Chapter 42

127 4 2
                                    

Chapter 42

Ifs

 

There's a lot of what if's came in my mind when I saw those memo's of Cent. Tahimik lang ako sa buong oras na pagka-clarify at pagaayos nang mga drop-outs at hindi, habang nag-iingay ang mga student council officers sa room. Ito naman ako na seryosong tinititigan ang pangalan na Joseph Vincent Hughes sa list nang section namin. Mabuti rin naman dahil walang nasama sa mga drop-outs sa amin pero ang inaalala ko ay nasa alanganin na si Cent. Sa tuwing titingin si Cent sa akin, pilit na ngiti na lang ang napapakita ko sa kanya. Hindi ko alam pero bakit bigla akong nalungkot sa nalaman ko.

            "Tapos na ako, ikaw?" baling ko kay Vincent na ngayon ay nakapangalumbaba na lang na nakatingin sa akin. Tulala at bakas sa mga labi ang ngiti. Napabuntong hininga naman ako sa kanya. "Tara na." malamig kong tugon.

            Nag-excuse na rin naman ako kay Juliet na tapos ko na gawin ang maliit na tulong ko preparation for the graduation. Two months before, ga-graduate na kaming mga seniors pero ngayon pa ako nalulungkot.

            "Anong nangyari sayo?" ani Cent saka umakbay sa akin. Hindi ko na naman pinilit na tanggalin dahil hindi rin siya papatalo at ibabalik at ibabalik niya 'yun. I feel so worried about it. Yes, for everyone it's just only a graduation but for me... it is a goal. After kasi nun, college life na ang tatahakin ko and I don't know what happen if Cent and I still the same kapag nangyari 'yun.

            I shook my head before answering him, "Nothing. Gutom lang siguro ako."

            "Did you not take breakfast?" tanong niya sa akin.

            Ngayon naman ay tinanguan ko siya, "Hindi na kasi ako sanay na kumakain nang breakfast. Kasi sa tuwing makikita kita, pang appetite pa lang sapat na sapat na."

            Napingot naman niya agad ako sa ilong ko, "Sabihin mo na lang kasi gwapo ako."

            Napangisi naman ako sa kanya. Hindi ko na siya sinagot at nagtuloy na nga kami sa canteen. Hindi niya ako iniwan sa table kundi sinama niya pa ako para mamili. "Alam mo hindi mo naman kailangan bilhan ako. May dala naman akong cake diyan, pwedeng 'yun na lang kainin ko, natin!"

            Umiling siya at humarap sa akin, "Iba 'yung cake na 'yun sa pagkaing ibibigay ko, ha?"

            Marahan naman akong tumango sa kanya at sa huli siya na ang namili nang kakainin naming dalawa. Tinungo naman namin 'yung pinakadulong upuan kung saan natatapatan nang aircon, hindi naman yata niya ako gagawing yelo dito ano? Dahil hindi ko kinaya ang lamig, lumipat kami nang table. Nagsimula rin naman kaming dalawa na kumain.

            "Nga pala, Cent... may papasukan ka nang college?" bigla kong naitanong sa kanya. Saka ako muling kumagat sa tinapay ko.

            He nodded for my answer, "Yes... actually limang university na ang na-applyan ko. At 'yung tatlo nakapag entrance exam na ako."

            "Talaga?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya na agad naman niyang tinanguan. "Saan saan naman 'yun?"

            "'Yung isa Saint Jude Scholastic University, 'yung result malalaman ko na next week. Second is Dela Preville University, 'yun naman next month dahil noong last week lang ako nag-exam online. Saka ang pangatlo, Italiano International School."

            Namintig naman ang tenga ko sa huling sinabi niyang school, "Italiano? Italy?" tinanguan ako ni Cent. Mabilis naman nagbago ang mood ko nang sabihin niya 'yun. Its in Europe, malayo ang Italy sa Philippines.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon