Chapter 19

145 3 0
                                    

Chapter 19

Joseph Vincent's Past

 

~Cent's POV

For the second time around, I never felt the way I used to love a girl with his own perfections. I never imagined that I could like this girl but ugh, she just stole my attention and all and after what she did to me, my life never seems greater than before but when I actually remember how I wait for her, lagi na lang ako nababadtrip, naiiinis sa sarili ko. Hindi ko kasi akalain na sa pangako niya na sa hintayin ko daw siya, napako ang lahat nang 'yun dahil kahit kailan hindi na siya bumalik sa piling ko.

            Kaya ang ginawa ko na lamang ay pinatay ko na siya sa buhay ko at sa nakaraan ko. Masakit kasi matagal-tagal din kayong nagsama at sa huli ikaw ang iiwan niya.

            A knock from the door came out of the blue. So I walk towards to it and when I open it, a girl reminds me of her. I don't know her but she just keep smiling at me then, hugged me for no reason.

            I moved her away, "Who are you?" I asked.

            She giggled. She move the hair blocking her face, "You don't remember me? It's me! Jonie!"

            And I got freeze and when she said her name. It cant be!

~Kaye's POV

Dahil bukas pa ang pasok dahil weekend ngayon, hindi ko pa rin makalimutan kung paano ko ginamot-gamot si Cent. Minsan lang naman mangyari 'yun kaya sinulit ko na! Pero ngayon mas hindi ako mapakali sa kanya dahil sa may nalaman ako na kating kati na malaman tungkol sa past niya. Hindi ko alam kaya gusto kong alamin pero parang masyado namang pribado kung ganun pero eh! Gusto ko talaga malaman!

        Nasa bahay niya kaya siya ngayon? Ano kayang ginagawa niya?

        "Kaye, kanina ka pa nakatapat sa electric fan, baka nabusog ka na nang hangin niya." Ani Ate Roma. Kanina pa nga ako dito dahil hindi nga ako mapakali at wala naman akong magawa kaya binabad ko ang sarili ko sa electric fan.

        Hinarap ko naman si Ate Roma, "Naku Ate! Ayos lang 'to! Para atleast pantay na sila ng utak ko, puro hangin." Sabi ko na medyo natawa naman si Ate at napailing iling pa sa akin. Nakita ko naman si Skye na papalapit na naman sa akin kaya agad akong lumayo sa kanya dahil tatabihan lang nu'n ako.

        Alam niyo ba! Bet na bet din talaga ni Mama si Skye for me pero iba naman ang gusto ko at si Cent 'yun! Si Cent na talaga ang my one and only prince charming for life!

        "Ang gulo mo, Kaye." Sabi ni Skye na poker face pa. Tumigil naman ako sa paglayo sa kanya at umupo sa tabi at hindi nga ako nagkamali dahil tumabi pa rin talaga siya sa akin. Sinimangutan ko naman siya at doon naman siya umusog nang kaunti mula sa akin.Laging ganito si Skye, gusto nang kaharutan. Pwes, hindi kami bagay but we can remain friends.

        Kinuha ko naman 'yung phone ko at tinext si Marc kung ano nang nangyayari sa nililigawan niya na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin sinasabi sa akin kung sino 'yun. May pagka mystery din kasi si girl dahil nung ipapakilala na sana sa akin ni Marc 'yun bigla naman nagkaroon ng kung anong kaekekan kaya hindi rin nagawang ipakilala sa akin.

        "Marc! Kailan mo ipapakilala sa akin 'yung unknown girl mo?" text ko sa kanya.

        May reply naman agad ito, "Soon... I don't know and not maybe."

        Napakunot noo naman ako sa sinabi niya, "Anong ibig mong sabihin?"

        Ilang saglit lang din ay may mensahe mula sa kanya, "Hindi ko rin alam, Kaye. Ngayon nga eh, magkikita kami. Sana, pumayag siya."

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon