Simula
When we get in touch, my world never seems crazier than ever.
Simula nang magbasa ako nang mga fairytales, romance books at mga never ending cliché stories ay umaasa rin ako sa tinakdang prince charming ko sa buhay ko. Pinangarap ko na rin magkaroon nang happy ending na magiging kami at ikakasal gaya nang mga romance books at fairylates, na mala Cinderella ang pagkakilala namin, na mala-sleeping beauty niya ako sagipin para magising ulit at mala-little mermaid ang hahantungan namin. Oh diba, ang lakas ko lang mangarap pero lahat sila ay isang katha na hindi totoo.
Pero ako umaasa ako sa Prince charming ko! Please lord pagbigyan niyo na ako, kahit hindi pagpalain sa mukha, ahm... basta gwapo binabawi ko na ang sinabi ko, matalino at syempre yung gentleman ayos na sa akin 'yung hindi niya ako mahal at gusto basta kami ang ending.
Desperada na ako, kasi lahat nang bestfriends ko may mga prince charming na sila sa kanilang buhay na nakilala nila sa tabing kanto, niligawan sila at ayun bumigay plakda sa mga lalaki sa kanto, pero wag ka! Ang mga sinasabi kong nakilala nila sa kanto ay mayayaman, hindi nga lang pinagpala sa mukha
"To infinity and beyond!" Sigaw ko nang makita ang isang crush ko sa room nila. Grabe lang, hindi na ako nahiya doon! Ang gwapo naman kasi diba, at kung iisipin niyo marami akong crush. Ah, siguro bawat room meron so nasa 10 lahat sila.
Habang nagtatakbo naman ako ay hinarangan ako nang tatlong baboy na bully dito sa school at sa dinadaanan ko pa. Napahinto naman ako sa doon at tinaasan sila nang kilay, pumeywang at taas noo pa.
"Anong hinaharang harang niyo diyan sa daanan ko ha?!" pagmamatapang ko pa.
"Aba! Pare oh, lumalaban!" ani nang isang maitim na baboy na tinulak ang leader nilang baboy upang matumba naman ang isang baboy sa bigat nang leader nila.
"Ang bigat mo pare!" aniya. Nagtawanan naman ang mga etsudyante sa paligid dahil sa nakita nila. Pinipigilan ko lang ding tumawa dahil promise! Sobrang nakakatawa kung paano sila matumba, at kung paano tumayo yung isa ay hirap na hirap na parang natatae. Naku! Diet diet din kasi diba.
"Anong tinitingin-tingin mo diyan!" sabi nang baboy na leader sa akin.
"Sabi ko nga aalis na ako! Ba-bye!" nagflying-kiss pa ako saka kumaripas na nang takbo sa kanilang tatlo.
Nagtatakbo sa hallway kung saan madalas tumambay naman ang crush kong isa, ito gwapo nga pero walang utak pero pwede nang pagtiyagaan. Nagpumagal akong maglakad para maging mahinhin at isipin niyang modernong maria clara ako nang henerasyong ito, bakit ba? Bawal ba magpa-impress sa crush mo?
"Kaye, poise please." Hinawi ko naman 'yung buhok na nakakain ko at nilagay sa likod nang tenga ko at halos magwala na ang puso ko nang makita ko na siya. Hindi naman siya yung perfect guy na gusto nang mga tao pero binihag niya ang malanding damdamin ko kaya ayan tuloy ang landi landi ko.
Naglakad naman ako patungo sa hallway at nang magtama ang mata namin ay napahinto naman ako sa paglalakad at nakipagngitian sa kanya pero agad naman akong napatakbo nang ambangan niya ako nang mahiwagang suntok niya at syempre, binigyan ko na naman siya nang flying kiss at kumaripas nang takbo. Ayokong masira ang face ko 'no at wala na akong ihaharap sa iba kong crush. Tumungo naman ako sa may bench malapit lang sa canteen.
"Nagugutom na ako." hawak ko sa tiyan ko. Bakit pa kasi ako dito pumwesto at langhap na langhap nang tiyan ko ang amoy nang mga pagkain doon. Sayang naman at nahulog pa ang fifty pesos na baon ko kanina, hindi ko alam kung saan ko nahulog 'yun at ayoko naman umutang dahil dagdag babayaran lang 'yun.
BINABASA MO ANG
Endlessly
Teen FictionShe is a normal teen girl with have a big dream to have a Prince Charming in her life. She used to read romance fairytales books and believe it was true and all of a sudden, she'd realize it was all her wild imaginations. Then all of her beliefs...