Nakabalik naman agad si Worst.
"Anong nangyari?"
"May lumusob kasi sa hideout namin. Sinira lahat ng mga kagamitan sa buong paligid. May iniwan pa silang note na kundi daw kita lalayuan. Papatayin nila ang kapatid ko."
"May kapatid ka?"
"Meron."
"Gwapo din ba? Pakilala mo sa akin."
"Babae siya." Nakasimangot na sagot ni Worst. Nagpasalamat siya at babae ang kapatid niya. Baka magiging karibal pa niya ito kapag nagkataong lalaki din ito.
Naging maganda na ang pakikitungo ng bawat isa. Nagiging mabait at malambing naman si Worst, umamo naman kunti at naging masunurin na rin ang rebeliyosang si Ciarra. Hanggang sa isang araw, umatake na naman ang unknown gang na kumidnap noon kay Cianna.
Nagulat na lamang si Ciarra dahil nasa critical na kalagayan ngayon sina Worst at Cianna. Agad na nagtungo si Ciarra sa kung saan dinala sina Cianna at Worst. Naabutan niya sa Pain na nakatungo at nakaupo sa sahig.
"Bakit nanganganib ang buhay nilang dalawa? Niligtas na naman ba ni Worst si Cianna?" Umiling si Pain.
"Niligtas ni Cianna si Worst." Napakunot naman ang noo ni Ciarra.
"Papunta kami ni Worst sa students council office nang biglang tumakbo palapit si Cianna at bigla siyang niyakap. Saka namin narinig ang putok. Pero hindi tumigil ang nagpaputok at muling binaril si Worst."
"Nahuli niyo ba ang may gawa no'n?"
"Hindi. Pero mukhang alam ni Cianna kung sino. At alam niyang may nagbabalak ng masama kay Worst."
Naisip ni Ciarra ang misteryosong taong nagpadala sa kanya ng mensahe noon. Hindi niya alam kung sino pero may hinala siyang maaaring ang taong yon na naman ang may gawa nito.
Nakatanggap na naman siya ng mensahe.
Unknown number: Hindi mo dapat inaalala ang mga taong walang pakialam sa buhay mo.
Nanginginig ang mga kamay niyang nireplayan ang message na ito.
Ciarra: Baliw ka na. Wala kang mapapala sa pagkitil mo ng buhay.
Ciarra: Kung naging masama sila sayo, ano naman ang tawag sayo?
Unknown number: Sira na ang buhay ko Ciarra. Sinira nila ang buhay natin. ANG PAMILYA NATIN!
Kung naging masama man ako, iyon ay dahil sa kanila.
Napaatras si Ciarra sa nabasa. Ilang oras din siyang nakatulala. Umalis na muna siya sa hospital.
Dalawang araw ang nakalipas nang tumawag si Pain at sinabing nagkamalay na si Worst. Mabilis siyang nagtungo sa hospital.
"Kumusta na siya?"
"Pinatulog ulit ng doctor dahil nagwawala." Sagot ni Hurt.
"Ikaw na muna ang bahala sa kanya." Sabi naman ni Pain at nagpaalam na ang Worst gang kay Ciarra. Iiling-iling pang umalis ang mga ito.
Magdamag na binantayan ni Ciarra si Worst pero nang magising, ayaw nitong kumain hangga't hindi nito nakikita si Cianna.
"Kumain ka gago." Naiinis na siya. Kanina pa niya pinipilit kumain pero ayaw ng lalaki.
Nagpupumilit pang bumangon na ikinadugo ng sugat sa kanang dibdib. Pinigilan siya ni Ciarra pero ayaw makinig.
"Si Cianna. Gusto kong makita si Cianna."
"Ayos lang siya. Nasa kabilang silid. Kumain ka na muna." Maninahong sagot ni Ciarra at susubuan na sana si Worst.
"Gusto ko siyang makita." Tinanggal ang karayom na nakatusok sa isang wrist niya at tumayo. Inilapag na lamang ni Ciarra ang plato at kutsara bago sundan si Worst.
Naabutan niyang nagpupumilit pumasok si Worst sa kwarto kung nasaan si Cianna kaso hindi siya pinapapasok ng mga guwardiya ng mga Verdal.
"Papapasukin niyo ako." Sigaw nito sa tatlong mga lalaking nakaharang sa kanya.
Lalo namang dumugo ang sugat niya sa tagiliran. Napalingon siya kay Ciarra na nakatayo lamang habang pinapanood siya.
"Hindi pa maayos ang kalagayan mo. Bumalik ka na muna sa ward mo."
Pero nagpupumilit paring pumasok si Worst na parang hindi narinig ang sinabi ni Ciarra.
"Bahala ka sa buhay mo." Walang kabuhay-buhay na sambit na lamang ni Ciarra at umalis na. Nakasalubong sina Pain at ang Worst gang.
"Si Worst?" Tanong ni Hurt sa kanya.
"Bagay sa akin ang codename mo, alam mo ba yon?" Tinapik-tapik pa ang dibdib ni Hurt.
"Nandoon siya sa tapat ng ward ni Cianna. Ayaw magpaawat. Mahirap mag-alala sa taong walang pakialam sa nararamdaman ng iba kaya kayo na ang bahala sa kanya." Sabi niya at nilagpasan na sila.
Nagpatuloy naman sina Pain at naratnang nagpupumilit paring pumasok si Worst sa ward ni Cianna.
"Worst. Bakit ka lumabas agad?" Bungad agad ni Pain sa kaibigan at nanghingi ng paumanhin sa mga bantay ng mga Verdal.
Pinatulog na lamang nila ang lalaking ayaw magpaawat.
"Ciarra!" Tawag ni Hawk na kalalabas lang din ng hospital.
"Oh, mabuti at ayos lang kayo." Natuwa siya makitang ayos na si Hawk.
"Kaka-discharge lang din. Saan ka nga pala pupunta?" Sagot din ni Hawk na may ngiti sa mga labi.
"Lalabas. Hindi naman ako kailangan dito kaya mas mabuti ng umalis."
"Sabay na tayong maglunch. Akong bahala." Pag-aya ni Hawk na kumindat pa.
"O ba." Nakangiting sagot ni Ciarra at sabay na silang umalis.
Ilang araw na rin ang lumipas. Ayos na si Worst at busy ito ngayon sa pagbabantay kay Cianna na comatose parin hanggang ngayon. Habang busy si Worst sa pagbabantay kay Cianna sa hospital. Si Ciarra naman busy sa pag-aayos ng mga papeles niya para makapag-migrate sa ibang lugar. Lugar kung saan gusto niyang makalimot.
***
BINABASA MO ANG
Cia, The Worst (Published)
Teen Fiction"She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all." Siya si Ciara na mula sa broken family. Lumaking masama ang ugali at palaging nasasangkot sa gulo kaya naman napilitan ang kanyang ina na ilipat siya sa paaralan kung saan nag-a...