Chapter 32

126 2 0
                                    

Chapter 32

My Comeback

 

After three months. Ilang araw ang nalipas sa tatlong buwan at sa tagal ng panahon na hindi ko pagpaparamdam sa mga taong nakapaligid sa akin, hindi ko alam pero alam mo ba 'yung feeling na ang dami nang pagbabago sa sarili mo, na kaya mo nang i-handle ang sarili mo sa kahit anong bagay na nakapaligid sayo at ngayon sa muling pagbabalik ko, iiwan ko sa kanila ang ngiti kong magpagwagi.

            Alam kong nagsasaya sila dahil sa pagkawala ko dahil sa hindi inaasahang pangyayari pero ang hindi nila alam ay buhay na buhay ako at mali sa inaakala nila. Hindi rin ako pumasok sa school nang tatlong buwan para lang mapaghandaan ang mga plano ko sa pagbabalik ko, nalaman naman ng teacher's ko ang nangyari sa akin at nang malaman nila na buhay ako ay binigyan ko sila nang reminders na huwag munang ipaalam sa iba na buhay ako ngayon dahil sumasailalim lang ako sa medikasyon dahil may nakakahawa akong sakit kahit hindi naman totoo 'yun. Nauto ko naman sila kaya nag home study ako for about three months at ngayon na pagbabalik ko sa school, naiisip ko pa lang ang mga reaksyon nila nang makikita nila ako. Naghahalumpasay na ako sa kakatawa. Curse them.

            Kinalimutan ko na rin sa buhay ko ang mga pagpapantasya sa mga fairytales, prinsipe at pag-aasam na maging prinsesa. Lahat 'yun pinalitan ko nang panibagong mapagkikinabangan sa buhay ko at naging interesado sa mga mapaglarong tadhana ng buhay. Fairytales, isang salita pero ngayon tinatawanan ko na lang siya dahil noon pinaasa niya ako dahil akala ko magkakaroon ako nang ganung buhay pero ang saklap lang dahil hindi 'yun ang inaasahan ko. Prince Charming are the best rival's on my life now, hindi ko alam pero ngayon kailangan ko na silang talikuran dahil hindi naman sa mga lalaking nakapaligid umiikot ang mundo ko.

            May sarili akong buhay at paligid, hindi sa isang tao na nandiyan lang para sayo.

            But for now, Jiggly Girls... wait for my sweetest revenge.

            "Woah!" nabigla ako nang bumungad si Skye sa kwarto ko. "Seriousy Kaye? School ang papasukan natin, hindi club." Aniya sa akin.

            Pinagpatuloy ko lang din naman ang paglalagay ng eye liner sa mata ko. Lahat ng nagagawa nang nakaraan may impact sa kasalukuyan kaya kung ano ako ngayon, ang mga dahilan ay ang nakaraan. Pero sabi nga nila, bakit daw ako magi-stick sa past kung ang kinagaganda naman daw ng buhay ay nasa present.

            F*cking sh*t the one who said that. Hindi nila alam kung anong nangyari sa akin dati. All I just felt is pain and nothing more. Muntik na akong mamatay, hindi ba pa sapat na mamuhay ako sa akto nang gusto ko?

            Tumayo ako at niligpit ang pinag-gamitan ko nang eye liner ko. Kinuha ko naman ang black back pack ko at tuluyang lumabas ng kwarto ko na hindi man lang pinapansin si Skye. All you can see is just me, nagbago ba ako? Siguro sa tingin ko sa ibang aspeto.

            Ngayon na straight ang buhok, may eye liner ang pagitan ng mga mata at walang pakialam sa paligid. Tandaan, 'wag babanggain ang bagong Kaye Ramirez.

            "Woah!" namilog ang bibig ni Ate Roma nang makasalubong ako. "Kaye, saan ka pupunta?"

            "Papasok Ate." Tipid kong sagot sa kanya. Tumango naman siya sa akin at pansin ang hindi pagiging komportable sa akin. "Ate, siguro masanay na kayo na ganito na ang Kaye na laging makikita niyo." I patted her shoulder, "I have to go, someone's waiting for me." I smirk.

            Palabas na ako nang bahay nang habulin ako ni Skye at may inabot sa aking wipes pero tinaasan ko lang siya nang kilay dahil sa ginawa niya. Nakalahad lang ito sa harap ko. "Anong gagawin ko diyan?" mataray kong tanong sa kanya.

EndlesslyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon