Chapter 39

110 3 0
                                    

Chapter 39

True to life

 

~Cent's POV

F*ck! Why can't I have a call! Stupid phone.

~Kaye's POV

Nagising ako na mabigat ang ulo kaya hindi na lang ako pumasok dahil mas sasakit pa lalo ang ulo ko at mukhang mainit din ako. May sakit na ako. Kung kailan kasi may pasok tapos hinihintay ko ang pagdating niya ang galing lang tumayming nang sakit ko. Nakakainis talaga. Uminom na rin naman ako nang gamot ko para medyo kahit papaano ay mawala ang bigat nang ulo, ngayon tunganga na naman ako sa bahay. Naalala ko na naman ang tatlong buwan kong pananatili sa bahay.

            Taong bahay na naman ako tapos bawal pa ako magkikilos-kilos dahil mas lalong sasakit ang ulo ko.

            Wala ako nagawa kundi titigan na lamang ang phone ko at paulit-ulit na binabasa ang mga text messages ni Cent at hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na tatawag nga siya sa akin dahil pakiramdam ko ay sign niya 'yun na nagbabalik na nga siya. Maghihintay lang naman ako sa prinsipe ko.

            Masaya talaga mabuhay kapag alam mong inaabangan ka, bukas o sa susunod pang araw. Mas lalong nagiging exciting, mas lalong kaabang-abang ang magiging resulta kung hanggang saan ba hahantong ang paghihintay anng isang tao. Minsan sa buhay ko marami na akong inisip na magpapaligaya sa akin, mga bagay na nakapaligid sa akin pero ang nagbigay buhay talaga sa akin ay si Cent. Ewan ko ba pero nang dumating siya sa buhay ko at bungguin ang pagiging prinsesa ko ay nagbago 'yun isang araw na nagsimula sa gusto, at sumunod sa pagkakaaminan at dumating ang isang problema, susuko pa ba ako kung kailan malapit ko na makuha ang matamis kong happy ending o kaya ang ending ko.

            Sige na, hindi na muna ako aasa happy basta alam kong may ending sa bawat problema na natatamasa ko.

            Nasisilaw ako sa ilaw nang screen nang phone ko sa tuwing titingnan ko ito at nang hipuin ko ang leeg ko ay umariba ang init nito. Mas hot pa kay Cent. Tinawag ko naman si Ate Roma at Mama. Nilagyan nila ako nang thermometer sa kili-kili ko at ilang saglit ay tiningnan na ni Ate Roma.

            "38.7." dahang-dahang binasa ni Ate Roma.

            "Naku! Naku! Ang taas nang lagnat mo. Napa-inum na naman ka namin nang gamot siguro. Magpahinga na lang muna, Kaye."     

            Natawa naman ako nang bahagya sa kanilang dalawa dahil bigla silang nag-panic. "Teka lang! Ma Ate Roma, may sakit lang ako hindi pa ako mamamatay. Chill lang kayo, gamot lang 'to."

            "Oh ito! Inumin mo dali-dali." Saka ko naman ininom ang tabletang binigay sa akin ni Mama at tuloy-tuloy itong ininom dahil ang laki-laki nang tablet na 'yun. "Sa kwarto ka muna, magpahinga ka doon."

            "Ayoko." Sagot ko.

            "Hayaan mo na siya, Tita. Mas mabuti na dito para hindi siya masyadong kulob sa kwarto niya."

            Nang huminahon naman silang dalawa ay pinabalik ko na sila sa kanilang mga pinagkakaabalahan at ako naman ay nanuod na lang nang tv. Puro buntong hininga na lang din naman ang nagawa ko dahil bored na bored ako. Naramdam kong may tumawag sa phone ko kaya agad ko namang sinagot ito sa pagmamadali ay hindi ko na natingnan ang pangalan.

            "CENT!" bungad ko sa kabilang linya.

            "Tss! Nakakapagselos na 'yan ah." Natauhan lang ako na marinig ko ang boses ni Kevin sa kabilang linya. Agad naman akong nagtaka dahil napatawag siya bigla. Mahal ang tawag kaya labis talaga ang taka ko.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon