Chapter 47

103 3 0
                                    

Chapter 47

Doubts 

Abala ako ngayon, kay aga-aga dahil kailangan na palang asikasuhin ang preparation for graduation ball. Yes, and the theme was masquerade ball at may naisipan naman kaming dalawa ni Donie na magkakaroon din nang King and Queen of the night kasi nga, graduation ball na 'yun so kailangan may bongga rin. Syempre kasama rin kami doon sa magiging participants. Hindi ako umaasa dahil nabigyan na ako nang title pero hindi rin masama mangarap.

            "Seniors!" nahinto naman kaming dalawa ni Donie sa ginagawa namin nang istorbohin kami ni Juliet, joke lang hindi talaga. Nilingon namin siya at iba pang nandito sa loob anng student council room. "Lahat ng seniors pumunta na daw gymnasium. Graduation Practice!"

            Agad naman kaming napa-ayos lahat at naiwan naman ang ibang student councils na freshmans, sophomores at juniors. Sabay sabay naman kaming lumabas at tinungo ang daan sa gym. Hindi ako tumuloy sa room kanina kasi doon na ako pinapapunta, excuse na nga daw ako sabi ni Juliet na president ng SC. Hindi ko rin alam kung pumasok si Cent, pero sana oo kasi nagpa-practice na eh. Actually, third day na 'tong practice namin at 1 week na lang. Graduation na namin, so wala nang klase ang lahat nang seniors.

            Nang makapasok na kami sa gym ay nabalot kaagad nang ingay nang mga estudyante ang narinig ko. Maraming seniors ang nakapaligid na halos pinupuno na ang gymnasium. Humiwalay na rin naman ako sa mga kasama ko at hinanap ang section ko.

            "Excuse me..." pahintulot ko pero mukhang hindi ako narinig at nabunggo ako. Masakit sa dibdib. Nang mapalingon naman ang lalaki ay sinimangutan ko na lang siya. "Leche ka! Masakit 'yun Skye!" palo ko pa sa kanya.

            Ginagamit naman niyang pang-salag ang braso niya sa pagpapalo ko, "Pasensya na! Natulak lang ako!" aniya. Natatawa tawa pa siya. Naku naku! Mabuti na lang talaga kababata ko 'to kundi naupakan ko na 'to. Maliit na nga bubungguin pa. Sakit. Sobra sobra, masyadong bumaba ang pagkatao ko. Tss, just kidding.

            "Hindi mo alam kung anong nararamdaman ko dahil wala ka nun, Skye."

            Tiningnan niya lang ako nang may pagtataka at napatingin-tingin sa gilid niya at sa huli napakamot na lamang siya nang batok niya. "Kaye, nakainom ka ba nang gamot mo?"

            Agad siyang nakatanggap nang batok mula sa akin saka ko siya iniwan. Nang-asar pa. Leche!

            Hinalughog ko pa ang paligid at sa wakas ay nakita ko na rin naman ang mga kaklase ko pero agad na hinanap nang mata ko ang lalaking magbibigay nang ngiti sa buong araw ko. Inikot ko pang muli ang paningin ko pero hindi ko matanaw ni tindig niya, sinubukan kong titigan lahat sila pero namamalikmata lang ako. Hindi ko makita si Cent. Dapat nandito lang siya sa group ng section namin, kung pumasok man siya.

            "Nakita mo si Cent?" tanong ko babae kong kaklase.

            Inilingan naman niya ako, "Hindi pa."

            "Anong hindi pa?"

            Kinibit-balikat naman niya ako, "As in hindi pa."

            Napabuntong hininga naman ako sa kanya at tinanong ako lalaki kong kaklase. Kung wala ka ngayon, humabol ka please. Hindi mo nga nabawasan 'yung tatlong natitira sayo pero ngayon pa ba? 'Wag naman kasi diba gusto mong grumaduate tapos magstay dito kasama ako. Ayaw mong lumayo sa akin diba, pumasok ka.

            Masyado na akong obsessed but not in that way.

            "Pumasok ba si Cent?" mariin kong tanong sa kaklase ko.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon