Ayesha's POV
"Why are you ganging up with Jandarra again?" Tanong ng babae. Napaka soft ng boses at napakahinhin niya, parang hindi makabasag pinggan. Malayong malayo sa 'kin."Gwen, Portia," napatingin ako kay Kenneth ng humakbang siya palapit. Nagsi-tahimikan naman ang buong cafeteria ng mag salita siya. Parang napakalakas ng effect ni Kenneth at parang nagm-mute lahat. "apologize."
"W-what?!" Gulantang na sabi ni Portia at Gwen, pati ako nagulat.
Well, dapat lang na mag-sorry sila noh! Nananahimik kami ni Jandarra eh.
"Did you not heard me?" Seryosong tanong ni Kenneth. "I said...a.po.lo.gize." madiin niyang sabi kaya napalunok si Portia at Gwen. Now ko lang nakita ang ganitong side niya, seryoso, napaka-makapangyarihan ng boses niya.
"S-sorry." sabi ni Portia kay Jandarra at binigay ang eye glass niya. Marahan namang kinuha ni Jandara 'yon.
"I-its fine.." saad ni Jandarra.
Lumapit si Kiahhnne kay Jandarra at marahan siyang hinila. "don't do that again, alright?" Nakangiti niyang sabi kila Portia. "don't make me lose my smile and kindness or else...you guys will regret it." namilog ang bibig ko. Nakangiti siya pero nagbabanta ang tono ng boses niya kaya napalunok naman si Portia at Gwen. "let's go?" Tanong niya kay Jandarra nang bumaling siya dito.
"Uhhmm, she's with me." sabi ni Jandarra sa 'kin at tumingin naman si Kiahhnne sa akin ng nakangiti.
"I'm Kiahhnne Hasmill. I'm glad to meet you." sabi niya kaya ngumiti din ako. Sino ba ako para hindi ngitian ang isang good girl at pretty na katulad niya? She's kind kaya pretty siya. Si Portia at Gwen, maganda nga, ka-puta naman ugali.
"Ayesha...Ayesha Mansom." saad ko naman.
"So, let's eat na." nakangiti din niya akong hinawakan sa braso at pareho kaming hinila ni Jandarra sa vacant table. Ang friendly naman niya.
Napalingon ako sa likod namin at nakitang sumusunod sa 'min yung tropa ni Kenneth kaya napa-irap ako.
i don't want to share tables with him!
Na-upo kaming tatlo at mabuti na lang ay sa kabilang table umupo sila Kenneth pero hindi gaanong malayo.
"I'll get your order." lumapit yung friend ni Kenneth na si Marjun pati yung gwapong singkit at matangkad na lalaki.
"What do you want, Kiahhnne?" Tanong no'ng gwapo kay Kiahhnne.
"The usual, Drake. 'wag mo damihan, ha? I'm on diet." sabi ni Kiahhnne sa kaniya habang nakanguso. Ang cute niya, guys. Kapag ako gumawa niyan baka nasapak na ako ni Darrah.
Ngumiti lang si Drake at inayos yung strand ng buhok na nakaharang sa pisngi ni Kiahhnne.
ay? Mangliligaw niya 'ata..bet ko pa naman.
"I'll take your food, Miss karatista. What do you want?" Tanong ni Marjun sakin.
"No, I'll take it." suplada kong sagot at tumayo.
Pipila na sana ako pero nag taka naman ako kasi biglang akong pina-una ng mga student na naka-pila, baka may pakulo itong mga 'to ha?! Baka tatapunan nila ako ng foods na hawak kapag tumuloy ako! Tapos kukuhaan ako ng pic at post sa media para gawin akong laughingstock! Aba! Hindi puwede sakin 'yan!
BINABASA MO ANG
A Not So Fiancee (Dark Owls Romance Series #1)
Teen Fiction"Remember the bet? I think you won." Ayesha has everything the world could offer. She's a brat yet elegant, bitch but kind. She detests the idea of her parents wanting her to marry at a young age. She did everything to break off the engagement with...