CHAPTER 67

4.9K 154 39
                                    


AYESHA'S POV


"Hayss sa wakas! Finally! Finally!" Nag unat unat si Mekkah ng katawan. "Tapos na ang klase!"


"Teh na-balance mo na yung sayo?" Stress na tanong ni Darrah sa 'min. "Kingina kulang ng sampu! Malapit na akong umiyak"


"Hindi pa teh, aabonohan ko na lang yung akin" stress ko ding sabi at natawa silang dalawa.


"Hay nako! Hindi ko pa magagawa 'yan teh! Mamimili pa kami nila Darrah sa mall ng mga gagamitin" sabi ni Mekkah.


Mamimili kasi silang apat sa mall ng props for booth's namin. While me, hihintayin ko si Kenneth sa tapat ng building namin dahil sabay kaming pupunta sa bahay namin.


"Dito na muna ako, ingat kayo ha" sabi ko sa kanilang apat.


"Nako teh! Samahan ka na muna naming hintayin ang tagapag mana ng Tolentino craft." Sabi ni Mekkah kaya natawa ako.


"Hello, Miss" napalingon kami sa lumapit sa akin. "ABM po kayo?" Tanong niya at nakangiti akong tumango "Crush ka daw po ng taga HUMSS kong friend" sinenyas niya yung kasama niyang lalake na nahihiyang lumapit ta's kinakantyawan pa ng mga kaibigan niya.


"Lapitan mo na!" Sigaw ng isa niyang friend. Napakamot tuloy ako sa ulo ko. Mabuti na lang wala si Kenneth dito dahil baka mag rambulan sila sa harapan ko.


"Hi po. I'm Aldrich. Flower for you" binigay niya sa akin yung flower at napatingin ako kay Mekkah na natatawa lang.


"Thank you" nakangiti kong kinuha yung bulaklak. Sino ba naman ako para tanggihan? I mean, Wala namang masama doon. "But sorry to disappoint you--" pare pareho kaming napaimpit sa ingay ng may bumusinang kotse.


Naglakihan ang mata ko ng makitang kotse 'yon ni Kenneth.


"Oh no..." Natatawang sabi ni Mekkah sa tabi ko "nagseselos ang tagapagmana. in english, jalusy"


Blanko ang muka na bumaba si Kenneth sa kotse niya at naglakad palapit sa amin.


"What's going on here?" Suplado niyang tanong sa mga humss student.


"Uhm, we were just about to ask Miss Ayesha on a date--"


"She's not available. My fiancèe has plan with me" hinawakan ni Kenneth ang kamay ko at nakita ko sa peripheral vision ko na nakatingin yung mga humss sa ginawa ni Ken.


"F-fiancèe..?" Patanong na bulong no'ng lalaking tinatanong ako sa date.


A Not So Fiancee  (Dark Owls Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon