa akin?" Bigla niyang tukso.
"Forget it." Sagot ko nalang. Kung ayaw niyang sabihin e di wag.
"Zhian. Zhian Earl Greene. Iyan ang tunay kong pangalan." Sagot niya.
Bakit sobrang pamilyar ng pangalan na yan? Baka narinig ko na dati kaso nakalimutan ko lang kung kailan.
"Pati apelyido mo di ko type." Sagot ko. Greene ba naman kasi. "Ciarra Verdal Greene. Ampangit. Kapag Mara Clinton Greene." Ampangit parin. Teka? Bakit ko dinudugtong ang apelyido niya sa pangalan ko? Hibang ka na talaga Ciarra. Hibang ka na.
"Hatid mo na ako sa bahay ko."
"May kidnapper bang hinahatid ang kinidnap pagkatapos?"
"Ang boring kaya dito. Balak mo ba talaga along ikulong sa lugar na ito."
"Makakalaya ka lang kung maikakasal na tayo." Makakalaya pa ba yon e matatali naman ako.
"Nakakainis ka na." Sabay taas sa upuan at akmang ihampas sa kanya.
"Hit me. I don't care. As long as I will not lost you." Sabi niya. Pasalamat lang talaga siya at di ko kaya.
Hindi ko alam ang isasagot sa taong to. Hanggang kailan ba niya paninindigan itong kidnap style niya?
"Kung ayaw mo akong mawala sayo, isipin mo naman ang nararamdaman ko. Ang damdamin ko. Wag mong pangunahan ang aking mga desisyon at hindi yung para akong robot na dapat sinusunod lahat ng gusto mo. Tao ako Worst. Tao at hindi bagay."
"Mas lalo kong gustuhing makawala sayo kapag ginaganito mo ako."
Kasi naman pinakaaayaw ko yung pinipilit ako. Ayaw ko nga ng pinagbabawalan ako tapos idadaan pa ako sa ganito ni di na lang patunayang karapat-dapat ba siya sa tulad ko?
"Magpahinga ka na muna. Mag-uusap na lamang ulit tayo bukas." Maya-maya pa'y sambit niya.
Hindi ko na lamang siya pinansin at nanonood na lamang akong muli. Magbabago din ang isip nito. Hintayin ko lang.
Another day passed.
"Ano ba yan? Wala man lang ibang damit dito? Pawang pang lalaki?" Kanina pa ako naghahanap ng maisusuot kasi wala akong makita.
Kwarto ba niya 'to?
Matapos makapagpalit, lumabas na ako ng kwarto.
"Ciarra?"
Nagulat ako makita ang nakablack-tuxedong lalake. Nagmukha na tuloy siyang gangster sa mga pelikulang napapanood ko.
"Pain?" Sambit ko at nakita ang mga kasama niya pa. Mga kagrupo ito ni Worst a.
"Akala namin tumakas ka." Sagot ni Pain.
"Kaya pala baliw na baliw si boss sayo." Pabulong na sambit ni Hurt.
"Lumabas kayo damn it!" Sigaw mula sa likuran. Kaya napatingin kami sa bagong dating.
"Para tingin lang sa legs niya nagdadamot-wah! Lalabas na!" Sabi ni Disaster at napatakbo palabas dahil akma siyang suntukin ni Worst.
"Bakit ka lumabas na ganyan ang suot ha?" Sigaw Nita sa akin.
"Sino bang nagdala sa akin dito na di man lang naghanda ng damit? Anong gusto mo magboxer ako?" Naka-polo lang naman ako na hanggang hita ang haba.
"Okey, okey. Pwede ba magtakip ka ng kumot." Hinarang niya ako at tinaboy ang mga kaibigan niya.
"Bilhan mo nalang kaya ako ng maisusuot, di yung tutunganga ka lang diyan." Makapang-utos naman ako, wagas. Kala mo may balak manatili.
"Si boss nautusan." Naghigh five sina Pain, Hurt at Disaster. Si Dark lang yata ang medyo seryoso sa Worst Gang na to. Akala ko ba nagsialisan na ang mga to pero ayon nakasilip pa pala sa labas ng pintuan.
"Parating na yon." Sagot ni Worst.
"Mabuti naman." Sagot ko at umupo sa couch saka nagcrosslegs. Binato naman ako ng kumot ni Worst na bumalot sa aking katawan.
"Dry your hair first." Sabi niya. Saka ko naalala na basa pa nga pala ang buhok ko. Hindi ako sumagot at niyakap na lamang ang kumot. Hindi ko to amoy a. Pero ayos lang. Mabango naman.
Kumuha siya ng tuwalya at pinunasan ang buhok ko. Siya na din ang nag-blower. Hindi ko tuloy maiwasang maisip na siya ang maalagang husband tapos ako yung pampered wife.
"Ano? Nahulog ka na ba?" He teased. Naglaho bigla ang ngiti ko sa tanong na yon saka siya sinamaan ng tingin.
"Asa." Sagot ko agad. Deny-deny lang Ciarra. Kasi naman e, tuksuin ba naman ako?
"I will make you fall for me." Bigla niyang sambit.
"As if mangyayari yon." Sagot ko naman habang dinadama ang pagsusuklay niya sa buhok ko.
"Mafo-fall ka din. Gagawin ko ang lahat para mahulog ka rin sa akin."
Fall mukha niya. Di ba niya alam na takot akong umibig? Ayaw kong maramdaman ng salitang pag-ibig. Paano kung mahulog ako sa kanya tapos sa huli marealize niyang mas mahal pala niya si Cianna? Iiwan din ba ako katulad sa nangyari kay mama? Mas pipiliin ng mga lalake ang mga mukhang delicate, weak at mga good girl at mga babaing umaasa sa kanila. Hindi ang mga may stubborn personality na katulad ko na hindi umaasa sa kanila.
Ayaw kong masabihan ng " I'm sorry but I love her more than you." Alam ba niya na noon pa man, nasaktan na niya ako? Palage na niyang ginagawa yon. Palage nalang wag mong kunin yan para kay Cianna.
Lahat nalang para kay Cianna. Tapos ngayon sasabihin niyang I will make you fall for me? Pagkatapos ano? Sasaktan lang din tulad ng iba?
Tingnan nalang natin kung hanggang saan ang pasensya mo. Baka isang araw ikaw na ang magsasabi na layuan mo ako.
***
BINABASA MO ANG
Cia, The Worst (Published)
Teen Fiction"She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all." Siya si Ciara na mula sa broken family. Lumaking masama ang ugali at palaging nasasangkot sa gulo kaya naman napilitan ang kanyang ina na ilipat siya sa paaralan kung saan nag-a...