Chapter 20

150 3 0
                                    

Chapter 20

Don't mind him

 

I make myself busy na tipong hindi ko siya maaalala at hindi siya ang makikita ko tuwing pipikit ako. Pero sa tuwing ititigil ko ang mga gawain ko kusang pumapasok siya sa isipan ko nang pwersahan na hindi man lang nagpapaalam at hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil hindi ko rin makalimutan 'yung nangyari kagabi sa peryaan which gave ache in my heart.

            I took a deep breath. Ngayon na papasok kami sa school mas lalong hindi ako mapapakali lalo na nasa harapan ko pa siya nakaupo at kahit kanino ko ibaling ang atensyon ko kapag nandiyan na ang guro siya agad ang una kong makikita. Nakakaasar lang din minsan, ilang beses ko na sinabi na dapat nilayuan ko na si Cent dahil someone is meant for him at hindi ako 'yun. He had a princess and I guess the girl whose with him yesterday is that.

            "Kaye, nakakailang buntong hininga ka na ngayon umaga?" sabat sa akin ni Skye na feeling niya out of place siya sa akin dahil hindi ko daw siya kinakausap at parang may sarili akong mundo sa utak ko.

            Nilingon ko naman siya, "I don't know, maybe 10 times more." I said and goes back where I looked at.

            Someday my prince charming will come. Someday I will have my own prince charming.

            "Kung ang rival ko ang iniisip mo, tss at nagkakaganyan ka! Hmm, siguro? Wala na siya sayo 'no! So ibigsabihin? Nabawasan na ako ng rivalry! Yahoo!" tuwang tuwa pa nitong sabi pero para sa akin kawalan 'yun. Tawagin na nila akong malandi at kung ano ano pa pero mapipigilan ko ba ang damdamin ko na maging manhid at itago na lang? Mukhang hindi ko kakayanin ang ganun.

            First I lose this guy who treated me like no other, Kevin. Then, Renzo whose been courting some girl. Now, Cent whose been committed with his princess and the funny thing is, Skye is only who's been left here.

            "Mauna na ako sayo! Hintayin mo ako mamayang uwian! Ililibre pa kita!" paalam sa akin ni Skye at siya naman ay nagtungo sa building ng kanyang year at ako naman ay nakayukong naglalakad patungo sa room ko.

            Halata ko sa paligid ang masasayang tawa nila at mga usapang walang katapusan. May saya sa kanilang mga tawa at bakas mo sa kanilang mga labi 'yun pero hindi rin talaga maiiwasan ang mga nagkalat na chismosa sa paligid kaya ayun hindi mo talaga maiwasan na hindi makarinig. Maaga pa rin naman dahil hindi naman ako nagayos masyado like I always for kapag papasok ako, ngayon normal na normal ako. Konting pahid lang ng pulbo at lipgloss then viola, the simply Kaye came out.

            "Look who's here." Napatingala naman ako nang marinig ko ang boses niya. Nakita ko na naman ang tirador niyang mga mata at nakataas na kilay. Bakas din sa boses nito ang pangiinis dahil nga sa nangyari sa amin. Maraming nangyari pero ang latest ang pinagmukha ko silang tanga na medyo karapat dapat naman talaga sa kanila kaya ayos lang na makamtam nila 'yun. Masyado silang bully.

            "Look who's here." Pag-uulit ni Jean sa sinabi ni Leah.

            Agad naman siyang nakatanggap ng batok mula kay Beverly. "Gaga ka! Hindi mo line 'yun diba!"

            Sumabat naman si Ershely, "Oo nga! Kakapraktis lang natin kanina!"

            Tumango naman si Jean na mukhang ewan at humarap sa akin sabay tinaasan ng kaliwang kilay na pilit niya pang tinaas. "Paasa." Sa wakas ay nasabi niya nang perfect ang line niya.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon