(REVISED)
***
Third person's p.o.v
Napalingon si Ciarra sa sinumang humila sa wrist niya at nakita ang madilim na mukha ni Worst. Napatayo naman ang Lion gang pero agad na humarang sa kanila ang Worst gang. Hihilahin sana ni Hail si Ciarra pero hinarang siya ni Hurt.
Napatingin si Ciarra kina Hail na mukhang handa ng makipagbugbugan, pero ayaw niyang may mag-aayaw dahil sa kanya. Kaya niya ang sarili niya kahit pa medyo lasing siya ngayon.
“I’m okay.” Sabi niya kay Hail para hindi na sila mag-alala pa. Nagpahila nalang din siya sa ex ng half sis niya. Gusto niyang malaman kung bakit siya nito hinila. At gusto niyang ilinaw rito na hindi siya ang Cia na ex nito.
Nakarating sila sa tapat ng itim na sasakyan at isinakay siya sa loob.
Pagpasok ni Worst agad niya itong tiningnan at sinabihan.
“I’m not the Cia na kilala mo.”
“So what!” Cold na sagot nito saka pinatakbo na ang kotse.
Napa-“what” na lamang ng di oras si Ciarra. Seryoso? Alam na nitong hindi siya si Cianna tapos basta-basta lang siya nitong hinila na parang jealous boyfriend?
But she doesn’t know why. Bakit parang pamilyar sa kanya ang lalaking ito? His eyes. His cold deep black eyes. Parang nakita na niya somewhere na di lang niya maalala. O baka dahil sa nakainom lang siya at inaantok na rin? Napailing siya.
At bakit parang di siya takot sa lalaking ito, instead she felt safe with him? Bakit gano'n? Hindi niya maiwasang magtaka sa sariling nararamdaman.
‘Na-attract kaya ako sa kanya o feeling close lang ako sa kanya? Naging kaibigan ko ba siya dati tulad ni Hail? Pero maliban kay Hail wala naman na akong naging kaibigan pa? O baka naman dahil lasing lang ako o dahil inaantok ako?’
Sa pag-iisip na iyon, ipinikit na lamang niya ang mga mata. Nagiging apat na din kasi ang tingin niya sa lalake kaya pumikit na lamang siya at ididilat na sanang muli ang mga mata kaso nadala siya ng antok at tuluyan ng nakatulog.
Hindi alam ni Worst kung saan dadalhin ang babaing kasama. Napasabunot siya ng buhok at napapatanong sa kanyang sarili kung bakit ba kasi niya biglang hinila si Ciarra? At ito pa, tinulugan siya. Ni hindi man lang nagiging nag-iingat sa kanya? Paano kung may gagawin siyang di maganda rito? O baka naman nagpapanggap lang itong tulog? Katulad ba ito sa ibang mga babae na kahit kanino na lamang sumasama?
Itinigil niya ang sasakyan sa tapat ng kanyang tinutuluyang bahay. May bahay siya malapit lamang sa paaralan at may yaya siya na nag-aalaga sa kanya simula pa bata ang kasama niya rito. May iilang maid din ang naririto.
Binuhat niya si Ciarra at ipinasok sa loob ng kanyang bahay. Hindi niya maiwasang mapamura makita ang maikling short nito. Samahan pa ng maputi at makinis nitong balat at magandang hubog ng katawan. Halatang alaga sa gym at model na model ang dating.
Nang mailapag na niya ang dalaga sa kama nagsimula na itong maglikot.
“Ang init.” Sambit pa ni Ciarra at itinaas ang suot na lose shirt na ikinamura ni Worst. Inayos nito ang damit ng dalaga para di makita ang anumang di dapat makita.
Kung nakita pa ng iba ang ginawa niya di nila maiwasang matanong kung siya nga ba ang Worst na kilala nila. Hindi mabait ang isang Worst at lalong-lalo ng hindi ito gentleman.
Nakapikit na bumangon si Ciarra.
“Ang init naman. Mama, pinatay mo ba ang electric fan?” Tanong pa nito at akma na namang huhubarin ang damit.
“Don’t try to remove that habang nakapagpigil pa ako.” Napakunot ang noo ni Ciarra dahil naging boses lalake ang boses ng kanyang ina.
“Mama, may manliligaw ka na pala?” Nakangiti nitong tanong na binuka ang mga mata. Napatulala ang lalaki habang nakatingin sa inaantok at mapupungay na mga mata ng dalaga. Pero napakunot ang noo ni Ciarra dahil hindi nakita ang kanyang ina. Blurred na mukha ng lalake ang nakikita niya.
“Manliligaw ka ba ni mama? Mabuti naman kung ganon. Sa wakas mawawala na rin sa isip niya ang taong ‘yon. Ingatan mo ang mama ko ha. Kapag sinaktan mo siya hinding-hindi kita mapapatawad.” Banta ng dalaga at tinuro pa si Worst.
Si Worst na napagkamalang manliligaw ng mama ni Ciarra ay napatagpo ang kilay. Bakit kasi pagkamalan siyang manliligaw at sa ina pa nito? Ina talaga? Mukha ba siyang matanda? Pero hindi niya maiwasang matulala kanina makita ang ngiti ng dalaga. Gustong-gusto niyang makita ang ngiti nito kaya lang saglit lang dahil pumikit na ulit at humiga sa sahig na mismo.
“Hey! Bakit diyan ka matulog?” Gigisingin sana niya ito pero nasipa siya.
“Ano ba! Wag disturbo.” Reklamo pa nito na nakapikit parin. “Gusto ko dito, malamig.”
“Hindi nga pwede dahil sahig yan.” Sagot niyang nakangiwi habang hawak ang tiyan na nasipa.
“Wag ka ngang malikot. Ibabalik kita sa kama.” Nilapitan niya ulit si Ciarra at binuhat.
“Papa, bakit ka umalis? Namimiss kita kahit na galit ako sayo.” She murmured at may luhang tumulo mula sa nakapikit na mga mata. Natigilan tuloy si Worst. Parang may tumusok sa puso niya. Parang may kamay na pumiga sa bato niyang puso na di niya inaasahang makakaramdam siya ng ganito.
“I hate you! But I miss you.” Muling sambit ni Ciarra at tuluyan ng nakatulog.
Maingat niyang binabang muli sa kama si Ciarra at pinunasan ang luha nito sa mga mata.
Tinitigan niya ang maamo nitong mukha. “Maamo din pala itong tingnan pag natutulog.” Sambit niya pa. Ilang sandali pa'y tinawag ang yaya.
“Yaya, pakibihisan ang babaing to. Yung T-shirt ko ang gamitin mo.” Sabi niya at may naisip na kapilyuhan. Gusto niyang malaman kung ano ang magiging reaksyon ng babaing to pagising bukas.
***
BINABASA MO ANG
Cia, The Worst (Published)
Teen Fiction"She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all." Siya si Ciara na mula sa broken family. Lumaking masama ang ugali at palaging nasasangkot sa gulo kaya naman napilitan ang kanyang ina na ilipat siya sa paaralan kung saan nag-a...