CHAPTER 49:we can't

7.3K 142 67
                                    


KEN'S POV


"How could you do that to me?" umiiyak niyang tanong habang hinahampas ako sa dibdib ko. Walang kahit na anong salita ang lumalabas sa akin bukod sa sorry.


"Mitch, I'm really really sorry." bulong ko pero malakas na sampal lang ulit ang sagot niya sa sorry ko.


"How could you cheat on me? How could you ruin me again for a goddamn second time?"


"Mitch," dahan dahan akong lumuhod sa harap niya. "Im so sorry." wala na akong pake kung mag muka akong kawawa dahil deserve ko namang lumuhod sa harapan niya para mag sorry dahil gago ako. "I'm so sorry."


"I don't know, Kenneth." hinawakan niya ang ulo at umiling iling. "Hindi ko na din alam." sabi niya bago ako talikuran at naglakad palayo.


Ilang minuto pa ako bago ako umayos ulit ng tayo. Hinugot ko ang sariling hininga at napa-hilamos sa muka.


'damn it.'


Napatingin ako sa kanina lang na kinatatayuan ni Ayesha. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa din kung paano siya umiyak at maawa kay Mitch, nakita ko kung paano din siya mahirapan at hindi gusto ang nangyayari.


Gusto ko siyang puntahan at habulin pero paano si Mitch?


Tama bang sundan ko siya habang nasasaktan ko si Mitch?


"Fuck." bulong ko. Akala ko madaling saluhin ang lahat. Kung ako lang ang masasaktan ay ayos lang sakin pero masasaktan ko din pala si Ayesha.


It's so mess up.


Na sa sobrang gulo, hindi ko na alam kung paano aayusin.


Hindi ko alam kung paanong sasabihin kay Mitch at paano mawala ang sakit na binigay ko ulit sa kaniya.


Nakakatawa 'man pero kahit ang gulo gulo na gusto ko pa ding makita si Ayesha, na yumakap sa kaniya, na mag pahinga sa kaniya.


'Mahal, I'm sorry.'


'Im really really sorry.'


'Im sorry if gago ang Fiance mo'


Paulit ulit kong ginulo ang buhok ko dahil gusto kong umisip ng solusyon sa kung anong gagawin pero kahit anong gulo ko 'ata sa ulo ko ay walang pumapasok na sagot doon.


'Bakit nga ba nawala ang pagmamahal ko kay Mitch?'


Bumuntong hininga ako sa sariling tanong.


A Not So Fiancee  (Dark Owls Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon