Ilang sandali pa'y may lalaking tumawag sa kanya.
"Ciarra?" Tawag ng lalaking nakasalubong niya.
Napatigil naman si Ciarra na pilit na kinikilala ang lalaking paparating.
"Hail?" Patanong niyang tawag.
"Ikaw nga." Masiglang sambit ni Hail at niyakap pa siyang bigla.
"Woah! Di kita nakilala. Lalo kang gumawapo." Nakangiting puri niya sa lalake.
"Syempre naman, ako pa. Ano? Nainlove ka na ba sa kagwapuhan ko ngayon?" Sabay poge pose niya.
"Mukha mo."
"Hahaha. Joke lang. Pero ikaw din, lalo kang gumanda."
"Syempre naman. Ako pa." Panggagaya niya sa tono ng boses ni Hail kanina. Sabay namang nagsitawanan ang dalawa.
Sabay na kumain sa isang fast food chain at nagkwentuhan. Ilang sandali pay nagpaalam na si Hail pagkatapos.
Pagkalabas ni Ciarra, sumalubong agad sa kanyang paningin ang nakatagpo ang kilay na lalake.
"Hindi ba sinabi kong maghintay ka?" Galit na tanong ni Worst.
"Ikaw kayang paghintayin ng mahigit na apat na oras?"
"At dahil lang don makipaglandian ka na sa iba?"
"Bakit ka nangingialam kung makipagkita ako sa iba? Bakit di mo tingnan ang sarili mo kung karapat-dapat ka ba sa katulad ko?" Sagot ni Ciarra at nilagpasan ang lalake. Tumigil ito sandali at muling nagsalita.
"Hindi kita kailangan. Kailangan ka ni Cianna. Pwede bang doon ka nalang sa kanya?"
Sa may pintuan naroroon ang isang lalake at natigilan ito nang marinig ang sinabi ni Ciarra.
"Ang mga katagang iyan. Iyan din ang katagang binitiwan ni Charis sa akin."
"Kaya ka ba nakipagdate kay Hawk dahil hindi mo ako kailangan?" Sabi ng lalaki.
'Kaya ka ba nakipagdate kay Christian dahil di mo ako kailangan?'
"Bakit parang ako at si Charis ang dalawang magcouple na yan?" Sambit muli ng lalake sa isip.
"Hindi ko kailangan ang taong iiwan ako at paghintayin sa wala. Hindi ko kailangan ang taong ako ang kasama pero may iniisip na iba. Doon ka nalang sa mas kailangan ka. Mas kailangan ka niya." Cold na sagot ng dalaga at bahagya namang kumalma si Worst.
"You saw us?"
"Ayaw ko na iwasan mo si Cianna nang dahil sa akin. Mas mabuti pa ngang ako ang iwasan mo kaysa sa kanya."
"Wala ng namamagitan sa aming dalawa. Niyakap lang niya ako kanina dahil nahihirapan na siya. I'm sorry. Hindi na 'yon mauulit pa."
Ngumiti naman si Ciarra. Ngiting may halong pait.
"Pinipilit mo akong pakasalan ka. Paulit-ulit mong sinasabing mahal mo ako. Pero kahit minsan ba naisip mo rin ang mararamdaman ko? Isipin mo naman ang mararamdaman ko Zeg. Kahit minsan ba kinokonsidera mo ang feelings ko? Naitanong mo ba sa sarili mo kung bakit di kita maaring mahalin? Kung nakakasakit ka na ba ng damdamin?"
"Unang-una ayaw kong saktan si Cianna. Hindi ko man sinasabi pero ayaw kong masaktan siya nang dahil sa akin. Ayokong ako ang susunod sa papel nina mama at tita Claris. Ayaw kong agawin ang taong minahal ng sarili kong kapatid. Ayaw kong sumunod sa papel ni mama at ayaw kong may buhay na makakaranas sa anumang naranasan ko at ni mama. Ayaw kong maulit ang dati Zeg."
"Paano kung mahulog ako sayo pagkatapos, kailangan ni Cianna ng kausap at taong masasandalan. Kaya mo bang hayaan siya kapag hihingi siya ng tulong sayo? Hindi ka ba makakaramdam ng guilt kapag pinabayaan mo siya lalo na kung ikaw ang dahilan sa kalungkutan niya?"
"Kapatid ko parin siya at nasasaktan din ako kapag nasasaktan siya. Oo masama ako sa paningin ng iba. Wala akong pakialam, iyon ang inaakala nila. Pero hindi ko gustong maging karibal ang sarili kong kapatid. May pinagsamahan na din kayo, posible bang hindi ako masasaktan kapag makikita kong mahalaga parin siya sayo? Posible bang hindi siya masasaktan kapag nakikita niyang magkasama tayo? Paano ako sasaya kong nasa puso ko ang guilt? Paano ako sasaya kung paulit-ulit ko ring mararamdaman na may iba ang nilalaman niyang puso mo? Ayaw kong iwasan mo siya para lang hindi ako masaktan, pagdating ng panahon."
"I'm sorry. Alam kong hindi ko alam kung paano maiparamdam sa taong mahal ko kung gaano ko siya kamahal. Misunderstanding lamang ang nakita mo kanina. At saka hindi si Cianna ang kausap ko kanina. Nagkataon lang na nandoon din si Cianna. Humiling siya ng yakap sa akin sa kahulihulihang pagkakataon kaya naman pinagbigyan ko siya." Sagot ni Worst sa kanya.
"Mas kailangan ka ni Cianna. Hinding-hindi siya masasaktan kung hindi mo lang sana ako nakilala. Kung hindi lang sana ako lumipat sa Xiongfa University, e di sana'y hindi na mangyayari sa inyo ang bagay na to. Nagiging hadlang lamang ako sa pag-iibigan niyo, kaya pwede bang itigil na natin to? Mahal ka niya. Hindi ka na makakakita pa ng babaing katulad niya kung magmahal kaya maaari bang wag mo na siyang saktan pa?"
"Iniisip mo ang iba. Minsan ba iniisip mo rin ang sarili mo? Paano mo mapapansin ang mga taong tunay na nagpapahalaga sayo kung mismong ikaw walang pakialam sa sarili? Mahal kita pero paano mo iyon mapapansin kung sarili mo nga hindi mo kayang mahalin?"
"Ang gusto ko lang ay ang taong walang kinalaman sa kahapon ni Cianna. Kaya sana maintindihan mo ako." Sagot ni Ciarra.
Naikuyom naman ni Worst ang kamao. Ipinikit na lamang ang mga mata.
"Umalis ka na." Maya-maya pa'y sambit niya.
"Gusto mong umalis di ba?" Umalis ka na habang Kaya ko pang itaboy ka.
"Okay." Sagot ni Ciarra at tinalikuran na ang lalake.
Si Crizan naman naestatwa sa kinatatayuan. Magkaparehong-magkapareho kasi halos lahat ng mga katagang binitiwan ni Ciarra sa mga sinabi ni Charis sa kanya noon.
Sina Charis at Ciarra ang tipo ng mga taong kunwari walang mga pakialam at kunwari malakas at matapang. Nagsusungit-sungitan. Pero sa kabila ng mga salitang lumalabas sa mga bibig nakatago ang malalambot na puso at mas inuuna ang iba kaysa sa sariling kapakanan.
"Mahal ka ng kapatid ko. Kailangan ka ng kapatid ko. Kung pinatulan mo siya kailangan mo iyon panindigan." Iyon ang huling sinabi ni Charis noon kay Crizan nang ibigay nito sa kanya ang divorce paper.
Nasaktan siya dahil hindi siya pinaniniwalaan ng asawa. Hindi niya alam na may nangyari sa kanila ni Claris at kahit kailan wala siyang balak pagtuhugin silang magkapatid. Kaya lang desidido ng makipag-divorce si Charis sa kanya. Iyon pala ay dahil sa pag-aalalang magpapakamatay si Claris.
Si Cianna naman nanonood lang. Rinig na rinig niya ang buong pag-uusap nina Worst at Ciarra kanina. Hindi niya inaakala na ang lahat ng ginagawa ng half-sister na inaakala niyang walang ibang gustong gawin kundi ang pahirapan siya at magantihan, iyon pala ay iniiwasan nito ang taong minamahal para lamang sa kanya.
***
BINABASA MO ANG
Cia, The Worst (Published)
Teen Fiction"She is an angel and he's the bad guy. But I am the worst of them all." Siya si Ciara na mula sa broken family. Lumaking masama ang ugali at palaging nasasangkot sa gulo kaya naman napilitan ang kanyang ina na ilipat siya sa paaralan kung saan nag-a...