Chapter 48

96 4 0
                                    

Chapter 48

It's Kaye Ramirez

 

Tamlay na tamlay ako habang naglalakad sa gitna for our graduation practice. Hindi ko alam siguro magkakasakit ako dahilan sa pagpapaulan ko kahapon. Wala naman akong sinisisi kundi ang sarili ko lang din pero hindi ako magpapatalo, kaya kong labanan kung sa pag-alis pa nga niya nang walang paalam natitiis ko. Ngayon pang susumpungin ako nang sakit ko.

            Ewan ko rin kung bakit ako pumasok eh, alam ko na nga na hindi maganda ang pakiramdam ko pero keri lang. Kaya 'ko 'to. Napabuntong hininga naman ako nang maupo ako sa silya ko habang ang iba ay tinatawag pa ang according sa last name.

            "Kaye, may sakit ka ba?" napatingin naman ako sa kaklase kong nag-aalala sa kondisyon ko. Nginitian ko naman siya at tinanguan pero nilapit nito ng ibabaw nang kanyang kamay at nilapat sa leeg ko. "Mainit ka, sigurado ka bang wala kang sakit?" aniya.

            I shook my head, "Wala 'to. 'Wag ka nang mag-aalala."

            "O-okay." Saka siya bumalik ang atensyon niya sa pag-papractice namin.

            Napangalumbaba na lang ako. Hindi rin naman kasi ako pwedeng umabsent dahil kailangan ko na ring asikusahin 'yung magiging ganap sa graduation ball namin. Actually, kinukuha lang naman talaga sa amin ang ideas namin saka ang student council officers na ang mag-aasikado. Nakahanap na rin naman kami ng perfect venue dahil gabi gaganapin 'yun. Naaasar lang din ako kay Donie dahil puro salita lang siya. Iba talaga pag matalino, laging nagmamataas.

            Tumayo kaming lahat for the national anthem at pagkatapos ay ang panunumpa, alma mater song at naupo kami. Nakakapagod kasi paulit-ulit namin ginagawa pero alam ko naman worth it naman 'to dahil isa siyang goal for us na makagraduate. Kanina pa rin akong walang imik din kasi simula kaninang umaga nang magsimula kami, hindi ko pa siya nakikita.

            If you can't attend school today, please I beg for tomorrow.

            Break time for about twenty minutes. Pumunta akong canteen dahil kumakalam na ang sikmura ko. Ewan ko, lately o kagabi lang nawalan talaga ako nang gana after kong makita si Cent sa ulan na pinapayungan ako at ang nakakatawa pa dun, hindi na siya nakauniform. Naka civilian na siya, medyo formal nga lang at nahalata ko doon na, iniwan niya nga ako pero I washed out all from it yesterday kasi binalikan niya pa rin ako.

            Nang makabili ako nang pagkain ko ay naghanap naman ako nang table ko dahil nagkakapunuan na rin gawa nang break nang practice namin. Naupo ako kung saan kami dati ring naupo, 'yung malapit sa aircon. Mag-isa ako ngayon, malamig pati ang kinakain kong chips at sandwich nagiging yelo na.

            Muntik ko nang maibuga ang iniinom kong soda nang may gumulat sa akin at hawak-hawak pa ang balikat ko. Nang ilingon ko naman ay nakita ko si Skye kasama si Casey. Inirapan ko na lang siya at naupo naman silang dalawa sa harapan ko.

            "Nag-iisa ka?" ngisi pa ni Skye saka kumuha sa chips ko pero pinalo ko. Tinawanan lang siya ni Casey. Alam ni Casey na magkababata kami at alam ni Casey na may gusto sa akin 'tong si Skye pero alam ko naman na hindi niya na isiipin 'yun dahil siya na ngayon ang gusto ng kababata ko. "Nasaan nga pala si Cent? Bakit 'di kayo magkasama?"

            Napabuntong hininga ako, "'Hindi ako ang lost and found center, Skye."

            "Pero Kaye, 'diba kayong dalawa? Medyo bitter?" singit ni Casey.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon