Chapter 13

218 2 0
                                    

Chapter 13

Frustations

 

They're everywhere and I can't stop thinking of it. Lahat sila nakapaligid sa akin and I don't even know kung magtatagal ba sila sa paligid o sadyang napadaan lang para guluhin ang tahimik kong buhay. Fairtytales is what I've dream and when I dream all my hopes are still and it will never be lasts. Hindi lang kasi ako ngayon makagalaw dahil nasa balikat ko ang ulo ni Vincent at ayoko naman na umalis baka mabagok pa siya, nangonsensya pa ako sa kanya. Pero bakit kasi ganito 'yung nararamdaman ko sa kanya.

            I thought it will fade away but it just never did. Lalo pala siyang bumilis and I can feel butterflies in my stomach which give blush on me. Nakakahiya lang na tumingin sa kanya baka sabihin pa niyang pinagnanasahan ko siya. Ang kapal lang ng mukha pero nang i-galaw ko ang ulo ko, sisilipin na gising ba siya... pero tulog siya ng makita ko. He slept over my shoulder. Napapatakip na lang din ako ng mukha kapag may dumadaan na schoolmates ko tapos kapag mga teachers naman ay napapangiwi na lang ako at saka nila ako iirapan.

            Ganyan dito sa school, hindi mo alam kung sino ang mapapalagayan mo ng loob kaya nga iniwan ako ng mga bestfriends kong Jiggly Girls which they only want boys, inalis nila ako kasi ayaw nila sa akin. Masyado daw ang slow na babae, so what diba atleast tao ako. Eh sila? Mukhang mga dugong na pinutukan ng kolorete sa mga mukha nila. Hindi naman ako masyadong mean pero that's what I see them, nagmumukha lang silang malalandi.

            "Hey! Hindi pa ba kayo tatayo diyan?" napalingon naman agad ako sa lalaking nagsalita at halos mapalunok laway na naman ako dahil si Kevin lang naman 'to.

            "Kaye! Late ka na naman?" biglang singit ni Marc sa likod ni Kevin. Nakangiti lang ako sa kanila pero sila nagtitigan at tinaasan ako ng kilay. I can read their eyes at doon ko lang na-gets ang sinasabi nila.

            Bigla akong napatayo dahilan para matumba si Cent sa sahig at matama ang ulo. Napaluhod naman ako at inalalayan siya. Ang laki na naman siguro ng kasalanan ko dito! Bakit din ba kasi ako nagmamadali? Eh wala naman dapat ipagalala diba? Epal lang naman 'to si Cent, dumating lang sa buhay ko na mala-prince charming at—hindi naman siya 'yung usual prince charming na saviour and such siya 'yung tipong kaaasaran mo. Nagkatitigan kaming dalawa nito habang hawak ang ulo niya na tumama sa sahig. Naalala ko bigla ang pagtatapat sa akin ni Xamantha kanina. Bakit din ba ako bigla kanina natahimik na lang nang aminin niya 'yun?

            Well, I'm happy for her dahil nakita na niya ang prince charming niya while me, still searching for the right one.

            Umiwas ako ng tingin sa kanya, I can't look at him straight! Hindi ko alam kung anong nangyayari. "Sorry." Ang nasabi ko na lang pero maya-maya lang ay naramdaman ko ang kamay niya niya na pumatong sa kamay ko. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at dahan dahan niya itong iniangat kaya ako rin ay tumayo na.

            Agad naman akong tumuloy sa room namin na nag-iingay na namang mga kaklase naming. Natahimik lang ako naupo sa silya ko at pinapakiramdaman ang paligid ko, tila isang kalabogsa dibdib ko ang nangyari sa akin kanina. But please Kaye, don't ever fall too much.

            Napansin kong palapit sa akin si Marc, malapad ang ngiti nito at alam kong may ibigsabihin siya dun. Masilayan ba naman ang nangyari, lalo na ni Kevin. Kinuha niya 'yung tabing silya ko na bakante dahil absent at nilapit naman nito sa tabi ko.

            Agad niya akong siniko, "Siya na ba?" he grinned.

            Napailing na lang ako sa kanya, "Hindi, Marc." Simple kong sagot sa kanya. Sana naman kasi hindi lahat ng nakikita nila may kahulugan lahat, minsan sila lang ang gumagawa ng chismis kaya nagkakaroon ng mga chismosa sa paligid. And I don't want to involve myself sa mga ganyan, gusto ko 'yung ako at siya lang ang makakaalam.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon