Chapter 8

205 3 0
                                    

Chapter 8

Prank

 

I still can't imagined kung paano ko gagawin mamaya 'yung prank ko kay Cent. This prank will show if Cent is a real guy o naglalaki-lakihan lang pala eh 'yun pala, bading naman pala ang natipuhan kong prince charming. Sayang naman kung ganun. May mga prank ako na naisip na siguro matatakot ko siya, kasi ako tawang tawa na sa magiging reaksyon niya doon. Wala pa man pero tuwang tuwa na ako sa mangyayari.

            Humanda ka sa akin, Prince Charming.

            "Ano ba 'yang mga dala dala mo, Kaye?" Tanong sa akin ni Mama dahil nakita niya ang isang eco bag na hawak hawak ko. Papasok pa lang ako sa school pero ang dami ko nang naiisip na kalokohan but its for proving naman na tama ang pinagpapantasyahan ko.

            Ngumiti ako kay Mama, "Wala 'to Ma! Tarantula lang naman 'to na nahuli ko sa banyo natin, palaka na nakuha ko sa bakuran natin, butiki na tinalun talunan ko pa sa dingding para maabot. Lipstick mong hindi na ginagamit Ma! Ayos lang talaga 'to! No worries!" ngiti ko pa.

            "Ha-eh?" parang nandiri naman 'to si Mama sa ginawa ko. "Ano bang gagawin mo diyan?"

            "Ma, kakainin ko." diretsyo kong sabi.

            "Bwisit ka! Ano nga?!" gulat na sabi ni Mama na medyo nataranta sa sinabi ko. Pero syempre joke ko lang 'yun, sino ba namang kakain ng mga ganung exotic. Oo meron mga taong ganun, pero what the heck! Hindi ko naman sinabi na kakain talaga ko, huhuhu! Mamaya palamunin talaga ako ni Mama n'un.

            "Mom, hmm..." ano ba pwedeng maipanglusot? "Ah! Ma, for our school project kasi 'to. Kailangan namin magdala ng exotic animals para sa isang experiment!" I crossed my fingers after saying those words. I hope kumagat si Mama sa palusot ko.

            Tumango naman siya sa akin, "Hmm, bakit hindi ka na lang bumili? Sige kung ganun naman pala! Goodluck with your experiments! Ba-bye!" if you know what I mean Mom.

            Mabilis naman akong pumunta ng school at syempre takas kong pinalusot din ito sa guard ng school namin. Kasi meron din nahulihan dito na may dalang eco bag pero dala pala ay mga paninda, kaya ayun pinagbawalan na siya saka bawal rin kasi 'yun sa school namin.

            Nang matungo ko naman ang room ko ay mabuti naman kakaunti pa lang ang nandito at syempre sa upuan ni Cent nilagay ko ang tarantula niya. Hanggat sa parating na rin ng parating ang mga kaklase ko, nagsisi-upo naman sila. Hindi naman nila napapansin ang tarantula na nasa upuan ngayon ni Cent dahil hindi naman ito gumagalaw. I wonder kung bakit hindi nila pinapansin kasi akala nila peke? Yes, meron kasing mga laruan na plastic tarantula na panakot talaga!

            Pero this! I can smell my evil laughed!

            "Good morning, Class!" nagsitayuan naman kaming lahat ng dumating na rin si Maam Amandy. "Go get one sheet of paper. We have a surprised quiz! I know some of you, take your notes! Go!" lahat naman ay nagsikilusan at kahit ako ay kumuha na ng papel ko at nagsulat na ng pangalan.     

            Bakit kaya hindi pa rin dumarating ang Prince Charming ko? Siguro na-late dumating 'yung kalabasa niya.

            "Miss Ramirez, anong tinutunganga mo diyan! Answer your paper!" sigaw nito sa akin.

            "Po, Ma'am?"

            "Number 2!"

            Putek! Naman oh! Hindi ko narinig 'yung number 1 na tanong! Pero mabuti na lang na alam ko na ang sagot na tanong niya. Ilang number na ang naitatanong pero wala pa ring prince charming na umuupo sa kanyang upuan.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon