Chapter 34

112 3 0
                                    

Chapter 34

Why oh why?!

 

I make myself busy 'yung tipong nakahiga lang ako pero ang daming iniisip nang utak ko. Ang galing'no? May homework kami pero tinatamad akong gawin dahil pwede namang mangopya na lang bukas sa mga kaklase ko, kung magpapagod pa ako mag-isip eh pwede namang kumopya na lamang diba. May bagong phone na rin pala ako at syempre new sim, hindi na rin ako nagtiyagang tanungin sila sa mga number nila dahil wala na naman akong pake, itetext ko ba sila eh sila nga hindi ako magawang matext.

            Naistorbo ang pagpapahinga ko nang may kumatok sa pintuan ko. Nang magsalita 'to ay doon ko lang nalaman kung sino 'yun. Naupo naman ako at napabuntong hininga na lang. Ano na naman kayang kailangan ni Skye sa akin?

            "Pwedeng pumasok Kaye?" aniya sa kabilang side ng pinto.

            "Ayoko." Tipid kong sagot sa kanya.

            Saka niya biglang binulabog ang pintuan na akala mo ay nagwawala. Bigla naman akong nairita dahil hindi ata siya titigil hanggat hindi ko siya pinapapasok kaya mabilis akong tumungo sa pinto at pinagbuksan siya. Gabi na pero nangbubulabog pa rin siya. Hindi niya ba naiisip na kailangan kong mapag-isa kasi 'yun ang kailangan ko.

            "Ano bang kailangan mo?" mataray kong tanong sa kanya.

            Isasarado ko na sana ang pinto nang hindi niya sinagot ang tanong ko peor agad naman niya itong pinigilan. Paarte pa kasi! "Gusto sana kitang makausap."

            I rolled my eyes to him, "Ano na namang sasabihin mo sakin?" hindi ko pa rin inaalis ang pagtataray ko sa kanya. Ni minsan sa tatlong buwan na 'yun, hindi ako lumabas nang kwarto maliban na lang kapag kakain na pero minsan dinadalhan na lang nila ako kaya medyo lumayo ang loob ko sa kanila pero I used to talk to them as I know them.

            "Basta! Tara dito..." saka niya kinuha ang kamay ko at sinipa ang pinto para masarado. Naupo naman kaming dalawa sa kama. Ang weird nang feeling dahil parang ito 'yung time na kailangan ko siyang patigilan sa pagkakagusto niya sa akin at ngayon parang 'yun pa rin ang feeling na 'yun pero hindi na maaari dahil alam kong may nagugustuhan si Skye sa school nila, and I don't know who she is at wala na akong balak malaman gaya nang pagkaintriga ko noon kay Marc.        

            "Simulan mo na kung anong sasabihin mo." Seryoso kong tugon sa kanya.

            Bakas kay Skye ang pagiging seryoso din kaya nakisabay na ako sa aura niya. May agwat ang pagitan namin, ano ngayon kung kababata ko siya, lalaki siya at alam kong nate-tempt sila minsan kaya kailangang umiwas. Teka! Ano ba 'tong iniisip ko. Like hell!

            "Alam mo ba, malapit ko nang mapasagot si Casey." Nakangiting aso nitong tugon sa akin.

            Nanliit ang mata ko sa sinabi niya at kumunot bigla ang noo ko sa sinabi niyang pangalan na hindi ko naman kilala, "Who's Casey?"

            Umayos siya nang pagkakaupo, "Siya 'yung kinukwento ko sayo na nililigawan ko. At ngayon, malapit na talaga." Hindi na mawala sa kanya ang ngiti na kanina lamang ay nababalutan nang seryosong aura pero ngayon, kulang na lang na tumahol siya dahil sa lapad ng ngiti nito.

            Napalunok naman ako nang laway saka siya tinaasan nang kilay, "Bakit mo sinasabi sakin 'to?"

            He smirked, "Dahil ikaw ang nag-insist sa akin noon na hanapin ko ang right princess for me and I got lucky dahil mukhang si Casey ang hinahanap ko." hindi ko alam ang ire-react ko sa kanya kaya napailing iling na lang ako sa kanya. "Hindi mo ba pansin na sa mga sinabi ko noon, lahat 'yun inapply ko. Just to find my Princess."

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon