Chapter 30

98 3 0
                                    

Chapter 30

Uto-uto

 

~Skye's POV

"Kaye!" I still knock up on her door. Sabi niya kasi sakin kahapon, hindi daw siya papasok. I don't know the reason pero siguro nga kailangan nga magpahinga dahil sa nangyari sa kanya kagabi pero malay mo magbago pala ang desisyon niya at pumasok na lang. 'Yung isang pa naman 'yun kapag hindi nakita ang tinatawag niyang Prince Charming ay parang napagbsakan ng daigdig ang mukha dahil sa sobrang lungkot nito. "Papasok ka ba?" dagdag ko pa.

            Dahan dahan namang bumukas ang pinto at sumilip si Kaye na hindi pa nag-aayos ng kanyang buhok. "No, saka kapag tinanong ka sa school..." she thinks, "Sabihin mo, hindi mo alam. Basta 'yun pero kapag sila Mama at Ate Roma naman ang nagtanong sabihin mo may nakakahawang sakit. Sige na! Babush!" then she locked up the door. Hindi man lang ako pinagbigyan magsalita dahil dire-diretsyo siya na parang armalite.

            Kibit balikat naman akong bumaba ng hagdan at nakasalubong ko naman si Ate Roma.

            "Oh! Nasaan si Kaye?" takang tanong nito sa akin.

            I shrugged before answering her, "She's in her room. She's sick." Sinabi ko naman ang sinabi ni Kaye sa akin dahil baka mag-away pa kami kapag hindi ko sundin 'yun. Hindi ko alam pero unti-unti na rin akong nagiging under niya. Aso na rin ba ako? Oh no!

            "Oh!" tatango-tango ni Ate. "Sige, pupuntahan ko na lang siya sa kwarto niya." ngiti pa ni Ate.

            Mabilis ko naman siyang hinawakan sa balikat upang pigilan sa kanyang gagawin, "'Wag na Ate! Sabi niya, may nakakahawang sakit daw siya! Dunno what Its is pero lusutan mo na lang ng gamot sa may pinto. Effective din 'yun!" ngiti ko pa. Sana mauto kita Ate Roma. Minsan lang 'to.

            "Ooh!" she nodded, "Sige, sabi mo eh." Ngiti niya.

            Sa loob loob ko ay parang nagwagi ako dahil nauto ko for the first time si Ate Roma dahil alam kong matalas ang IQ pero ngayon siguro natakot siya dahil sa nakakahawang sakit kaya sumuko siya. Mabilis rin naman akong nagpaalam sa kanila at ako naman ay tumungo na sa aking paaralan. Wala tuloy akong pagkati-tripan ngayon dahil nagsasakit-sakitan. Ano kayang pina-plano ni Kaye kaya inisip na may sakit siya, oo isa na siguro sa reason niya 'yung nangyari sa kanya, ano pa kaya ang iba? Tumatakas siya sa Quiz o wala talaga siyang alam.

            Nang makarating naman agad ako sa school ay minabuti ko na lang na dumiretsyo sa room ko. Syempre bukod kay Kaye na crush ko na 'wag ko na daw ituloy ay may natipuhan akong kaklase ko dito sa school, ang saya lang dahil bukod sa mabait at maganda ay pala-kaibigan pa siya. Minsan na kaming nagkausap at doon ako tinablan nang kahindikdik na kapangyarihan ng pag-ibig. I never thought that I could love someone as special it could be, maybe hindi pa talaga love 'to, admire lang talaga o crush. Simple as that.

            Nang maupo naman ako sa silya ko ay sari-sari na naman ang ginagawa nang mga kaklase ko. Ang iba ay mga tulog, mga nagbabasa nang kani-kanilang mga notes, mga busy sa cellphone at mga adik sa selfie pero ang mas umagaw nang atensyon ko ay ang babaeng kakapasok pa lamang sa pinto. Siya si Casey Richote. Maliban sa atraksiyon na binibigay niya tuwing umaga sa akin ay narinig ko rin kasi ang pinag-uusapan nila.

            "Oo nga, kawawa naman 'yung isang schoolmate natin." Ani nang isang kaklase ko na kasama niya.

            "Yeah, and I've heard it na siya pa 'yung Princess of the night nung kakaganap na contest pa lamang." Ani Casey.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon