CHAPTER 25: Confrontation

8K 132 9
                                    

KENNETH'S POV

Pagkatapos ng kanta ay naglakad ako palapit kay Mitch.

"I love you, Kenneth." nakangiting sambit niya. Bahagya pa akong natigilan pero kaagad akong ngumiti.

"I love you too, Mitch." Hinawakan ko ang pisngi niya at marahang hinaplos iyon. Nakangiti niya akong niyakap at niyakap ko siya pabalik. Sandali kong pinakiramdaman ang sarili kung may nararamdaman ba akong kakaiba. Kung tumitibok pa ba ang puso ko para kay Mitch na minsan kong minahal ng sobra.

Naghiwalay ang yakap namin ng makita kong lumapit si Thirdy kay Jandarra na katabi lang ni Kiahhnne. Hindi sila gaanong kalayo sa amin kaya nadidinig namin ang usapan nila.

"Oh? He will confess?" Tanong ni Mitch na nanonood din.

"Hm," tumango ako. Naramdaman ko ang pag lingon niya sa akin dahil siguro sa maikli kong sagot.

"Hhmm, bakit niya nagustuhan si Nerdy?" Tumingin ako sa kaniya dahil sa tanong niya."I mean—she is not a girlfriend material."

I was taken aback by her words. "Mitch? What do you mean?"

Tumingala siya sa akin. "what? I'm just telling the truth—she is not that pret--"

"Mitch.." malumanay kong suway sa kaniya. Natitigilan siyang tumahimik at iniwas ang tingin sa akin. How come she can say those words?

Hindi na ako nag salita pa at muling binaling ang paningin kay Thirdy na inabot ang bulaklak kay Jandarra.

"Jandarra Montenegro," nakangiti niyang banggit sa pangalan ng babaeng nililigawan "Can i have the honor to be your boyfriend?"

Nakita kong kumikibot kibot ang labi ni Jandarra, hindi niya alam kung anong sasabihin.

"It's alright. You don't have to answer me now, Jandarra." nakangiting sabi ni Thirdy at hinawakan ang kamay ni Jandarra para ilagay doon ang rosas.

Nagkantyawan ang mga tao sa kanilang dalawa. Maliit na ngiti ang ginawad ko at inikot ang paningin sa paligid dahil may gustong makita ang mata ko. Hindi ko pa kasi nakikita simula no'ng iniwan ko sila sa Villa nila.

Nang makita ko ang gustong makita ng mata ko ay napawi ang ngiti ko.

She is there, she is with the man she is in love with. She is smiling genuinely sa lalakeng kani-kanina lang ay pinagtatabuyan niya, ang lalakeng alam kong magiging kaaway ko para sa puso niya.

Tinignan ko ang dalawang kaibigan ni Ayesha. Bakit pumayag sila? Hindi ba dapat kakampi ko sila sa pagiging Stephen hater?

Stephen hater?—where the heck did that word came from, Kenneth?

Mukang nahahawa na 'ata ako kay Ayesha.

Muli ko silang tinitigan.

Aahh? They indeed a good couple.

Tsk, mas bagay naman kami.

Iniwas ko ang tingin. What the hell am i thinking?

Sa pag iwas ko ng tingin ay nagkatinginan kami ni Marjun, nangunot ang noo ko sa kaniya ng makita siyang seryosong nakatingin sa akin. I know that look, he is observing me.

Kahit kailan talaga napaka bilis niyang makapansin.

I know what I'm capable of and I'm a danger to everyone. Every fraternity, groups and gangs are afraid of me, pero kung may isa 'man akong hindi gustong makalaban, iyon ay si Marjun.

A Not So Fiancee  (Dark Owls Romance Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon