Chapter 44
Where are tho?
Ako lang ang mag-isang pumasok ngayon dahil nauna na rin si Skye sa school, hindi na daw ako mahihinntay kaya lonely ako ngayon, aray! Tapos hindi ko pa siya napuntahan noong isang araw doon sa pakulo niya for Casey dahil busy rin ako kasi kasama ko si Cent. Hindi naman rin kasi ako makatanggi sa lahat nang gagawin niya, muntik na nga ako mangalumpisay sa kilig at maoverdose dahil sa mga ginagawa niya pero ako itong tinatago lang pero halata.
Okay let's move on.
Sooner or later magpapapractice na kami para sa graduation namin. The best thing and goal in my life is to graduate and of course is to be with Cent. And I've luckily with the news na nakapasa ako sa Dela Preville University which my course is Business Administration Major in Marketing Management. Sa ngayon, wala kaming business but I know in the future magagamit ko ang lahat nang matututunan ko. Kasi ayokong ipagkasundo na naman sa iba ang magiging boyfriend ko dahil lang sa business.
Nang makarating na ako sa school, ang normal lang nang dating na parang walang nangyari kahapon. Madalang ang pagpasok nang mga estudyante nang madatnan ko ay mabibilang pa nga ito sa daliri ko pero hindi ko na lamang pinansin kundi nagpatuloy na lang ako sa room. Medyo may kalamigan pa rin ngayon pero hindi na ganoon katulad nang dati. In just only one month matatapos na ang pananatili ko dito sa paaralang 'to.
Pumasok ako at tumuloy sa silya ko. Wala pa si Cent dahil walang katao-tao sa room. Naupo naman ako at dumukmo na lang ako. Masyado lang siguro akong maaga kaya pwede muna akong umidlip pero agad akong nairita sa boses na padating.
"Miss Ramirez!" agad namang napaangat ang ulo ko nang marinig ko ang boses ni Ma'am Amandy. Napatayo naman agad ako at napaikot ang tingin ko na pansin kong wala pa rin ang mga kaklase ko. Ma-aaward-an na ba akong perfect attendance ngayong month dahil sa ako lang ang pumasok ngayon? Sana. Tapos ibibigay ko na lang kay Cent 'yun.
"Po? Bakit Ma'am?" natataranta kong tanong sa kanya.
"Bakit ka nandito?" mataray nitong tanong sa akin pero mahinahon.
Lalo naman akong nagtaka, "Mag-aaral po." Simple kong sagot sa kanya.
Pinandilatan niya ako nang mata dahil sa sinabi ko. Napalunok naman ako dahil sa mukhang makakatikim ako dito kay Ma'am Amandy pero naman 'wag sana dahil ayokong masampulan niya.
"Ano? Walang pasok ngayon! Umuwi ka!"
Nanliit naman ang mata ko sa sinabi niya, "Ma'am ano 'yun?"
She rolled her eyes, "Bingi ano? Sige na, umuwi ka na." saka siya tuluyang lumabas nang room. Wala naman akong nagawa kundi mapaupo na lang sa silya ko. Paanong wala? Ako lang ba ang walang alam na may pasok ngayon? Masyado lang kasi akong nag-aalala na kapag hindi siya pumasok posible na hindi siya matuloy—hindi siya makakagraduate.
Dinampot ko naman 'yung bag ko at walang gana na lumabas nang room. Pero nasapul ako nang pinto nang bumukas ito. Natumba ako dahil wala akong gana. Hinawakan ko naman ang noo kong magkakaroon pa ata nang bukol. Pansin ko naman ang kamay na lumahad sa harapan ko at kinuha ko naman at dahan dahan akong tumayo at nang makita ko kung sino ang taong nasa harapan ko.
Tila bumilis na naman ang kabog nang dibdib ko. Feeling ko nung first time pa lang kami nagkita. Unang tibok nang puso ko na sa kanya lang bumilis nang hindi normal. Napapangiti na lang ako sa tuwing ang ngiti niya ang bubungad sa akin. Hindi na niya binitawana ng kamay ko, kinulong na naman niya sa malaki niyang kamay.
BINABASA MO ANG
Endlessly
Teen FictionShe is a normal teen girl with have a big dream to have a Prince Charming in her life. She used to read romance fairytales books and believe it was true and all of a sudden, she'd realize it was all her wild imaginations. Then all of her beliefs...