Chapter 5

247 4 0
                                    

Chapter 5

Joseph Vincent Hughes

 

"Alam mo Kaye, isipin mo na lang na hindi nangyari 'yung kagabi. It was your fault naman kaya wala ka talagang takas." Sabi ko sa sarili ko. Oo! Lagi naman akong ganito kapag mag-isa ako eh, lagi kong kinakausap ang sarili ko lalo na sa ganitong sitwasyon na sobrang kabado ako. Alam niyo ba, wala akong tulog dahil sa nangyari kahapon? What if kasi kapag nalaman ng school mates ko 'yung nangyari sa amin? Amin agad? Wait, sana wala man lang nakakilala sa akin. Okay lang sana, titigan lang nila ako kasi maganda naman ako pero 'yung may chinichismis pa sila. Ugh! Ubos na kahihiyan ko.

            Pagpasok ko sa gate ng school ay tinakpan ko ng buhok ko ang mukha ko. Pang tago sa sarili ko, baka kasi makilala nila ako. Lagot na ako, lalo na kay Prince Charming ko, natapunan ko na nga siya ng coffee jelly niya sa kamay niya at nasampal ko pa siya. Hindi ko naman kasi mean na sampalin siya, ang mean niya lang din kasi sa akin.

            Hindi naman kasi ako aso. Napakaganda ko namang aso kung ganun.

            Tapos nasa akin pa pala 'yung ID ni Prince Charming ko, I never intended naman na ipagpalit 'yung ID namin. Sadyang, hindi ko lang talaga napansin 'yun. Atleast natitigan ko pa ng isang araw 'yung picture niya. Gwapo talaga siya, as in! Inamoy amoy ko pa 'yung lace niya at amoy pabango 'to! Swabe!

            "Hey! You!" napahinto naman ako sa paglalakad ko nang tumambad sa harapan ko ang mga DATI kong bestfriends, which is ang Jiggly Girls na ngayon ay pinamumunuan na ni Leah batungbakal. Echo slang 'yun! Pero infairness, gumaganda si Leah! Mukha na kasi siyang clown.

            Napatanggal naman 'yung harang ng buhok ko sa mukha ko.Napatingin naman ako sa iba nitong kasama na sina Katty at ang tatlo pa. Pansin na pansin ko rin ang putok na putok na blush on nila sa kanilang mga pisngi! Panis!

            "B-bakit, Leah?" tanong ko sa kanya. Alam mo ba 'yung feeling na dati kapag magkikita kayo, magyayakapan kayo at alam niyo na naman siguro ang ginagawa ng mga magkakaibigan diba? Pero ngayon, sa tuwing makikita ko sila. Naiinis ako na ewan, hindi ko rin alam. Namimiss ko lang siguro 'yung dati.

            "You hurt our King!" napa-huh naman bigla ako sa sinabi nito. Kaloka! Sinong king ang pinagsasabi nito?

            "Sino? Kingkong?" tanong ko.

            "Shut up!" sabi ni Katty na kung makairap parang gusto nang lumabas ng eyeball niya sa mata niya. Dukutin ko pa 'yan eh!

            "Edi sino pa, si Joseph Vincent namin!" Joseph Vincent? May kilala ba akong ganun? Nag-isip din ako kung sino ba 'yung tinutukoy nila dahil wala akong maalala na Joseph Vincent. Nababaliw na ba sila, hinahanap sa akin ang taong di ko naman kilala?

            "Teka! Sino ba 'yung tinutukoy niyo?" tanong ko pa.

            "Ugh!" Leah rolled her eyes at nang tumingin muli siya sa akin ay halos maluwa ang mata niya sa kakatitig sa dibdib ko. Napahawak naman ako bigla sa dibdib ko, kung makatitig! Parang walang boobs ang gaga! "Hey! You took our King's ID!" turo nito sa ID na suot ko.

            At nang tingnan ko ang ID na suot ko ay halos magulat din ako na suot ko pala 'to! Ay oo nga pala! Nagkapalit kami ng ID, sobra na akong makakalimutan! Nakakainis 'tong utak na 'to ang slow mag-isip pero kapag sa prince charming na super bilis magfunction. Taragis na 'yan! At si Prince Charming din pala 'yung tinutukoy nilang King nila! Hindi kasi agad sabihin na lang ang pangalan. Mga gaga talaga!

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon