CHAPTER 66: School fest

4.3K 113 13
                                    


AYESHA'S POV


Gabi na ng makuwi ako sa condo ko. Tinanong pa nga ako ni Mekkah kung ano na ang nangyari pero binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti at na-gets niya kaagad na bati na kami.


KINABUKASAN ay nagising ako ng mag vibrate ng malakas ang phone ko.


"Miks, can you get my phone?" Sinipa ko ng mahina ang puwet niya nang makita ko na nagising din siya dahil sa phone ko.


"Aray naman ackla!" Sabi niya, kinuha niya ang phone ko at binato sa 'kin.


"Hello?" Hindi ko na tinanong kung sino pa ang caller at sinagot na lang 'yon.


"Gusto ko ng chicken"


"Ha?" Kunot noo kong sabi pero bigla akong natigil ng unti unting mag function sa utak ko ang nangyayari. Pamilyar ang boses na 'yon!


Kaagad kong tinignan ang caller at nag lakihan ang mata ko ng makita ang name ni Darrah.


"Darrah?!! Best!!" Napa upo ako ganoon din si Mekkah.


"What? What?! Si Darrah?!! Speaker mo!" Nakangiti niyang sabi at ginawa ko nga.


"Was that Mekkah?"


"Oo ackla!!! Omg!! Bessy ko!!"


"Ang OA! Punta kayo dito. Dalhan niyo ako chicken" utos niya sa amin kaya natawa kami.


"Oo teh! OTW na!" Natatawa kong sabi.


"On the water?"


"Oo!"


"Hahaha!! Bilisan niyo! Ayaw ko ng food dito sa hospital" binaba niya ang linya at pareho kaming nag tinginan ni Mekkah bago tumawa. Mabilis kaming kumilos at pina-una ko siyang maligo dahil mas mabagal siyang maligo kesa sa'kin.


Nang makarating sa hospital ay kaagad namin siyang niyakap ni Mekkah.


"Teh!! Okay ka na ba? Kilala mo ba ako? May masakit ba?!" Sunod sunod na tanong ni Mekkah.


"Oo teh!! Wag OA!" Natatawang sabi ni Darrah at muli kaming niyakap "I miss you guys, so much!"


Binigay namin kay Darrah ang pinabili niyang chicken. Matapos no'n ay nag kwentuhan lang kaming tatlo, we chose not to tell her about kay Marjun because we know that Darrah would run to him and worry.


Dumating din sila Uncle Jay at Auntie Mari. They are Darrah's parents. Naging shy type pa nga kami ni Mekkah sa harapan nila pero no'ng lumabas sila para kausapin ang doctor ay bumalik ang totoong anyo namin.

A Not So Fiancee  (Dark Owls Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon