CHAPTER 64 : Misaligned

4.1K 120 11
                                    


AYESHA'S POV


Makailang beses kong tinawagan ang phone ni Darrah pero hindi siya sumasagot, ganoon din si Mekkah. Kaunti na lang, magtatampo na ako. Charrot.


Nadapo ang paningin ko sa pinto nang bumukas ito. Lumaki naman ang mata ko ng makita si Mekkah na may dalang tatlong paper bags.


"Miks!!!" Nakanguso ko siyang tinawag na parang bata at binigay ko sa kaniya ang dalawang braso, sign na gusto kong yakapin niya ako na kaagad din niyang ginawa. "Mekkah!!"


"Are you okay na teh?" Tanong niya at na-upo sa tabi ko. Tinitigan ko siya, malamya kasi siya at hindi ako sanay sa ganoong energy niya kaya nag taka ako.


"Oum, I'm okay na. Ikaw? Bakit ang sad mo?"


Tinignan niya ako na namamasa ang mata kaya kaagad nangunot ang noo ko at niyakap siya "bakit?? Ha? I'm okay na naman na." Hinagod ko ang likod niya "why are you crying? Nasan ba si Darrah? Miss mo na noh?" Pabirong sabi ko pero lalo lang siyang humagulgol. "Huy teh! Bakit ka naiyak?" Patuloy ko siyang niyakap at hinahagod ang likod.


"Hindi ba sinabi ni Tita sayo?" Tanong niya kaya lalong kumunot ang noo ko.


"Na ano?"


Kinagat lang niya ang labi at pinunasan ang luha. "Maybe, they didn't told you kasi alam nilang magaalala ka"


"Ano nga? Bakit?" Kumabog na ng malakas ang dibdib ko.


"S-si... Darrah" muli siyang umiyak kaya natigilan na ako.


"H-hoy Mekkah. S-sabihin mo na, anong nangyayari?" Patuloy siyang umiyak ng umiyak kaya hindi ko napigilang umiyak din. "Mekkah! Ano nga?! Bakit? What happened kay Darrah? Nasan ang kaibigan natin?"


"Nasa ICU siya, 'till now hindi pa din siya nagigising" umiiyak niyang sabi na kinatigil ko. Biglang nanginig ang buong katawan ko at tinitigan siya "natatakot na ako, Ayesha. Yung best friend natin.....Yung kaibigan natin... naka coma pa din"


'Darrah... hindi...hindi..'


Tumayo ako at tinanggal ang swero ko sa kamay.


A Not So Fiancee  (Dark Owls Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon